19

298 3 2
                                    

Sophie

Niyaya ako ni Aren sa isang date. We have done this thing a million of times, palaging kaming dalawa lang at nagbo-bonding. Pinag-uusapan naming ang mga bagay-bagay na kaming dalawa ang exclusive na nag-uusap. Pinilit niya ako na gawin naming ito bago mag November para hindi raw hassle. We argued about kuya Dan treating me as a little sister, hindi ko alam kung ano'ng problema niya. Siguro nagseselos lang siya, pero, bakit siya magseselos?

 "Saan ka nakakuha ng pera pang-date?" tanong ko. He smiled.

"Nag-ipon ako, para hindi ka magreklamo, baka sabihin mo ikaw na naman gumastos."

"Wow, naks naman Aren. Umaasenso tayo ha!" biro ko. Na-touch naman ako sa sinabi niya.

"Ano'ng topic natin?" sabi ko pagka-order niya ng lafang namin. Walang kasawaang McDo Cheeseburder, fries at coke float.

"Bakit converse ang pina-partner mo sa dress?"

Wow. Ang gandang tanong.

"Bakit ba? Baduy ba?" tanong ko sabay kuha ng fries.

"Hindi, ang cool nga eh," sabi niya at pumapak na rin siya ng Fries.

"Bakit ako na naman ang pinag-iinitan sa classroom? Kapag maingay, ako lagi ang tinatawag ng teachers," reklamo niya. Natatawa nalang ako. Responsibilidad ko kasi siya, kasi president ako ng class.

Tumawa ako at inasar ko siya, "Hayaan mo na sila, ayaw mo n'un, kilala ka!" nag-pout lang siya. Ang guwapo parin niya! Parang pumuputi si Aren.

"Tsaka, bakit ba sikat ako lagi sa teachers?" pagtatanong niya. Hello! Varsity player na taga-Science section, tapos lagi pa'ng late pumasok. Nginitian ko nalang siya, alam naman niya ang mga sagot sa sarili niyang tanong eh.

"Bakit ito lang in-order mo? Hindi mo man lang ginawang large 'yung fries!" pagrereklamo ko.

"Lalamon ka na naman? Nilibre ka na nga, ikaw pa 'tong puro reklamo!" sigaw niya.

Kumain nalang ako. It's the normal us, bangayan nang bangayan pero tunay pading magkaibigan. Hindi mo na maaalis sa amin ang magsagutan palagi eh.

"Ang daming nangyari 'no? Kalahati palang ng school year," kuwento bigla ni Aren.

"Kaya nga eh, alam mo masaya akong nakilala natin sila kuya Dan,"

"'Di ba sabi nila pupunta sila? Nasaan na ba sila?" tanong ni Aren. Pinapunta ko kasi si kuya Dan para maki-bonding sa amin, pero nag-text kanina na hindi raw siya makakasama.

"Hindi na raw, matutulog daw siya." sabi ko tapos kumain lang ulit kami.

Pagkatapos namin kumain,nagyaya ako sa National Bookstore. May isang lalaki ang tingin nang tingin sa akin noong nasa mga notebook ako. Noong nasa books na ako, nakasunod padin siya. Si Aren kaya, nasaan?

"Kuya? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo at napangiti. Hindi naman siya kaguwapuhan, pero puwede na.

Ang landot mo, Sophie!

Noong lumapit siya, parang natakot ako.

"Ate, sorry po. Ang ganda mo kasi eh," sabi niyang nahihiya.

"Ate, puwede bang makuha number mo?" nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko o hindi pero a casanova will give her number.

"Thank you, ate." sabi niya at biglang umalis. Nakuha ko na ang mga dapat kong bilhin. Nakita ko si Aren na nasa part ng mga ball pen at may kausap na chicks. Lumapit ako sa kanya, at ngumiti.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now