Chapter 18

1K 39 4
                                    

The song used in this story is not mine, credits to the rightful owner.

Solene Akasha POV

Nangi-end ko ang tawag ay nagmamadali kami ni Iyah na bumaba para magtungo kung nasaan ang dalawa. Pareho pa rin kaming nagpapanic at umiiyak ni-hindi na nga kami nakapag-ayos ng sarili, ang nasa isip ko na lang ngayon ay ang kalagayan ni Zeeian.


Saktong paglabas namin ng gate ay may dalawang mamahaling sasakyan ang nakaparada sa tapat bahay. Magkasabay naman bumaba si Mang Ben at ang isang driver na sa tingin ko ay personal driver nila Calix dahil kilala ito ni Iyah at Mang Ben.


"I-message mo ko, okay? Balitaan mo ko kung anong nangyare kay Calix." huling sambit ko bago kami maghiwalay ni Iyah.


May isa akong body guard na sumama sa amin ngayon ni Mang Ben papuntang presinto. Nagwawala raw kase ang naka-away ni Zeeian kasama ang mga magulang nito. At sakto namang sa susunod pa na araw ang uwi nila Tita Ianah at Tita Ash galing Thailand kaya siguro sila Tito JB na muna ang mag-aasikaso kay Zeeian ngayon.


Papalapit pa lamang kami sa may Presinto ay may mga mamahaling kotse na ang nakaparada sa labas at mukhang sa tatay nga 'yun ng naka-away ni Zeeian. Pagkababa ko ay nagmamadali akong pumasok sa loob kasama ang bodyguard ko na nakasunod lamang sa akin.

Naka-upo si Zeeian sa pagitan ni Ate Zeej at Ate Z, putok ang gilid ng ibabang labi niya. Ang dami rin niyang maliliit na mga gasgas sa mukha at braso niya. Ni-hindi pa nga siya nakakapagpalit pa ng damit dahil basang-basa ang suot niyang jersey.

Kita ko rin si Tito JB at Ate Alora na nasa likod ni ate Zeejei at Ate Z ngayon habang nakikipag-usap tungkol sa nangyare kila Zeeian. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa likod ni Zeeian na ikinagulat niya.

"W-what happened? Sabi mo uuwi ka kaagad, hinihintay kita eh." naiiyak na sambit ko habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

"I'm sorry, bal." malungkot na bulong niya sa akin.

Nakita ko ang isang maliit na duffle bag sa ilalim ng upuan niya kaya binuksan ko ito para kumuha ng bimpo pangpunas sa pawis ni Zeeian. Mabilis pa naman siya magkasakit kapag natutuyuan ng pawis kaya inilagay ko ang bimpo sa likod niya para hindi siya matuyuan.

Wala akong pakielam sa mga taong kasama namin ngayon na pinanonood ang ginagawa ko sa kaniya ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang kaligtasan ni Zeeian. Uunahin ko muna siya, uunahin ko siya palagi.



Nanghiram naman ako ng first aid kit sa mga pulis na nandito sa loob ng presinto para gamutin ang mga sugat ni Zeeian. Nangpahiramin ako ay umupo ako sa harap niya para gamutin ang mga sugat niya.

"Dito ka na maupo, Kash. Tatayo na lang ako sa tabi ni Alora." sambit ni Ate Zeejei at tumayo sa tabi ni ate Alora.

Seryoso lamang ako habang nakafocus sa paggagamot ng sugat ni Zeeian sa mukha. Hindi ko na rin pa napakinggan ang pagtatalo ni Ate Alora at ng naka-away ni Zeeian ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang magamot ang mga sugat niya.

Bakas din ang takot sa mga mukha ni Zeeian habang pinanonood lang akong gamutin ang sugat niya. Alam niya kaseng magagalit ako dahil nakipag-away na naman siya at tama naman siya roon dahil galit na galit talaga ako ngayon pero hindi ito ang tamang lugar para mag-away kami.

"Bal, galit ka ba?" bulong ni Zeeian sa akin. Kita sa mukha niya ang kaba habang nakatingin sa akin.

"Oo, galit ako. Nakipag-away ka na naman." madiing bulong ko sa kaniya.

Hindi naman ganun kalakas ang boses namin, sapat lang ito para marinig namin ang isa't-isa.

"Siya kase bal eh-"

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now