Chapter 41

1.9K 87 14
                                    

Solene Akasha POV

Nang magbukas ulit ang ilaw para sa susunod na magpeperform ay tumakbo na kaagad ako papalabas ng venue. Hindi na nga ako nagpaalam kay Iyah basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na ito lalo na alam kong nasa iisang lugar lang kaming dalawa.

Hindi ko matanggap na after all those years ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Nakakagalit. Paano ko nagawang mahalin pa rin ang taong nang-iwan sa amin ng anak ako? Ang dahilan kung bakit nawala si Zeelene sa akin.

Pero kahit na alam kong may nararamdaman pa rin ako sa kaniya ay hindi na ako muling susugal. Hindi ko na hahayaan pang controlin ulit ako ng pagmamahal ko para sa kaniya. Sapat na yung isang beses na nagpakatanga ako sa kaniya to the point na ibinigay ko ang bagay na hindi naman dapat.

Pagkalabas ko sa venue ay pumara kaagad ako ng mga taxi cab na dumaraan sa harap ko pero ni isa ay walang tumigil para isakay ako. I just kept on crying habang pumapara ako ng taxi. Ilang minuto na akong nandirito at wala pa ring nagsasakay sa akin ni-isang taxi pabalik ng Hotel.

Nagsimula na akong maglakad papalayo ng venue. Bahala na kung saan ako mapadpad ngayong gabi ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang malayo sa kaniya dahil hindi na kinakaya ng puso ko ang sakit na makita siyang ayos na ayos pagtapos ng ilang taon na pang-iiwan niya sa akin.

Nagulat ako ng may kotseng huminto sa gilid ko. Hindi yun taxi kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad papalayo ng venue pero ang kotseng nasa gilid ko ay dahan-dahan lang na umaandar na akala mo ay sinasamahan akong maglakad.

"Isang super model naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada?"

Pamilyar ang boses kaya nag-angat ako ng tingin at nakita ko roon si Justin na nagmamaneho habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit ba nakalimutan kong nandito nga pala silang lahat sa United Kingdom?

"Hop in, Kash. Ihahatid na kita sa next venue." sabi niya. Bumaba siya at inalalayan akong makasakay sa sports car niya.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. As much as possible ay ayaw ko na sanang makasalamuha kahit isa sa pamilya ni Zeeian pero heto ako naka-upo sa loob ng kotse ng pinsan niya na pwedeng maging daan para magtagpo ulit kaming dalawa.

"Kumusta, Kash? Big time ka na talaga!" saad niya habang nagmamaneho. Alanganin lang akong ngumiti at mabilis ding nag-iwas ng tingin.

Bahala na kung saan mapadpad. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay maiwasan ang presensya ni Zeeian. Ayaw kong makita pa siya ulit at ayaw ko ng maging parte pa ulit ng pamilya nila.

Ang sakit-sakit niyang mahalin. Ewan ko ba sa sarili ko bakit matapos lahat ng ginawa niya sa akin noon ay nandidito pa rin ang pagmamahal na mayroon ako para sa kaniya. Walang nabawas at wala ring nadagdag.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at may marahas na humila sa akin papalabas. Nakita ko si Justin na kumindat pa sa akin bago tuluyan sumara ang pinto ng passenger's seat.

"Bitawan niyo ko!" sigaw ko habang nagpupumiglas. Hindi ko alam kung sino ang kunuha sa akin pero hinihila lang nila ako papasok ng isang hotel.

Hindi ito ang hotel na pinagsstayan namin kaya mas bumilis ang kaba ko. Hindi naman siguro ako ibinenta ni Justin, 'no? Nang makapasok kami ng elevator ay doon lang nila ako binitawan nag-angat kaagad ako ng tingin at doon nakita ko si Ate Khali at Kuya Kian na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"I'm sorry, Kash. But, we have to do this." seryosong sabi ni Kuya Kian sa akin. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon, may bigote na siya at medyo naging sobrang manly din ng boses niya.

Si Ate Khali naman ay mas lalong nagmukhang mature sa itsura niya ngayon. Mahaba na ang buhok niya hindi katulad dati na hanggang balikat lang palagi.

Nang magbukas ulit ang elevator ay mahigpit ulit nila akong hinila papunta sa isang kwarto rito sa hotel. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa akin si Zeeian na naghihintay sa akin sa loob ng kwarto. Iba na ang suot niya ngayon, naka sweat short at white shirt na lang siya.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now