16

259 2 0
                                    

Author's note: My Firsts With Him characters are having appearances here. I recommend po na basahin n'yo muna iyon bago ito para you get the context. But you could keep reading this story even if you haven't read it. Hehe.

Nasa external link po iyon.

Thanks po and God bless!

************************************************

Sophie

"Kuya Daaaaaaaaaaaaaaaaan! GISIIIIIIIING!" sigaw ko sa kanya. Tulog na tulog pa siya, pero 9 am na ha! Katatapos ko lang mag-jogging at malayo narating ko. Wala naman akong gagawin today so pumunta nalang ako sa bahay ni kuya Dan. Sembreak naman na.

"Ano ba, Sophie! Matutulog pa ako! Ang ingay mo!"

Nagtakip siya ng kumot. Nakatutuwa siyang tingnan.

Hinubad ko muna rubber shoes ko bago tumalon sa kama niya. Hinawi ko iyong kumot para lalo siyang mainis.

"Sophieeeeeeeee! Hindi ka ba titigil?!" sigaw niyang nayayamot at halatang inaantok pa. Nakatutuwa talaga siyang tingnan kapag napipikon. Magbiro ka na nga sa lasing, 'wag lang sa bagong gising!

"Sir Dan, gising na po. May bisita po kayo," pagtingin ko sa pinto, si Aling Toring. Ang nanny ni kuya Dan.

"Sino, yaya?" tanong ni kuya Dan, inaantok na tanong niya.

"Si Ma'am Evelyn po."

"Dan! Akala ko ba lalabas tayo?!" sigaw ng isang babae mula sa pinto. Naka-cross arms siya at tila nag-init ulo niya noong nakita niya ako sa kama ni kuya Dan. Napababa tuloy ako.

"Lumabas ka mag-isa mo!"  sigaw ni kuya Dan.

Bumangon si kuya Dan. He's wearing a gray t-shirt at blue pajamas. Magulo ang buhok niya dahil sa pagkakahiga pero he's still so handsome.

"Sino 'yan, Dan?!" sigaw ng babae. She's small, maputi, maganda at kulot ang buhok, para siyang manika.

"Pakialam mo ba?!" sagot ni kuya Dan sa kanya. Pumunta si kuya Dan sa may salamin at inayos ang magulong buhok niya gamit ang kanyang kamay.

"What is she doing here? In your room?" tanong niya, sabay tingin sa akin.

"What are you doing here? In my room?"

Grabe, umagang-umaga mainit ulo ni kuya Dan. Nakatayo lang si Aling Toring sa may pinto at tiningnan ko siya. Napayuko nalang siya. Ito ba ang fiancée ni kuya Dan?

"Dan, ano ba! Sabi mo may date tayo ngayon!" sigaw ulit ni girl.

"Don't be so pathetic, Evelyn! Sabi ko o sabi ng parents ko?!" sigaw ni kuya Dan. Nakatatakot siya magalit.

"Dan, sino ba 'tong babaeng ito? 'Di ba, we're engaged na?"

"She's my friend, and I consider her as my little sister. If you can't shut your mouth, go out of this house!"

Kuya Dan's accent ay accent ng isang Chinese, pero marunong siyang mag-English at straight siya mag-tagalog, walang bahid ng pagka-intsik.  I admire him for that.

"I'll wait for you to change. I think your mom set up some breakfast for us sa resto namin," sabi n'ung babae.

"Matutulog pa ako, lumabas ka nalang mag-isa. Kapag hinanap ako ng mom ko, pakisabi may sakit ako."

Huh? Seryoso nga yata siyang matutulog pa siya. Bumalik siya sa kama eh at nagtakip ulit ng kumot.

"Ma'am, narinig n'yo po iyon. Gusto pa po matulog ni Sir Dan." sabi ni Aling Toring.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now