Chapter 24

1K 41 1
                                    

Disclaimer: I don't own any music/song lyrics in this chapter. Credits to the rightful owner

Solene Akasha POV

Weeks after our graduation ay nag-enroll na rin kami kaagad ni Zeeian. Sabay pa nga kaming nagpunta ng CAU para raw sa ikapapanatag ng kalooban ko sabi niya.

As I planned ay BS Biology ang tinake ko habang BS Mechanical Engineering naman ang kay Zeeian. Madalas ay hindi na kami magkasama pero ginawan naman niya ng paraan sa mga minor subjects namin.

"Yung scholarship mo ba, bal? May kailangan pa bang asikasuhin?" tanong niya ng makuha na namin ang COR namin mula sa registrar.

"Okay na yun, bal. Ganun pa rin naman ang requirements, wala naman silang binago." sagot ko sa kaniya.

Nagpadala na kase ng letter sa akin yung Foundation nila Tita Ianah na hindi naman daw mawawala ang scholarship ko. Wala rin silang binago sa grading system na kailangan kong imaintain at medyo tumaas nga ang allowance ko every month. From ten thousand ay naging fifteen thousand 'yun.

"Wala ka ng aasikasuhin? Naghihintay na si Mang Ben sa atin sa parking." aniya. Dinouble check ko muna ang lahat ng siguradong tapos na talaga lahat ay naglakad na kami patungong parking.

May mga guards kaming kasama habang naglalakad para maiwasan ang kaguluhan. Zeeian is now a rising singer and song writer here in the Philippines magmula ng magtrending ang sinulat niyang kanta, maraming mga agencies ang nag-uunahan na kumuha sa kaniya pero ang isang ito ay hindi man lang binibigyang pansin.

Ganun din ako. Dumami pa lalo ang mga endorsement ko at ang mga partnership brands na kumukuha sa akin. Isa rin ito sa dahilan kung bakit kami nag-asikaso kaagad dahil ang dami kong photoshoots at fashion show na dadaluhan sa susunod na mga linggo.

Pagkalabas namin ng CAU ay bumungad sa amin ang napakaraming tao na naghihintay sa amin ni Zeeian. Imbes na sa parking kami hinihintay ni Mang Ben ay sa main exit na mismo siya nakaparada para deretso pasok na lang kami ni Zeek sa kotse.

Gusto man namin silang pagbigyan ay inalalayan na kami ng mga guards papasok ng kotse para umalis. Hanggang sa main exit gate ay may mga tao pa ring naghihintay sa amin ni Zeek pero gustuhin man namin ay hindi talaga pwede para maiwasan ang sakitan.

"Grabe, bal! Ang dami mong fans!" masayang sigaw ni Zeeian habang pinagbubuksan ako ng chocolate drink. "Iyo nga 'yun! May mga hawak pa silang mga mukha mo." sagot ko sa kaniya at kinuha na ang chocolate drink na inilahad niya sa akin.

Busy si Zeek na nagbabasa ng mga e-mail mula sa iba't-ibang agency na kumukuha sa kaniya. Alam kong may namamatahan na siya pero sinisigurado niya pa rin yun dahil ito ang magiging simula ng career niya kung nagkataon.

"Mga apo, may problema tayo." saad ni Mang Ben. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin at ang problema ay dagsa ang tao ngayon sa tapat ng bahay namin. Lahat sila at nakapalibot sa sasakyan namin kaya hindi kami makalabas at hindi rin maka-andar si Mang Ben.

"Tatawag lang ako ng mga body guards, teka." sambit ni Zeek at nagmamadaling tinawagan ang Momma niya.

Halos tatlumpung minuto ang itinagal namin sa loob ng kotse bago dumating ang mga body guards na tinawagan ni Zeek kanina. Kinakatok na nga kami ng mga tao mula sa labas habang pinipilit nilang sumilip sa loob.

"Bal.. You're not safe here anymore." nag-aalalang saad ni Zeeian ng makapasok na kami ng kwarto ko. Mabilis niyang isinara lahat ng bintana ng bahay para hindi nila makita ang loob nito.

"I know, bal. Pero saan ako titira?" tanong ko sa kaniya. At dahil hindi naman ganoon kaganda ang bahay namin ay madali lang silang nakakasilip o kaya ay makakapasok dahil hindi ganoon kataas ang bakod namin.

Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)On viuen les histories. Descobreix ara