Chapter 12

929 26 0
                                    

Solene Akasha POV


"Talaga? Makakanood ka ng laro nila Zeeian?"


Malaki ang ngiti ni Iyah ng ibalita ko sa kaniyang isa ako sa mga in-assign ni Ate Zianah sa magaganap na University League bukas. First game nga kaagad sila Zeeian laban sa SJU kaya naroon sila sa university dahil kinausap sila ng coach nila.

Nandito kami ngayon sa sala habang nakaupo, kadarating lang din kase ng 64 oz Arctic white na aquaflask na inorder ko nung nakaraan, medyo tumagal ang dating nito dahil ginawa pa nila ang stickers na pinacustomize ko. Pinadagdagan ko rin kase ang mga stickers ng surname ni Zeeian at isang maliit na initials naming dalawa.


"Nagawan ko ng paraan eh." nakangiti kong sagot kay Iyah.


Tahimik lang siyang nanonood sa akin habang nilalagyan ko ng mga stickers ang regalo ko kay Zeeian.


"May balak ka bang mag-entrance exam sa ibang university, sol?" seryoso niyang tanong sa akin pagkatapos ko maidikit ang huling sticker.


"Wala, bakit mo naman naitanong?." maikli kong sagot sa kaniya.


"Balak ko kaseng magtake ng entrance exams sa ibang university, actually isa sa mga tinake ko lumabas na ang results....pumasa ako, sol." nakangiti siya pero may halong lungkot ang boses niya.


"Gusto mo ba roon?" tanong ko sa kaniya.


Ngumiti lang siya sa akin ng pilit at habang nagbabadya na ang luha sa kaniyang mata.


"Dahil ba kay Calix?" tanong ko.


"H-hindi naman.. May naririnig kase ako na kaya raw ako nakakapag-aral sa Chua-Ashford University dahil kay Calix. May nagsasabi sa akin na bayaran daw ako at-"


"Iyah!"  biglang sigaw ni Calix sa likod.


Pareho naman kaming nagulat ni Iyah nangmakita namin na galit na galit si Calix, mukhang narinig ang lahat ng sinabi ni Iyah. Kasama niya si Zeeian na tahimik at seryoso lamang na nakatingin sa akin.


"Sino nagsabi niyan? Kanino mo narinig?" sunod-sunod na tanong ni Calix habang pinipilit ang kaniyang sariling kumalma.


"W-wala.." sagot ni Iyah at pinunasan ang mukha.


"Both of you should talk, Calix. Kumalma ka lang muna." sabi ni Zeeian habang hinahaplos ang likod ni Calix.


Umakyat silang dalawa sa taas para mag-usap. May tiwala naman ako sa dalawa na wala silang ibang gagawin. Naiwan kaming dalawa ni Zeeian sa sala, nakatingin lamang siya sa akin habang ako ay pinanonood ang dalawang umakyat sa kwarto.


"May balak ka rin bang umalis, bal?" mahinahong tanong sa akin ni Zeeian.


Mayroon akong full scholarship sa CAU,  may maintaining grades din ako na kailangan kong masunod para hindi mawala sa akin ang scholarship ko. Ang allowance ko naman ay galing sa foundation nila Tita Ianah at Tita Ash kaya halos wala talagang ginagastos si Kuya sa akin kaya wala akong balak umalis sa CAU.


"Wala naman." sagot ko at nginitian siya.


"Huwag mo 'kong iwan, bal. Hmm?" saad niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko habang nakapikit.


Deretso lamang akong naka-upo habang hinahaplos ang buhok niya. Tumitingin-tingin ako sa tubigan na ireregalo ko sakaniya, surprise dapat 'yun pero mukhang malalaman na niya. Bukas ko pa naman balak ibigay sa kaniya dahil surprise rin ang pagpunta ko. Hindi niya rin kase alam na sa photography club ako sumali.


Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now