Chapter 26

963 40 1
                                    

Solene Akasha POV

"I will make everything in here a reality just for you, bal. That's my gift for you."

Nagtataka lang akong tumingin sa kaniya habang patuloy pa rin kaming nagsasayaw sa gitna.

Make everything in here a reality? e' lahat naman ngayon dito ay totoo.

"Tama naman na 'yan! Thirty minutes na kayong nagsasayaw diyan nagugutom na ko!" biglang sigaw ni Tita Ianah.

"Mag-iinom pa tayo! Dalian mo naman yan-yan!" dagdag na pangangatyaw naman ni Tito Mack.

Wala ng nagawa si Zeeian kaya inalalayan niya na muna akong maupo sa may gitna. Iniayos niya pa ang gown ko at nagpicture pa kami bago siya umalis sa tabi ko.

"Hindi po ba pwedeng tabi kami sa harap, Miss Beautiful?" pagpapa-awa effect niya sa emcee.

"Zeeian, tama naman na! Awa na lang sa mga nagugutom na!" sigaw ni Calix kaya wala siyang nagawa kung hindi bumalik sa upuan niya malapit kay Kriztelle na masamang nakatingin sa akin ngayon.

Ewan ko ba kung anong ginagawa ng babaeng yan dito. Hindi ko alam kung nagkita na ba sila ni Kuya Seve kase kung oo baka kanina pa kinaladkad ni Kuya 'yan papalabas ng bahay namin.

"For the first gift, may I call on Mrs. Asteria Bravo." anunsyo ng emcee.

Nakangiting tumayo si Tita Ash papalapit sa akin. She kissed me on the cheek first before seating beside me.

"Happy happy legality, Kash. Hindi ako nakabili ng gift ko for you kaya sa Thai-" naputol ang sasabihin ni Tita Ash ng biglang sumigaw si Zeeian ng pagkalakas-lakas.

"Mommy! Surprise 'yun!"

Lahat ng tao rito ay gulat lang na nakatingin kay Zeeian na nakatayo ngayon sa kinauupoan niya habang namumula ang buong mukha.

"Oh, I'm sorry I didn't know. So, my gift for you ay isasabay ko na lang sa surprise something. Happy birthday again, Kash! Enjoy your special day!"

Sunod-sunod na nagbigay ng regalo ang mga kapatid, babaeng pinsan, titas, at si Mamala at Mommyla ni Zeeian. Mostly of their gifts are heels and makeup. They really know me, walang duda. Kahit ang mga pinsang lalaki at mga tito ni Zeeian ay nagbigay din ng regalo kahit na sa 18 roses sila nakabilang.

After the short program ay kumain na rin kami. Napakaraming pagkain ang nakahanda at may lechon pa! Ang pagkaka-alala ko puro seafoods lang ang binili namin kanina sa palengke dahil ayun ang paborito ng magpipinsang Bravo.

"Nag-eenjoy ka ba, bal?" nakangiting bulong sa akin ni Zeeian habang pinagbabalat ako ng hipon. Hindi kami na-upo sa table nila Zendrick at Kriztelle kaya ang magaling kong pinsan ay masama na naman ang tingin sa akin.

"Of course, bal! I am so happy." nakangiting sagot ko sa kaniya.

Pagkatapos kong kumain ay nagsimula ng mag-ayos ulit ang mga tauhan ni Tita Ianah. Pina-akyat ako nila Ate Zianah dahil magpapalit daw ako ulit ng damit. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod.

I am now wearing a red fitted dress with spaghetti strap. Confident naman ako sa katawan ko pero hindi kase ako sanay na magsuot ng damit na ganito, kita pa yung kaunting cleavage ko. Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil si Ate Z ang may gusto nito kaya namili na lang ako sa mga heels na mayroon ako para ipartner dito.

Pagbaba namin ay nagsimula ng magserve ng mga alak ang mga waitress. Nakabukas na rin ang videoke na inunahan na ni Iyah.

"Damn! So sexy.." rinig kong bulong ni Zeeian habang naka-abang sa pagbaba ko sa hagdan.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now