26

303 3 2
                                    

Month of December 2011

Aren

December pa talaga na-schedule ang Science camp. Pero okay na rin, kaysa naman makipagsabayan siya sa mga requirements ng last quarter.

"Dito tayo magtatayo ng tent! Listen to instructions, third year!" kami na naman napansin.

"Aren!" narinig ko ang boses ni Sophie na tumatawag sa akin.

Hindi kaya ako maingay!

Tumingan lang ako sa kanya. Nagulat naman siya sa nakita niya dahil hindi naman talaga kami nag-iingay. Mga boys ng fourth year ang magulo. Medyo malaki rin ang field ng school na ito, at sa malayo, nakita kong nagse-set up na ng tent ang iba't ibang school. Pagkatapos namin mag-ayos ng tent, inipon kaming mga SCA students dahil may announcement daw.

Ang Science camp na ito ay pakulo rin ng mga gumagawa ng inter-school quiz bees kaya halos pare-parehong school lang din ang kasali. Siyempre, hindi mawawala ang MDD, ang school nila kuya Dan.

Puro reminders lang naman ang sinasabi, sino ang pupuntahan at kung ano-anong gagawin kapag may emergency.

Nag-remind din si Ma'am Kate about the Bb. At G. Kalikasan na pageant ni Arvin at Sophie mamaya. Tiningnan ko si Sophie at nginitian. Nagsenyas ako ng "go bestfriend!" pero siya naka-pout naman. Kinakabahan siguro si Sophie.

Wala akong balak sumama sa camp na ito, kung hindi lang dahil sa plus points sa iba't ibang subjects, at sa pageant si Sophie. Kung hindi ako sumama, patulog-tulog lang siguro ako sa bahay.

Nagsimula ang program, nag-opening, may mga sumayaw ng modern dance na wala naman kuwenta at  -speech ang matatandang Science educators. Matatanda naman na talaga sila eh, para raw sa "unity through Science" ang mga Camp na ganito.

Ang unang set of instructions ay ang pag-elect ng team leader, scibe leader(secretary) at flag bearer sa gurpong kinabubulangan mo. Tapos, lagyan isip ng name ng team at design ng flag. Gagawa rin ng cheer ang grupo at magpe-repsent mamaya lahat ng grupo sa stage. Wow, halos pare-parehas na activities every year.

Hindi ko maintindihan ginawa ng mga kagrupo namin dito sa flag namin. Ang panget ng design! Red phoenix daw pero parang ibon na ginawa ng grade 1 ang drawing sa pulang tela na flag namin. Kasi naman, magkulay daw ba sa semento! Hindi nila ginaya iyong ibang grupo na ang gaganda ng pagkakagawa ng flag kasi sa patag sila nagkulay tulad ng flag ng blue team. Nakita ko si Poseidon na naka-drawing sa flag ng blue team. I saw kuya Dante holding it, halos lahat kami naka-P.E. uniform pa ng mga school namin.

Teka, magkakagrupo si kuya Dan, Sophie at Arvin. Ako naman, kagrupo ko si Colleen, at isa pang fourth year na si Jewel.

"Aren! Nakakainis! Wala namang nakikinig sa mga kagrupo natin eh!" sigaw ni Colleen. Madilim na, late na kasi nagsimula ang program. 3 days and 2 nights kami dito sa school na ito. Madalas, mga school dito sa Dasma ang venue para sa Science camp. Bakit kaya hindi pa nagiging venue ang MDD?

"Colleen, 'wag mo na pilitin 'yang mga 'yan. Basta tayo gawin natin ang kailangan nating gawin," sagot ni Jewel. Badtrip kasi! Ang gaganda ng suggestion namin para sa mga activities, pero ayaw nilang tanggapin. Kapag may kumokontra sa suggestion ni Colleen i ni Jewel, napapatingin nalang ako kay Ma'am Kate at tila nagkakasundo kami sa tingin.

Masaya kami noong nag-dinner time na at noong tapos na ang mga first set ng activities. Hindi na ako nagulat dahil wala kaming nakuhang award, kahit best flag man lang. Sa wakas, makalalayo rin sa mga walang kuwenta namin mga kagrupo. Pumunta kami agad ni Colleen kila Arvin na naka-form ng circle at kumakain, si Jewel naman hinanap ang iba niyang mga kaibigan.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now