Chapter 33

1.2K 59 1
                                    

Solene Akasha POV

Since that night na inihatid niya ako pauwi sa bahay ay hindi ko na ulit maka-usap ng matino si Zeeian. Palagi siyang tahimik at walang kibo kapag magkasama kami. Inihahatid lang din niya ako sa bahay tuwing uwian at uuwi na rin siya kaagad sa kanila.

Hindi na siya katulad ng dati na nagsstay pa siya para ipagluto ako ng pagkain o hindi kaya icheck ang mga saksakan ng appliances at isure kung nailock ko ba nang maayos ang gate at pinto ng bahay bago matulog.

Ganun lang ang set-up namin sa mga nakaraang linggo. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong ikinagalit niya pero kung meron man ay alam kong hindi ganito ang pamamaraan ni Zeeian. Pinag-uusapan din namin kaagad kapag may mga hindi kami napagkaka-itindihan para hindi na magtagal ang tampo namin sa isa't-isa.

Hindi kase ako kayang tiisin nun.

Maraming issue at scandals ang lumabas noong mga araw na rin na yun at lahat ng mga yun ay tungkol kay Zeeian. Hindi ko magawang magtanong tungkol sa kanya patungkol pa roon dahil natatakot din akong malaman ang totoo.

Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang nakita kong isang scandal video nila ng pinsan ko. Sigurado akong pinsan ko ang nasa video pero hindi ko alam kung si Zeeian ba ang kasama niya dahil hindi ko maaninag masyado ang itsura nito.

Parang dinurog ang puso ko habang pinanonood ang video nila. Kaya ba siya ganun kalamig sa akin dahil may iba na siyang babae? na may ibang babae na ang pumalit sa akin?

Hindi na ba siya nasasatisfy sa katawan ko kaya naghanap na siya ng iba? Ganun ba kadali ang lahat sa kaniya?

Isang araw ay bigla na lang niya akong kina-usap patungkol sa mga paghatid at sundo niya sa akin pati na rin ang pagstay ko sa condo niya at ang pagstay niya sa bahay namin. Lahat ng yung ay bigla niyang inialis at ipinagpabawal sa akin.

I was hurt. I was deeply hurt dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang paglayo ng loob niya sa akin. Alam kong isa na ito sa mga paraan niya para lumayo na ng tuluyan sa akin pero heto ako, nasa in denial stage pa rin at wala atang balak tanggapin ang katotohanan.

"Umasa ka ba?" rinig ko mula sa likuran ko. Pagtingin ko ay nakita ko ang malanding pinsan ko na nakangisi sa akin ngayon dito sa loob ng comfort room.

Hindi ko siya pinansin ay nagpatuloy lang sa pagre-retouch ng makeup ko. Wala akong panahon para makipagtalo ngayon. Masyado na akong maraming iniisip at para na akong sasabog kung iintindihin ko pa siya.

"Masyado ka kaseng mataas, Solene. Masyadong mataas ang pangarap mo. Anong nangyare ngayon? Wala! Lumagapak ka." tumatawa niyang saad mula sa tabi ko. Nakaharap siya sa akin habang nakasandal sa may lababo, halatang nang-aasar lang.

"Wala akong oras makipagtalo sayo, Kriztelle." sagot ko sa kaniya habang deretsong nakatingin sa mga mata niya na parang tuwang-tuwa ngayon na makita akong nagkakaganito.

"Masakit bang mahit and run, Solene? Yung pagkatapos kang tirahin at pagsawaan bigla ka na lang iiwan na parang walang nangyare?" nakangising tanong niya sa akin.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko sa bawat salitang inilalabas ng bibig niya. I know deep inside me, I see this coming. Ang panlalamig sa akin ni Zeeian dahil ganun din siya sa ibang babae niya. Pagkatapos niyang maikama at pagsawaan ay iniiwan niya rin na parang walang nangyare.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Kriztelle." ani ko.

Rinig ko ang malakas na pagtawa niya na nag-echo sa bawat sulok ng banyo. Naglakad siya papunta sa likuran ko at humawak sa balikat ko habang nakatingin sa akin ng deretso mula sa salamin na nasa harapan namin.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now