3

360 4 0
                                    

@ A&A Resto-bar

Sophie 

Medyo mahirap yung challenge, pero 'di bale. Kaya ko 'to! Para sa bagong buhay! Well, medyo desidido na kasi akong maglaro na rin sa pag-ibig. Ayoko na rin masaktan eh, so naisip kong first step ay sumali sa grupo nila Aren. A&A ang pangalan ng bar nila Aren base sa name nilang magkapatid.

As kuya Bryan instructed, my time starts. 24 hours to know 5 boys and make 2 of them my boyfriend.

Dahil isa siyang resto-bar, may part na bar lang, drinks lang pwede mong i-order. Kung gusto mo talaga ng totoong food, you just have to get the attention of some waiters and waitresses. The waiters and waitresses wear black tapos may nameplate. Sleeveless sando pala uniform ng waitress dito at jeans.

Nakakainggit 'yung ibang waitress kasi ang gaganda at ang se-sexy kasi nila. Haha well, inulan din ang lugar na ito ng mga gwapong waiter pero hindi sila kasama sa list ko tonight 'no!

Habang nandito ako sa bar, someone bought me a drink. Nakausap ko ng konti and first number , DONE. Gan'un lang pala kadali. Pagkaubos ko ng unang drink, medyo nahilo ako. May alcohol ata pero 'di ko na pinansin. Mas gusto ko matapos mission ko.

I talked to few more several boys. This was easier than I thought, apat na number na nakukuha ko. I'm talking to this handsome guy right now. Nakaupo ako sa table nilang tropa.

"Bastos!" I shouted. Kinurot ba naman legs ko! Worst is I'm wearing a short skirt.

"Ano ba yan miss. 'Di ko naman sinasadya eh," sabi nung guy. Hindi ko pa nga alam ang name niya eh.

"Makaalis na nga!" Tumayo ako mula sa couch tapos tumama sa coffee table yung legs ko. Ayan, nadapa tuloy ako sa harap ni bastos at ng tropa niya. Tumatawa sila.

Bakit kasi activated ang katangahan ko ngayon?

Tumayo ako agad. I have to recover, 10 pm pa lang naman. Madami pa akong oras and I saw kuya Bryan and Aren looking at me. They looked serious. Nasaan kaya 'yung ibang players? Sila pa lang ang nakikita ko.

Pero bakit kaya ako aalis? Shot ko na yun sa boys, pero kasi binastos nila ako! Pero paano kung wala nang kakausap sa akin? Hay ewan, isang number na lang oh. Hmmm. Isip, isip, wala na akong makitang hindi kilala eh. Kung hindi ko kilala, malamang kilala na ng tropa ni Aren. Hay, ang hirap.

Tiningnan ko ang phone ko. Nag-text si ate Anne.

"Way to go girl, 'wag mo ikulong sarili mo sa bar namin; explore ka sa ibang places para magawa mo 'yung challenge.  Try mo sa disco sa kabilang street; maraming guys dun."

I thanked ate Anne. Buti na lang may tips pa galing sa kanya. Oh ha, siya na mabait! Buti pa siya nagbibigay ng tips, 'di tulad ni Aren. Hmp!

Ewan ko ba d'un, parang galit na ewan. Una, namamansin; tapos biglang magsasabi ng kung ano-ano.

Tapos bigla na lang maninigaw. Lakas din ng trip ni Aren kanina.

I went outside nga. I saw a lot of people chatting. Malamang, galing sila sa loob ng resto-bar at 'yung iba sa nearby Disco.

"Hi, Miss, mali yata ako ng napuntahan.  Pwede bang magpatulong?" A guy approached me. He looks innocent, wearing blue shirt and jeans tapos nakagel buhok.

"Ano 'yun?"

"Turuan mo naman ako ng daan papunta diyan sa puso mo," sabi niya tapos turo sa dibdib ko. Harhar,ang corny n'ya, pero havey sa akin. Tumawa na lang ako. This is it! This is my last guy!

"Hello, I'm Alvin. And you're?"

"I'm So –"

"You're mine." Wew. 'Di man lang pinatapos ang pangalan ko. Ang pusok naman nito! Well, 'di bale, gwapo naman eh. Ang corny n'ya to the maaaax!!!

We talked. Sabi niya galing sila ng mga kabarkada n'ya sa disco. Medyo pagod na sila kaya gusto nila pumasok ng A&A, kaya lang, puno na raw kasi sa loob.

Totoo nga puno na sa loob kaya hindi na muna sila nagpapapasok. Good choice yata na lumabas ako. Nag-usap pa kami at medyo naglakad-lakad. Ewan ko ba, ang sweet ng guy na ito. Walang bahid ng kalandian. Una niyang hiningi number ko at ayun nagbigayan nga kami ng number.

5 numbers completed! 2 boyfriends na lang.

Seven pm nag-start ang oras ko at twelve midnight na. Five hours na deducted sa oras ko, pero 'di bale, kaya ko 'to!

Aren

"Kuya Bryan, lumabas na siya!" sabi ko, ayokong ipahalata na nag-aalala ako nang sobra, pero mukhang halata pa rin eh.

"Hayaan mo, kaya na siguro niya angsarili  niya," sagot ni kuya Bryan.

"Pero, kuya, hindi ko maiwasang mag-alala eh. Baguhan lang si Sophie."

"Ano naman kung baguhan siya? Why are you so worried about her?"

"Eh kasi bestfriend ko yun!" people stared at me. Napalakas yata'ng boses ko.

"Bestfriend nga lang ba?" si Sam naman. Bigla na lang sumulpot. Nakaupo kami dito sa may bar. Umiinom kami ni kuya Bryan ng lemon juice. Hindi ako malakas uminom. Good boy po ako. Hehe.

"Oo. Ano ba sa tingin n'yo?" sigaw ko. Ang sama ng tingin sa akin nung dalawa.

"Eh bakit namumula ka?" sabi ni kuya Bryan. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na nag-iinit na pala ang mga pisngi ko!

"Excuse me ha," sabi ko at nagpunta sa comfort room.

Sh*t! Nahalata ako!

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now