2

451 5 0
                                    

Aren

"So, guys, you know who our next target is," sabi ko sa mga kabarkada ko. Nandito kami sa mini-office ng bahay namin. Kasama ko ang aking mga playgirl and playboy friends.

"'Yung girlfriend ngayon ni Eman?" tanong ni Nathan.

Meet Nathan, ang pinaka-close ko sa tropa. Magka-age kami ni Nathan; pareho lang kaming sixteen.

"Bakit siya?" si Claire naman.

Meet Claire, classmate namin 'yan ni Sophie. Kung ilalarawan ko si Claire, napakasimpleng babae n'ya. Alam mo 'yung effortless na ganda?

"He broke my bestfriend's heart," sagot ko habang nakatitig sa mga mata nila. Nakaupo sila sa kung saan-saan sa loob  nitong kuwarto habang nakatayo ako sa may whiteboard. Kapag may meeting kasi ang tropa, dito lagi sa mini-office ni papa.

"As expected of Eman," sabi ni ate Anne.

Now, meet my big sister named Anne. She is very beautiful, tall at pang-model ang katawan. Siyempre, she's tagged as the "Casanova Queen". Seventeen years old na siya at siyempre, sa pagiging player, sa kanya yata ako nagmana.

"Bakit pa kasi pinatulan ni Sophie si Eman? Alam naman ng lahat na bad playboy 'yun eh!" si kuya Bryan naman ang nagsalita. One year older siya kay Ate Anne. Kung si Ate ang "Casanova Queen", si kuya Bryan naman ang "King"

"So prince Casanova? What's the plan?"  Then here is Mark. Ang pinaka-good boy sa grupo. Hindi siya talaga player, kabarkada lang namin at isinama na rin sa group. But beware, everyone who looks at him gets easily mesmerized.

"Alam n'yo namang inosente si Sophie. Siyempre, gusto kong gantihan si Eman. I'll seduce that girl then someone should seduce Eman, tapos dapat mag-break sila immediately."

"Good idea, prince, hindi ka naman yata nagmamadali?" sabi ni ate Anne.

"Oo nga. Break agad? Gan'un ka ba kagalit kay Eman? Wala pa silang isang linggo n'ung babae eh," singit ni kuya Bryan.

"Bakit kuya? Ano'ng problema d'un?"

"Patagalin natin ang laro. Pahirapan natin silang dalawa sa relationship nila, unti-unti nating sisirain," pagpapatuloy ni kuya Bryan habang nakangiti; hindi basta ordinaryong ngiti. Alam n'yo 'yung ngiting nakaloloko? I like that plan.

"BESTFRIEND!" sigaw ni Sophie na biglang pumasok. Iniwan kasi namin siya sa labas.

"Meeting ng grupo. You're not allowed here," sinabi kong pasungit.

"I want to be in your group Aren!" sigaw n'ya.

WHAT? Seryoso?

"Huh? Ano?"

"Ano ibig mong sabihin, Sophie?" tanong ni Claire.

"Sama n'yo ako sa grupo n'yo. Please. Please. Please," sabi n'yang nagmamakaawa sa mga kasama ko. Sabay-sabay tumingin ang members sa akin.

"Sige. Papayag kami, but you should take the initiation," inunahan na ako ni ate Anne.

As the leader of the group, I will accept her. Wala naman talaga kaming initiation. Minsan trip lang namin tulad kay kuya Bryan. Hinamon siya ni Ate Anne na mag-girlfriend ng 10 girls in 3 days. Well, kuya Bryan did, in a not surprising one day.

"Ikaw ang mag-isip ng challenge, leader," sabay tumingin si ate Anne sa akin. You won't believe me. They picked me as the leader of the group kahit si kuya Bryan ang pinakamatanda at pinaka-expert sa pagiging player/casanova.

"Ako na lang. Kung okay lang sa prinsepe natin," sabi ni kuya Bryan. Sakto, wala kasi akong maisip para kay Sophie. Kapag si Ate Anne kasi ang nag-isip, palaging mahirap at siyempre ayokong mahirapan si Sophie.

Pero seryoso ba talaga si Sophie?

SHE WILL JOIN US?

"You have to get 5 numbers from 5 different boys na hindi mo kilala. Hindi dapat taga school n'yo at wala dapat kaming kilala sa kanila," kuya Bryan finally spoke after a little moment of silence.

"5 numbers? Hindi ko kilala?" pag-uulit ni Sophie. Hindi ko alam kung bakit napalunok ako sa mga narinig ko.

Nase-sense ko na baka 'di magawa ni Sophie, eh kasi demure na demure kaya siya. Tsaka, ano kaya'ng naisipan niya? Sasali sa grupo ng mga Casanova? Gusto rin n'yang maging katulad namin?

"Yep. At dapat dalawa dun maging boyfriend mo within 24 hrs."

Teka, 'wag 'yun!

Eh broken-hearted pa si Sophie ah? Magagawa ba niya yun? Allergic pa naman siya sa mga lalaki pag broken-hearted.

"GAME!" Sophie shouted.

Sh*t. Wala nang atrasan ito.

"Kuya, tama na yung 5 numbers. Wag mo nang isama yung dalawang boyfriend," sabi ko. Sana ma-convince ko si kuya Bryan.

"Hindi, Aren. Kailangan may maging boyfriend siya, by that she can prove to us that she's worth it to be part of our group," sumingit na si ate Anne. Kapag siya na humirit ay bawal na akong kumontra.

"Bukas ng gabi, sa resto-bar nila Anne. All of us will be watching you, pero hindi kami magpapahalata. Deal, Sophie?" pagpapatuloy ni kuya Bryan.

Hindi na ako nakapagsalita. Bigla na lang akong kinabahan para kay Sophie.

Bakit sa resto-bar namin? Pero puwede na rin, kaya lang kasi kung sino-sino kaya napasok d'un!

Hay ewan. Bakit ba ganito ako ka-worried kay Sophie. Pero kasi weird, bakit biglaan naman yata na gusto n'yang sumali sa amin?

"Hindi, kuya. Tanggalin mo yung boyfriend," sabi ko ulit. Hello? Ayoko kasing kung sino-sino lang ang papatulan ni Sophie.

"Hindi, Aren, okay lang yun," tugon ni Sophie. Patay tayo diyan, seryoso nga siya.

Nababaliw na yata 'tong si Sophie. Hay, alam ba n'ya ang pinapasok niya?

"Ano, Sophie? Kapag nagawa mo 'yung challenge. Part ka na ng grupo," tumayo si ate Anne pagkasabi nito, tapos pumunta sa harap ni Sophie at nag-crossed-arms.

Mukhang naguguluhan si Sophie. Sana hindi na n'ya tanggapin.

Tsaka kung ako ang tatanungin, ayoko nang dumaan pa siya sa challenge/initiation na yan. Tanggap agad sana siya, pero ayoko rin siyang isama sa group. Gulo ko 'no?

"DEAL, KUYA BRYAN." She's damn serious. Mukhang wala na akong magagawa.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now