32

256 3 0
                                    

Sophie

Tanging sikat ng araw ang gumising sa akin. Umaga na pala, did I just took an almost 14 hour sleep? Nakatulog ako na nakasandal sa balikat ni Aren. Hindi ba siya umalis habang tulog ako?

Medyo may distance parin ang bed ko mula sa bintana dahil nga sa chest drain ko, pero masaya ako kasi nakikita ko parin ang maganda view sa labas.

Noong naramdaman niyang gumalaw ako, nagising na rin siya. I smiled at him then his smile, and his sleepy smile will surely make my day.

"Good morning, my baby. Ang sarap ng tulog natin ha," bati niya.

"Sobra, I feel very rested. My three days no sleep payed off," sabi ko.

"Mabuti naman umepekto 'yung gamot," sabi niya. Gamot?

"Pinalagyan mo ako?" tanong ko.

"Oo, para naman maging masarap tulog mo," sagot niya.

"Ikaw ha, hindi ka na naman natutulog. Iniisip mo ako 'no?" pagbibiro niya.

"Paano mo nalaman?" tanong ko. Eh kasi, totoo eh.

"Iniisip din kasi kita eh." sagot niya. He smiled again and hugged me tighter pero very careful siya. Ayaw niya kasing magalaw ang tube ng chest drain ko. He's so romantic. Sleeping and waking up in a guy's arm is the most romantic thing in the world. Ang landi?  Haha.

"Teka, bakit kapag nag-i-I love you ka, may kadugtong na always do, always will?" tanong ko.

"Hmmm, wala lang. Palagi kasing sinasabi ng papa ko 'yun kay mama pero hindi naman niya napanindigan eh,"

"Sumama siya doon sa isa pa niyang pamilya pero ayos lang," pagkukuwento niya.

"Kaya naisip ko, kapag ako ang nagsabi n'un, papanindigan ko kahit anong mangyari." dugtong pa niya. He looked at me then he smiled. Mamatay ako sa kilig nito eh.

"Papanindigan mo ako kahit anong mangyari?" tanong ko. We held hands again.

"Oo, kahit anong mangyari."

*****************************

Aren

"Goooooood moooooooorning!"  pagtingin ko sa pinto, sila kuya Dylan. Ang aga naman ng bisita nila.

"Wow, baka naman langgamin kayo ha!" bati ni ate Lauren noong nakita kami. Gusto kasi ni Sophie na tumabi ako sa kanya kapag natutulog siya. May mga bitbit silang styropor na nakaplastic. Three days ago, tinanggal ang chest drain ni Sophie.

"We brought some breakfast. Sophie, gusto mo ba ng tapsilog?" tanong ni kuya Dan.

Kumpleto sila, ang F6. They distributed the styropors na may iba't ibang laman, may tapsilog, hotsilog at kung ano-anong silog. Nagdala rin sila ng hot chocolate and coffee. Tinulungan ko si Sophie kumain. Mabuti naman nakakakain siya kahit hirap siyang huminga, iyon nga lang, pakaunti-kaunti ang subo ko sa kanya. Dahil Sunday morning, nandito rin ang daddy ni Sophie at dinalhan siya ng mga prutas.

"Sophie, ano ba 'yan? Bakit nagpapasubo ka pa kay Aren? You can eat on your own naman," sabi ng daddy niya.

"Ikaw talaga, Sophie. Tsk tsk tsk," biro ko. Nag-pout siya at nagsabing "Eh 'di hindi na ako kakain!"

Nag-cross arms siya nang dahan-dahan. Ayaw niya kasing matamaan ang fresh na sugat ng tahi ng chest drain niya. Hindi ko maisip ang sakit nang hiwain ang parte ng balat mo tapos, papsukan ng tube sa loob. Buti, kinakaya ni Sophie.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora