23

284 2 0
                                    

Sophie

"Sophie! Sasama ba kayong lahat sa Science camp?" tanong ni Colleen sa akin noong makasalubong ko siya sa corridor. Kagagaling ko lang kasi sa auditor ng Math club para kuhain ang inventory ng booth na ginawa namin noong foundation week.

"Hindi yata, 'yung iba kasi walang pambayad eh," pag-eexplain ko.

"Eh ikaw? Sasama ka?" tanong niya.

"Siyempre!" sigaw ko.

"'Yehey! Punta ka sa principal's office mamayang lunch time, pinapatawag tayo eh."

"Ahhh, sige Colleen. Thanks." she waved good bye bago siya pumasok ng classroom nila.

Well, papasok din naman ako doon dahil in search of kuya Arvin ako.

Alalay kasi ako ni kuya Arvin, the Math Club president. I am your sexy-tary(secretary) at your service!

"Sophie, pakisabi nga sa treasurer natin na kukunin ko 'yung kinita natin sa Horror booth. May balak si Ma'am Vargas na i-donate sa isang foundation 'yung kinitang pera eh," sabi ni kuya Arvin pagkabukas niya ng pintuan.

"Wow! Nice! Eto pala kuya, 'yan 'yung inventory ng ginastos natin tsaka 'yung kinita. Mahigit 3k din tubo natin." sabi ko. Noong foundation week ng school namin, nag-merge ang Science club and Math club para gumawa ng Horror booth. Kaya sila nakapag-merge kasi magkaklase ang president ng Science club at Math club.

"Hiniwalay mo ba ang fund ng Science club dito? Ang balak kasi namin, ibalik nalang 'yung puhunan ng dalawang club tapos 'yung tubo ang ido-donate. Three thousand? Malaki na rin yun ha," sabi ni kuya Arvin na nakatingin sa papel na binigay ko.

"Meh! Tingnan mo kita ng horror booth oh!" sigaw ni kuya Arvin sa loob ng classroom nila. Tumayo si ate Meh  at lumapit sa amin. Siya ang president ng Science club.

"Wow! So galing!" sabi ni ate na hindi makapaniwala. Kahit ako rin eh. Ang pagkaka-alam ko tig-one thousand pesos ang ambag dawalang club so 2k lang ang puhunan namin for the booth. Kaya siya naging nakakatakot dahil madaming nagdala ng props sa klase nila kuya Arvin at klase ko.

"Sophie, gawa ka nga pala ng letter na ipapadala sa principal's office. Tsaka 'yung booth report ha, 'wag mo kakalimutan,"

K. Here comes the secretarial work.

"Okay po, Mr. president." sabi ko, sabay smile. Hinihingal ako kada salita ko.

"May hika ka ba?" tanong ni ate Meh.

"Opo eh," I lied.

"Ahhhh. Ka-badtrip 'no? Ako rin, meron eh. Pasok na ako ha, Imma do something," sabi ni ate Meh at umalis.

"Okay ka na na, Sophie? Sabi ni Aren, na-confined ka raw noong sembreak," tanong  ni Arvin. Minsan natatawag ko talaga siya ng kuya.

"Opo, dahil din sa hika," kuwento ko.

He should not know anything.

"Ahhhh. Sige ha, see you mamaya sa principal's office."

I said my goodbye to him at bumalik sa classroom. Isang oras pa bago mag-lunch time. Vacant namin ang 11:00-12:00 pm. Nakita ko si Aren na papunta sa akin.

"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap," bati niya. Himala! Hindi naninigaw.

"Sa classroom nila kuya Arvin, nagdeliver ng inventory. Bakit?"

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now