11

310 2 0
                                    

Author's Note: Colleen, Arvin and Dante are having short appearances in this story. They are my main characters in My Firsts With Him, nasa external link po iyon. I recommend po na basahin n'yo muna iyon para mas maintindihan n'yo ang takbo ng mga pangyayari dito. 

Maraming salamat po! :D Happy reading and God bless!

********************************************************

Sophie

Saturday morning, I asked Aren to go to our house and have his breakfast here.

"Mahal mo pa rin ba si...Dave?" tanong niya habang naghuhugas ako ng pinggan. Kaalis lang ni daddy. Marami yatang orders ngayon sa t-shirt shop namin.

"Hindi ko alam, siguro," sagot ko. Tumabi siya sa akin at tiningnan ang ginagawa ko.

"Bakit ba ang hilig mo mag-dress? Nasa bahay ka nalang, naka-dress ka parin!" pansin niya. Nakapambahay na dress kasi ako.

"Bakit ba?"

"Wala lang, ang ganda mo kasi eh," natawa nalang ako sa sinasabi niya. Bangag yata itong si Aren.

"Aren, uso matulog,"

"Bakit ba? Seryoso kaya ako, pinupuri ka na nga ayaw mo pa maniwala eh!" sabi niya.

"Oo na. Aren, bakit ang guwapo mo?" ganti ko.

"Siyempre, pinanganak na guwapo eh!" natatawa ako sa sinabi niya. Eto na, hangin Aren on the way!

"Wow! Eh 'di ikaw na!" sigaw ko. Umalis siya sa tabi ko tapos bigla akong niyakap mula sa likod ko.

"Parang ikaw, pinanganak na maganda," bulong niya sa tainga ko. Hay, that's why girls go crazy over him.

"Don't use your Casanova charms on me, handsome,"

"Eh 'di 'wag!" inalis na niya ang yakap niya.

"Pero namimiss ko na yumakap ng babae nang totoo, namimiss ko magbigay ng totoong yakap," sabi niya bigla. Reminiscing?

"Eh 'di ako, girlfriend mo naman ako eh!" biro ko.

"Totoong girlfriend, hindi ikaw."

Aray ha.

"Ni minsan ba naisip mo na ma-in love sa akin?" Hindi maipinta ang mukha ni Aren noong narinig niya ang tanong ko.

"Tss, ikaw? Okay ka lang?!" winisikan ko siya ng tubig. Grabe talaga itong lalaking ito! Hindi man lang ako tulungang tumaas self-esteem ko!

"Ano ba, Sophie!?" pinigil ko nalang tawa ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"May lalaki pa kayang ma-i-in love sa akin? Kasi I think I fall on the weird girl category," sabi ko out of the blue.

"Weird? Chicks ka kaya!" sabi niya. Ewww! He sounds like manyak!

"Ikaw lang ang nakita kong maganda, sexy, matangkad, mabait at matalino at the same time, bukod kay Colleen,"  Tss, kay Colleen pa niya talaga ako kinumpara ha.

"Eh, iba naman si ate Colleen eh!"

"Iba ka rin naman ah, mas maganda ka."

"Don't make bola-bola me, Aren!" sabi ko. Tapos na ako maghugas ng plates! Winisikan ko ulit siya ng tubig.

"Hindi naman kita binobola eh, kapag sinabi kong mahal kita, hindi ka rin maniniwala?"

May topak yata itong si Aren, kung ano-ano na naman pinagtatanong. Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa, tumabi naman siya sa akin.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon