7

289 3 0
                                    

Sophie

Kinabukasan, Puyat ako. Paano ba naman kasi, ang magaling kong bestfriend, pinuntahan ko siya kagabi sa bahay nila para gumawa kami ng homeworks pero dinala ako sa A&A. Palibhasa sa kanila iyon eh. Tapos makikipaglandian lang pala sa mga babae niya, iniwan pa ako sa ere kagabi. Phew. Buti nalang nandoon si kuya Bryan to the rescue!

Nagvibrate cp ko. Sinong baliw ang magtetext habang nagkaklase kami sa Math?

From: kuya Bryan

"Good morning phie...ano yung kumakalat sa fb na pic niyo ni aren?"

Pic naming ni Aren?

Ang cute ng Phie, siya lang tumatawag sa akin ng ganyan. Iyan ang tinawag niya sa akin kagabi bago ako umuwi.

TEKA, ANO YUN? Wala naman kaming ginawang masama kagabi ah! Teka...oo nasa bar ako kagabi pero...hmmm.

Ano ba talaga 'yun? Bakit parang nakaka-intriga tanong ni kuya Bryan.

Malamang normal na lagi kaming magkasama ni Aren sa pictures, mag-bestfriends kami eh but I felt something weird.

"Ms. Sison, please answer number 4 on the board."

 Wow, ako pa tinawag. Teka paano nga ba ulit 'yung problem? Lutang nanaman ako. Ano ba kasi 'yung nakaka-intrigang picture na 'yun?

Nilapag ni sir sa desk chair ko ang whiteboard marker. All eyes on me. I did my best to put my cellphone back to my pocket, baka maconfiscate pa.

Sa pagkakakita ko, no. 4 ang isa sa mga mahihirap na problem. Kanino naman ibibigay ni sir ang no. 5? Iyong pinakamahirap?

"Hoy Magtanggol daldal ka nanaman nang daldal diyan. Sagutin mo 'yung no. 5."

Nagsimula na akong magsolve. Sa sobrang pagkaseryoso ko, 'di ko napansin na katabi ko na pala si Aren. Sa kanya binigay yung no. 5. Buti hindi sa akin. Dinilaan ko nung tumingin sa akin, hahahaha! Mas mahirap problem niya.

"Ang sweet talaga ng dalawang 'to 'no? Aren kailan mo ba liligawan si Sophie?" sabi ni sir. Tamang asar lang habang nagsasagot kami.

"Alis kayo diyan! Moment nila oh!" wow naman. 'Yung right side ng board kaming dalawa lang nagsasagot, lakas tama din 'tong mga kaklase ko eh.

"Ano 'yung nakita ko sa fb kagabi na picture n'yo ha? Kayo ha...May pa-sandal-sandal pang nalalaman itong si Sophie kay Aren," huh? Ano itong pinagsasabi ni sir?

Walang hiya. 'Di ko na alam gagawin.

I was lost with what I'm doing, with this Math problem.

AKBAY? 

 Lumapit ako kay Aren para magtanong na busy rin sa pagsosolve.

"Psssst. Aren paano na 'to?" tanong ko tapos sinulat niya ng maliit iyong dapat na solution ko.

"Ano 'yung sinasabi nilang picture natin?" tanong naman niya. Nagbubulungan kami ha.

"Hindi ko alam. Aba malay ko!" sagot ko pero bulong padin.

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEeeeEEEEEEEeeee" sabi ng buong klase.

GRABE.

 "Kayong dalawa ha. Naglalandian kayo, naka-school uniform pa, alam n'yo namang bawal 'yun 'di ba? Sumbong ko kayo sa principal eh!" Sir Cabal sounded serious.

Kapag sinabi pa naman niya, ginagawa niya.

Teka, school uniform? Naglalandian?

"Sir alam niyo ba kasi po, girlfriend ko na si Sophie."

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon