Chapter 17

1K 44 2
                                    

Solene Akasha POV


"Dahil wala si Solene at Iyah these past few days uulitin ko ang mga announcements na namissed nila." anunsyo ng adviser namin.


After a week of rest ay pumasok na ulit ako sa university. Sobrang dami kong lessons na namissed dahil sa nangyare pero hindi naman ako masyadong nagwoworry dahil nandito naman si Zeeian para tulungan akong makahabol.


Speaking of Zeeian, wala siya sa mood simula pa kaninang umaga dahil medyo late na kami nagising dalawa dahil sa nangyareng drama kagabi kaya hindi na rin kami nakapagbreakfast pang dalawa dahil malelate na talaga kami.


Ganiyan kase 'yan si Zeeian kapag hindi nakaka-inom ng kape sa umaga. Hindi siya maka-usap nang maayos kase wala siya sa mood. Hindi naman niya ako sinusungitan hindi katulad sa iba pero sobrang cold niya, hindi rin naman ako maka-akyat sa Sky Cafe para gawan siya ng kape dahil sobrang dami ko talaga namissed na lessons these past few days kaya tiniis ko na lang muna.


"First and foremost, you will be having a graduation ball that will be held next next week after your final examination. The twist here is that all of you have the chance to choose your desired partner para sa prom. We will be giving you a week para ayain ang taong gusto ninyong maging kapartner." nakangiti niyang saad sa aming dalawa ni Iyah.


"Magkano po ang graduation ball, miss?" tanong ko. "Ang bayad for grad ball is 5,000 pesos." sagot niya.


Nagulat naman ako sa presyo ng grad ball. Ang sakit sa bulsa, grad ball pa lang ito. Okay sana kung graduation na eh. Pero nang sabihin ni miss ang details ay worth it nga talaga ang 5,000 pesos na bayad pero ang laki nito para sa akin.


"Since may sobrang apat na babae sa buong shs department ay may dalawang babae na nagpresinta to become an escort. And the one of the two girls is Zeeian." pagpapa-alam niya.

Hindi naman na ko magulat dahil ganun din naman ang ginawa niya noong highschool kami kase gusto niya akong makapartner kaya ayun walang nagawa ang lalaking kapartner ko kung hindi maglakad mag-isa noong Prom namin dati.


"Bal.." malambing na saad ko. "Hm?" maikling sagot niya. Naka-crossed arms lang siya habang deretsong nakatingin sa harapan. Medyo kunot ang nood niya at walang emosyon ang mukha niya.


She looks hot when she's mad.


"Galit ka sa akin?" pabebeng tanong ko. "Di." maikling sagot niya. "Bakit ganiyan ka?" malingkot tanong ko at nagpout pa. "Wala ko sa mood."

Hanggang sa matapos ang klase namin ay ganun katahimik si Zeeian. Ang dami niya ring nasungitan na mga kaklase namin kaya halos lahat at takot sa kaniya.

"Tara na, bal!" aya ko sa kaniya.

"Oks."


"Zeeian! Akala ko ba lalaro ka?" Tanong niya kay Zeeian.


"Ano meron?" nagtatakang tanong ko kay Calix.


"Inangasan kase kami ng mga HUMMS eh ayun nagset sila basketball game 5v5." sagot ni Calix.

"Sasama ka?" tanong ko kay Zeeian na kinatanguan niya lang.

"Sunod ako. Hatid ko lang siya pauwi." malamig niyang saad kay Calix.

Naglakad na kami papalabas ng university habang naka-akbay siya sa akin, nakapatong ang kaliwang kamay niya sa balikat ko. Ganun pa rin ang mukha niya, napakaseryoso pa rin. Hindi ako sanay dahil hindi naman palaging ganito si Zeeian.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now