Chapter 36

1.1K 59 6
                                    

Solene Akasha POV

"Kuya Seve.."

Seryoso lamang na nakatingin si Kuya sa akin habang bitbit ang mga gatas na pangbuntis na kinuha niya mula sa may mesa.

"Kuya.." umiiyak na saad ko na parang batang nagsusumbong ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Bakit may ganito sa bahay, Asha? K-kanino 'to?"

Hindi ako makatingin ng deretso kay Kuya Seve at kay Iyah na naka-abang lang ngayon sa magiging sagot ko. I just kept on crying hoping na hindi sila magalit pero sino bang niloko ko, 'di ba?

Sinong Kuya ba ang matutuwa kapag nalaman niyang nabuntis ang kapatid niyang nag-aaral pa lang?

Pero nandito na ako. Alam ko namang darating at darating pa rin naman ang araw na kailangan kong aminin sa kanila ang kalagayan ko, na buntis ako.

"B-buntis po ako, kuya." buong tapang kong saad habang nakapikit.

Ayaw kong makita ang tingin na ibibigay nila sa akin. Ayaw kong makita na sobrang disappointed sila sa akin ngayon.

Nang wala akong narinig na sagot ay dahan-dahan akong dumilat para tignan ang itsura ni Kuya Seve ngayon. Parang dinurog ng paulit-ulit ang puso ko ng makita ko si kuyang umiiyak habang nakatingin sa akin.

"Sino ang tatay niyan? Y-yun bang lalaki na yun, Asha? Yung gago ba na yun?" mahinahon ang tono ng boses niya halatadong kinocontrol ang sariling hindi magalit sa akin.

"H-hindi po, kuya.." umiling na sagot ko. Tumingin ako kay Iyah na naka-upo rin sa may tabi ko habang umiiyak.

"Sino ang tatay ng dinadala mo?" tanong niya.

The coldness of his voice send shivers in my whole body. Ang sakit kase ramdam ko yung galit at sakit sa tono ng pananalita niya kahit pa sinusubukan niyang maging mahinahon.

Hindi ako sumagot at mas umiyak lang ako habang nakatingin sa kaniya.

"SINO ASHA!?" he screamed that made me startled.

Iyah hugged me while caressing my back. "Kuya, huminahon ka muna. Mahina ang kapit ng b-baby sa loob ng tiyan niya baka kung mapaano silang dalawa." umiiyak na sambit ni Iyah kay Kuya.

Hindi ko alam kung sasabihin ko na ang totoo pero hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa kanilang dalawa lalong-lalo na kay Kuya Seve.

Kaya kahit alam kong magagalit siya ay huminga na muna ako nang malalim at pumikit nang madiin bago ko lakas loob na sabihin ang pangalan niya.

"S-si Zeeian po, k-kuya."

Napabitaw si Iyah sa yakap at ramdam ko ang paglayo niya sa akin. Ganun din si Kuya na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin ngayon.

"S-sino?" halos bulong niyang tanong sa akin.

Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko habang deretsong nakatingin kay kuya na ngayon ay tulala na lang na nakatitig sa akin.

Mahirap naman kase talagang paniwalaan na may nangyare sa amin ni Zeeian. Sobrang pinagkakatiwalaan nila si Zeeian kaya naiintindihan ko kung hindi sila agad-agad maniniwala sa sinasabi ko ngayon.

"S-si Zeeian po, Kuya. S-siya po ang nakabuntis sa a-akin."

Rinig ko ang sigaw ni Kuya Seve habang umiiyak nang malakas. Napapahilamos at napapasabunot na lang siya sa buhok niya habang si Iyah naman ay tahimik lang na umiiyak habang nakatingin sa akin.

"I-i'm sorry po, Kuya. I'm so s-sorry." Halos bulong na ani ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang mga mata.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now