Chapter 20

1.1K 37 2
                                    

Solene Akasha POV



Ngayon ang huling araw para ayain ang mga nais naming maging kapartner sa paparating na grad ball. Wala pa rin akong kapartner dahil wala pa rin akong tinatanggap sa mga nag-aya sa akin kase umaasa pa rin akong aayain ako ni Zeeian maging ka-partner niya sa grad ball.



Pero kung hindi ay baka hindi na lang din ako pumunta dahil wala pa akong susuotin para roon. Royalties ang theme ng graduation ball kaya hindi pwede yung mga narerentahan lang, ang iba kase sa mga kaklase namin ay pinasadya talaga at halos umabot daw ng 40k yung gown na susuotin nila. Wala namang problema sa kanila yun dahil mayayaman naman sila pero ang laki na ng 40k para sa akin, para sa amin ni Iyah.



Nabalik ako sa reyalidad ng biglang lumapit si Zendrick sa amin ni Zeeian habang may bitbit na siomai. Inilapag niya iyon banda sa gitna namin ni Zeeian at ngumiti sa akin.



"Solene... Can I ask you again to be my-"



Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng isubo lahat ni Zeeian ang siomai sa paper plate na inilapag niya sa lamesa. Halos hindi na manguya ni Zeeian ang siomai dahil punong-puno talaga ang bibig niya. Halos tumakbo ako para bumili ng tubig ng unti-unti na siyang nabubulunan dahil sa siomai na nasa bibig niya.



"B-bal, tubig." nag-aalalang sambit ko at iniabot sa kaniya ang bukas na mineral water. Dahan-dahan ko ring pinapalo ang likod niya habang umiinom siya ng tubig.



"Tangina pare ang alat naman ng siomai." reklamo niya kay Zendrick na naiinis ang mukha ngayon habang nakatingin sa kaniya. "Hindi naman kase para sa 'yo yun!" sigaw ni Zendrick.


"Ay gagi hindi ba para sa akin? Nilapag mo kase sa harap ko. Pero salamat nabusog ako, pare." sagot ni Zeeian. "Ano bang problema mo, Bravo? Sinisira mo na lang palagi yung promposal ko para kay Solene." inis na saad ni Zendrick kay Zeeian.


"Promposal na pala yun? Okay, I'll give you 75 for the effort. Masyado kaseng maalat yung toyo mas gusto ni Solene yung mas maraming kalamansi tsaka pare ayaw niya ng may fried bawang. Nangangati kase ang labi niya roon kaya babawasan ko ang grade mo, 60 na lang. Okay! Next promposal please." sigaw ni Zeeian na ikinatawa ng mga taong nasa loob ng cafeteria ngayon.



"Anong sabi mo!?" asar na sigaw ni Zendrick. Napatayo si Zeeian ng hilahin ni Zendrick ang kwelyo niya. Galit na galit ang tingin ni Zendrick habang si Zeeian ay nakangisi lang na nakantingin sa kaniya.



"Zendrick! Bitawan mo-"



"It's fine, bal. I can handle." sabi ni Zeeian sa akin.



Lahat na ng tao sa cafeteria ay nakatingin na sa dalawa. Hindi rin nangielam si Calix at pinanood lang ang pinsan niya habang marahas siyang hinahawakan ni Zendrick sa kwelyo. Kita ko namang may parang binulong si Zeeian kaya dahan-dahan niyang binitawan ang kwelyo ni Zeeian at umalis. Nakangiti naman si Zeeian habang iniaayos ang uniform niyang nagusot dahil sa pagkakahawak ni Zendrick.



"What was that?" tanong ni Calix. "Naglapag kase ng siomai sa harap ko tapos nagalit nung kinain ko." natatawang kwento ni Zeeian habang hinihiwa ang beef steak na binili ni Calix para sa akin. "Siomai? Noong Monday kikiam, noong Tuesday turon, noong Wednesday naman French fries, banana bread naman kahapon tapos ngayon siomai?" natatawang sagot ni Calix. "Oo tapos lahat ng yun kinain ko." saad ni Zeeian habang inilalagay na ang plato ko sa harap ko.


Tahimik lang kaming apat na kumakain habang nanonood ng mga promposal na nangyayare ngayon sa cafeteria. Mayroong isang lalaki na biglang lumuhod sa harap ng isang babae para ayain siya sa prom. Mayroon namang nagbigay ng isang tangkay ng tulips sa babae at ang medyo ma-effort as of now ay yung may card board pa na nakalagay na 'Can you be my prom date?'.



Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ