Chapter 2

1.3K 42 2
                                    

Solene Akasha POV


"Wow, ate Kash nakita ko yung rampa mo kahapon sa fashion show. Hindi mo naman sinabi sa amin edi sana pumunta kami para suportahan ka." sabi ni Amora sa akin.


Nandito ako ngayon sa bahay nila Zeeian dahil weekend naman at wala akong trabaho at school works na gagawin. Naging hobby na rin namin ang magsama-sama every weekend para magbonding.


"Ayaw ko kaseng isipin ng iba na kinukuha lang ako sa fashion show na iyon dahil sa inyo. Alam niyo naman famous kayong magpipinsan baka isipin ng iba may backer ako." paliwanag ko.


Nagsimula na rin namang magdatingan ang iba pang mga pinsan ni Zeeian habang ang ibang nandito na ay nakikinig lamang sa usapan naming dalawa ni Amora.


"Grabe ka naman, ate Kash. Ang ganda at sexy mo kaya para ka talagang super model tapos iisipin nila may backer ka? Basta kapag sikat ka na yung parang kalevel mo na si Kendall Jenner huwag mo kong kalilimutan ah?" sagot niya.


"Kahit VIP seat lang sa Paris fashion week, Kash. Goods na goods na ako." sabi ni Ate Khali.


"Grabe naman yung Paris Fashion Week, ate Khali. Ang taas naman non parang ang hirap abutin." natatawang sagot ko.


"Dream high, Kash. Naniniwala kaming lahat sayo basta kapag super model ka na bigyan mo ko kahit isang model lang." sabi ni Calix at nginisian ako.


Itong magpipinsan talaga na ito puro kalokohan pero I am so thankful na hindi others ang tingin at trato nila sa akin. Halos kapatid na nga ang turing nila sa akin kaya very open at very close kami sa isa't-isa.


"So when is the next fashion show, Kash? Para naman makanood kami." tanong ni ate Zeej na kararating lang.


"Wala pa po akong-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Zeeian.


"Wala pa siyang napipiling fashion show na dadaluhan ulit. Ganyan na kasikat ang bestfriend ko, siya na ang namimili kung anong event ang pupuntahan niya." proud na sabi ni Zeeian sa mga pinsan at kapatid niya.


Since the not-so-big fashion show na dinaluhan ko ay marami ng mga endorsement ang dumating sa akin. May mga local brands fashion show din na iniimbitahan ako para maging model pero manager ko na ang nag-aasikaso non.


My manager is from Tita Ianah. Ipinagkatiwala niya ako sa trusted manager niya para ihandle ako kaya naman sure ako na hindi ako pababayaan at isscamin ng manager ko. Kahit ang mga make-up artists at stylist ko ay galing din sakaniya.


"Grabe na talaga ang isang Solene Akasha Saavedra." kuya Mackie said while clapping his hands slowly.


"Wow, Grabe! May kaibigan na akong super model." sabi ni amora habang nakatulala sa akin.


"She's starting to achieve her dreams na kaya she's rejecting my proposal na maging model ng Zianah Cosmetics." nagtatampong sabi ni Ate Z.


Actually matagal na akong gustong maging model ni Ate Z ng kanyang cosmetic brand ang kaso lang nirereject ko dahil ayokong isipin ng ibang tao na tinutulungan nila akong magpipinsan para marating ko kung nasaan man ako ngayon.


Gusto ko kase maabot ang mga pangarap ko mag-isa yung walang taong magpapadali sa daan ko patungo sa pangarap ko. Ayaw kong isipin nila na nandito ako dahil sikat sila at gagamitin ko lang sila para roon.


Though kahit kailan naman hindi nila inisip yun pero kahit na. May mga tao paring mag-iisip ng ganun kahit anong gawin ko lalo na kapag nag-umpisa na akong umangat.


Blue Skies Ahead (Bravo Series 3)Where stories live. Discover now