18

252 2 0
                                    

Sophie

 "SCA! SCA! SCA!"

Dahil gitna ng sem break ang game, we are very lucky to be allowed to watch kahit sa court ng MDD ang game. Libre na pumasok kasi nga bakasyon naman, you just have to show your ID para malaman nila kung student ka ng isang participating school.

"MDD! MDD! MDD!"

You can hear exchange of shouts of rival schools, MDD and SCA. Kung ang Ateneo, karibal ang La Salle, ang UP ay katapat ang UST, ang SCA ay kalaban ang MDD. I don't know how our schools became rivals, ang alam ko ay dahil lagi sa basketball. Ang schools namin ang laging leading. When it comes to another fields like volleyball and foot ball, halos nagkatatapat din.

I am very nervous for Aren in this game. Pinaghahandaan kasi niya talaga ito. Ayaw niya ulit mapahiya sa harap ng buong SCA. Sinisisi kasi ni Aren sarili niya kung bakit natalo sila sa championship last year. He's one of the most awesome players SCA ever had.

Badtrip!

Leading ang MDD at second quarter na! Grabe ang mga taga-MDD audience, they are wearing the same polo shirt and jeans. Uniform na uniform hindi tulad sa amin, kung ano-ano ang suot: may school uniform, may pe, at may school t-shirt. They even have a cheering squad samantalang ang SCA, poor. Yeah, poor dahil isang exclusive private school ang MDD, kumbaga, para sa mga mayayaman at may pera. Ang SCA, para sa mga may pera lang, kahit hindi mayaman. Ang weird lang kasi rival schools, tapos,  iisa na ngayon ang may-ari.

"Sh*t! Ang daya! Sinadya 'yun oh!" sigaw ng katabi kong guy sa left side.

I don't know him, sa right side ko si Dave. Dave is taking a video of the game, minsan nagte-take rin siya clips ng mga MDD students na nagche-cheer. MDD kasi ang primary school na target namin for our documentary na project namin sa English.

"Ano'ng nangyari, Dave?" I was so lost in my thoughts that's why I didn't notice what happened.
"Parang binanga si Aren, tapos parang dinaganan, puwedeng maging aksidente 'yun pero mukhang sinasadya eh!" sagot niya. Grabe sila! Nananakit!

I saw another act, binabanga nila ng malakas si Aren at ibang players ng SCA tapos kapag natumba na, pasimple nilang tinatapakan tuhod niya or nag-a-acting na tutumba tapos biglang dadagan sa kanya. Mabilis sila kaya hindi halatang nanakit sila eh! Madaya 'yun 'di ba? Bawal iyon! Tsaka, ano'ng klaseng referee ba ang nasa court ngayon?

I can see pain in Aren's face pero tuloy padin siya. Ang layo ko pa naman sa kanya dahil medyo late ako dumating.

"AREN! I LOVE YOU! AREN! GALINGAN MO! WHOOOOOO!" buong lakas kong sigaw.

Nakita ko si Aren na natulala sa akin, nakatingin lahat ng SCA students sa akin sabay biglang nagsigawan ng

"WHOOOOOO! SCA! SCA! AREN! AREN!"

Aren is one of the play makers, I mean isa siya sa pinakagumagawa ng points. Iyan daw ang tawag sa mga nagpapainit ng laban(sabi ni Aren).

When Aren's 3 point attempt was done, naramdaman kong nag-init na rin ang SCA players. Sunod-sunod na ang shoot nila at lalo kaming nag-init sa pagche-cheer!

***********************************

"Ang galing-galing mo! I so love you Aren!" sabi ko habang sinusundan siya. Nagpupunas siya ng pawis, naghahanap kami ng cr na malinis. O.C. kasi itong si Aren, which means obsessive compulsive, in simpler terms, O.A. sa kalinisan.

"Siyempre, sa wakas nakaganti na kami!" sagot niya.
"Pssssst!"

Hindi muna namin pinansin kung sinoman iyon. Usap-usapan na may multo sa malaking school na ito, hindi kaya?

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now