Chapter 5

983 39 2
                                    

Solene Akasha POV


Simula noong nangyareng trahedya ay mas naging protective sa akin si Zeeian. Halos i-hatid sundo niya na nga ako palagi sa bahay. Hindi naman siya ganito kaprotective dati, inihahatid niya lang ako pauwi dahil madalas ginagabi ako pero ngayon pati pagsundo ginagawa na niya.


Tungkol naman kay Miguel ay na-expelled siya sa university pero hindi pa rin sila nakukulong ng tatay niyang manyakis dahil malakas daw talaga ang kapit nito sa mga pulis pero ang sabi naman ni ate Zeej on the process na raw ang kaso ng mag-ama with the help of her friend na isang pulis.


Naging maaliwalas na rin ang atmosphere sa classroom namin dahil wala na si Miguel. Hindi na rin ganoon kaprotective ang mga boys sa amin kaya pwede na kaming ma-upo kung saan namin gusto. Hindi katulad dati na every girl ay may lalaking katabi para maka-iwas kay Miguel.


"Ayaw mo bang magpahinga na lang ngayon, bal?" tanong sa akin ni Zeeian.


Papunta na kami ng locker room ko ngayon dahil napagdesisyunan kong magtrabaho muna sa sky cafe since wala akong ganap ngayon sa modeling ko.


"Ayos lang ako, bal. Wala rin naman akong gagawin sa bahay eh. Sayang din 'to pangdagdag din sa gastusin namin ni Kuya." sagot ko habang kinukuha ang barista uniform ko sa loob ng locker ko.


Ganoon din si Zeeian, kinuha niya ang basketball jersey niya at sapatos para ipangpalit. Nagsisimula na rin kase silang magtraining ulit sa basketball dahil napapalapit na ang laban nila. Our university is the defending champion kaya she needs to protect their throne lalo na last niya na sa Junior basketball team.


Zeeian is part of the Chua-Ashford Swift Falcon Basketball team. Siya rin ang Captain ball for this school year, hindi ko alam kung bakit pero mukha naman siyang seryoso kapag nasa loob ng court.


"Ihahatid na lang muna kita sa Sky Cafe bago ako pumuntang gym, bal." sabi niya sa akin.


Hindi na ako umimik pa dahil wala rin naman akong magagawa kapag sinabi na niya. Naglakad na kami patungo sa banyo para magbihis. Simula rin noon ay hindi niya na ako hinahayaang magbanyo mag-isa maski si Iyah. Lagi silang nakasamang dalawa sa akin kahit saan man ako magpunta kulang na nga lang palitan na nila ang anino ko kasusunod sa akin.


Nangmatapos kaming magbihis ay inihatid niya na ako sa Sky Cafe. Siya na rin ang nagbitbit ng mga gamit ko kahit may kamay naman ako.


Kapag kasama ko talaga si Zeeian hanggang kaya niya, gagawin niya talaga para sa akin kumbaga Princess treatment talaga ako palagi kapag siya ang kasama ko.


"Kapag na-una kang matapos, bal dumeretso ka kaagad sa gym ha? pero kapag ako ang na-una dederetso ako rito. Sabay tayong uuwi mamaya." paalala niya sa akin bago siya umalis.


Pinanood ko lang siyang maglakad papalabas ng cafe habang nakasuot na ng basketball jersey at shoes. Kaya halos lahat na naman ng mga babae na nandito sa cafe ay halos lumuwa ang mata katititig sa kaniya habang siya ay parang walang pakielam sa paligid niya.



"Sigurado ka bang best friends lang talaga kayo ni Ma'am Zeeian, Solene? Para kaseng hindi na lang best friends 'yan eh." pang-aasar ni Ate Pau na nasa cashier ngayon.


"BFF Premium na ata ang mayroon kayo eh." dagdag naman ni Kuya Karl habang may bitbit na tray.


"Magkaibigan lang po talaga kami ate at kuya." natatawang sagot ko sa kanila.


"Hanapan mo nga rin ako ng ka-bff premium, Sol. Parang gusto ko rin ng ganyan katulad sainyo." sagot naman ni ate Pau.


Si ate Pau at Kuya Karl ang pinakamatanda sa amin dito sa Sky Cafe. Madalas sila ang nakakasabay ko sa shift ko dahil pareho kami ng mga schedule kaya naman sila ang pinakaclose ko. They are in their third year college malapit na silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral.


Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora