Chapter 25

823 30 0
                                    

Solene Akasha POV

"Gusto mo ba magkaroon ng party sa birthday mo, Asha?" nakangiting tanong sa akin ni Kuya Seve. Sabi nila once in a lifetime lang daw ang debut sa buhay ng mga babae kaya dapat talaga na pinaghahandan ito. Pero sa buhay na mayroon kaming dalawa ni Kuya ngayon parang hindi ko talaga siya priority.

May sapat naman ako na pera at kaya naman pero paano kami pagkatapos? sa makalawa? Paano kung bigla kaming mangailangan?

Mahirap kapag walang emergency fund o kahit kaunting naitabing pera dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Hindi natin sigurado ang mga mangyayare.

At kahit medyo malaki na rin naman ang kinikita ko sa modelling ay hindi ko masikmurang magsunog ng pera para lang sa ganun, siguro dahil naranasan ko yung walang-wala talaga kaya ganun ko na lang pahalagahan ang mga pera na kinikita ko sa pagta-trabaho.

"Ayaw ko po, Kuya. Kain na lang tayong dalawa nun sa labas." sagot ko kaagad sa kaniya. "Itabi na lang po natin yung ipon nating dalawa. Pinaghirapan natin yun tapos ipakakain lang natin sa iba, sayang naman." tumatawang dagdag ko.

Rinig ko naman ang malakas na tawa ni Kuya Seve. Alam niya rin kase na ayaw ko na sa birthday parties. Naranasan ko naman magkaroon ng engrandeng party noong nabubuhay pa si tatay. Halos buong klase ko noon ay imbitado, kumpleto rin ang kamag-anak namin sa side ni nanay at syempre ang mga mukhang pera na pamilya ni papa ay naroon din. Pero hindi na rin naman yun nasundan pang muli dahil namatay na si tatay dahil sa mga mukha niyang perang mga kapatid. Doon na rin namin naranasan ni Kuya ang hirap ng buhay dahil tanging si nanay na lamang ang bumubuhay sa amin noon

"Eh paano si Zeeian? sa tingin mo hindi pupunta 'yun? Eh laging nandito yun tuwing birthday mo kahit hindi siya invited." pamimilit ni kuya sa akin.

Ayun din ang naisip ko kung magdedebut ako, tanging si Iyah at ang magpipinsang Bravo lang ang mga magiging bisita ko. Wala naman kase akong ibang kaibigan maliban kay Zeeian, Iyah, Calix, at Justin.

Tsaka nakakahiya rin naman na pakainin ng kung ano-ano lang ang mag-pipinsang Bravo, mamaya sakitan pa sila ng tiyan dahil sa handa ko. Halata pa namang hindi sila sanay kumain ng kung ano-ano lang.

"Imbitahin ko na lang siguro sila, Kuya." diretsang sagot ko. Alam ko rin naman na hindi matatapos ang usapan naming dalawa hanggang sa mapapayag niya na kong maghanda kahit kaunting kainan lang.

"Nasa sakin pa rin ang perang inipon ni nanay para sa debut mo." pagpapa-alam niya sa akin. Mayroong savings account si nanay na pinabuksan niya talaga para pag-ipunan ng pera para sa debut ko dahil gustong-gusto niyang iparanas sa akin yung mga bagay na hindi niya naranasan noong dalaga pa siya.

"Itabi na lang natin 'yan, kuya. Magcocollege na po ako panigurado maraming gastusin tsaka hindi natin alam ang mangyayare sa mga susunod." sagot ko. "Hindi ko pwede itabi lang 'yun. Sa ayaw at sa gusto mo babawasan ko 'yun, maghahanda tayo sa birthday mo." pinal na sagot niya. Wala na rin namang akong nagawa kaya oo na lang ako kay kuya.

Ilang araw bago ako magbirthday ay naging sobrang busy ni Zeeian. Inihahatid na lamang niya ako pauwi tapos magluluto siya ng hapunan bago umalis. Medyo malungkot dahil hindi ko siya nakakasama katulad ng dati pero at least may kasa-kasama ako rito dahil dito natutulog si Iyah at Calix.

"Calix, busy ba si bal? bakit palagi siyang umuuwi? g-galit ba siya sa akin?" malungkot na tanong ko kay Calix.

"May pinagkaka-abalahan kase siya hindi ko rin alam kung ano. Pero kapag nahuli ko siya sasabihin ko kaagad sa iyo." sagot nito habang malungkot na nakatingin sa akin.

May bago na ba siya? May girlfriend na naman kaya siya kaya hindi na siya nagpupunta rito? Dati naman kahit may girlfriend siya rito siya sa akin umuuwi.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now