31

258 5 0
                                    

March 2012

Aren

"Hindi ako umattend ng game, mas gusto kitang titigang matulog," sabi ko. May nakakabit na namang chest drain sa kanya. Nakikita ko 'yung tube na nakakabit sa gilid ng dibdib niya at may mga plaster na nakatakip, nakapatong nalang ang hospital gown niya to atleast cover her. Nanghihina ako kapag nakikita ko ang pulang fluid na dumadaloy mula sa tube papunta doon sa canister ng chest drain niya. Ang hirap isipin na dugo iyon na galing sa katawan ni Sophie. Kahit hindi niya sabihin, alam kong she's in terrible pain again. Ikatlong lung collapse na niya ito.

"Bakit ba ang sweet mo? Naninikip dibdib ko sa kilig," sabi niya.

"Sira!" sigaw ko pero tinatago ko ang ngiti ko. Pumunta nalang ako sa bintana at binuksan ang blinds. Hello, Manila Skyline. Ang ganda, puro matataas na building at iba-ibang ilaw ang nakikita ko.

"Aren, seryoso ka ba sa akin?" tanong niya bigla, at nanghihina parin.

"Oo naman, bakit? Mukha bang hindi? Anong gagawin ko para magmukha akong seryoso?"  tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin. She really looks weird. Kinuwento niya sa akin kung paano gumagana ang chest drain niya, may suction daw ito at ang suction ang tumutulong para mag-inflate ulit lungs niya. Sabi niya masakit daw minsan, pero mas okay naman daw paghinga niya after ng chest drain.

"Wala lang, naninibago kasi ako. Pero, fake girlfriend mo parin ako ha. Hindi ka pa nanliligaw ng totoo sa akin," sagot niya.

"'Yun lang ba? Gusto mo manligaw ako ng totoo?"

Ngumiti ulit siya, at nag-nod.

"Baka naman mamatay ka sa kilig kapag totoong nanligaw na ako sa 'yo," biro ko.

"Oo nga, kapag ako namatay sa kilig, kasalanan mo!"

"Sira ka talaga, Sophia!"

"Mana lang sa 'yo, baby." nakatingin lang siya sa akin. Kada salita niya, rinig ko ang panghihina. Ang laki ng pinayat niya simula noong na-diagnose siya ng LAM disease. Hindi parin ako nasanay sa ganitong set up. Gusto ko parin ang normal na Sophie, iyong maingay, matakaw at palagi akong inaaway.

Tinaas niya iyong parang maliit na cellphone na itim. Beeper daw iyon for nurses. Grabe, para kang nasa ibang bansa sa ospital na ito. Buti nalang, mababait sila kuya Dan. Halos kalahati ng gastos, si kuya Dan ang sumagot. The only thing I can do for Sophie is to ask for prayers. Araw-araw din kaming nagdadasal para kay Sophie, ako at ang mga kaklase ko.

"Sophie? May problema ba? May masakit ba?" biglang may pumasok na nurse na lalaki sa kuwarto.

"Kuya? Puwede bang dalhin mo ang kama ko malapit doon sa bintana? Gusto ko makita 'yung nakikita ni Aren." napakamot ng ulo ang nurse dahil sa tanong ni Sophie.

"Sige na nga, malakas ka sa akin eh, pero dahan-dahan lang tayo, hindi puwedeng basta-basta magalaw ang chest drain mo."

Napangiti si Sophie sa mga narinig niya.

"Itatanong ko kung papayagan kang magbago ng puwesto, diyan ka lang ha." sabi ni kuya nurse bago tuluyang lumabas.

"As if, makakaalis ako dito!" sigaw ni Sophie tapos bigla siyang hiningal. Sira talaga itong babaeng ito. Alam na may sakit siya, bunganga pa nang bunganga.

Hindi siya pinayagang maglipat ng puwesto kaya hindi natupad ang hiling ni Sophie. Baka bukas nalang daw, kung papayag ang doktor niya.

The Players spent their night here. Nagtatawanan kami at nagbibiruan, just like the old days. Nakatutuwa kasi parang normal lang, except for the fact that Sophie's hooked to a dextrose and there's a tube inserted on the side her chest. Nakikita ko palang, alam kong masakit iyong chest drain niya.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now