4

346 4 1
                                    

Author's Note: Maraming salamat po sa pag-aabang. Reminders lang po, ito ay kuwento ni Aren at Sophie. Medyo sisingit lang si Colleen, Arvin at Dante(na characters ng My Firsts With Him). Mas mahaba siya sa My Firsts With Him, siguro po nasa 35 parts ito. Maraming salamat po! Enjoy!

Hugs and kisses, 

ememalberts

**************************************************************

Sophie

Pasukan na naman. Classmate ko si Claire at si Aren. We belong to the Science section which means the top class.

Hindi ko alam kung bakit, pero feel kong isuot itong uniform namin.

Isang dark blue skirt tapos light blue na blouse tsaka ribbon na kakulay ng skirt. Masaya ako suot siya. Kung ano mang nangyari sa gabi ng initiation/challenge ko, nakahihiyang ikuwento.

Basta, something really bad happened, I was almost raped. Buti na lang, Aren and kuya Bryan came to the rescue. Dahil doon, buong summer akong hindi pinayagang lumabas ni daddy.

 Sabay kami pumapasok ni Aren as usual. Sumabay ako kasi hinahatid siya ng mom niya. Si daddy ko naman busy lagi dahil sa t-shit business namin. Maaga siyang naalis kaya hindi niya ako naihahatid.

Ngayon lang ulit kami nagkita ni Aren.

Si Aren naman hindi ko ma-contact. Galit yata itong si Aren, ewan ko ba. Ang hirap niya i-spell.

Ang awkward. Her mom's driving. Si ate Anne ang nasa passenger's seat. Nandito kami ni Aren sa likod. Nakatingin lang ako sa bintana, ganoon din siya sa kabilang bintana. Nagsimula pang umambon. Hay naku, wala pa naman akong payong. Pero, hindi payong nagpapalungkot sa akin.

It's raining again. Sumabay pa sa puso kong nalulungkot. Almost a month na akong hindi lumalabas ng bahay. Basa novels, Facebook, kain, tulog at routine na nabo-bored na ako. Hindi parin naman ako nakaka-move on eh. Gabi-gabi yata akong umiiyak. Lagi kasing may pic si Eman at ang girlfriend niya. Nakaiinis! Bakit ba iniisip ko pa lagi si Eman? Alam ko namang matagal na akong deleted sa puso niya.

"Bakit ang tahimik n'yo naman yata?" Sabi ni ate Anne. For sure, alam ni ate Anne yung nangyari. Tiningnan ko si Aren. Nakatitig din pala siya sa akin pero umiwas agad ng tingin.

"Oo nga, itong si Aren ka aga-aga eh ang sungit. Hoy, Aren meron ka ba?" pabirong sabi ng mama niya at tumawa sila ni ate Anne.

"Tsssss," Sabi ni Aren tapos tumingin ulit sa bintana. Hay, life. Why are you so mean? Wala na nga akong loves, pati bestfriend ko hindi ako pinapansin!

School na, ang awkward talaga. Dirediretso lang si Aren.

"Hoy Aren baon mo!" Bumaba si ate Anne para lang tawagin si Aren pero dire-diretso lang talaga siya. Naka-earphones kaya siguro walang naririnig. Tiningnan ako ni ate Anne.

"Sophie pasensya na ha, pero, pwede ba ibigay mo nalang 'to kay Aren?" Tapos inabot niya yung pera sa akin. Loko talaga 'yun. Paano kaya siya kakain mamaya?

"Sige ate. Ingat kayo ha."

"Kayo din. Galingan n'yo." she gave me her sweetest smile and they pulled away. Ang ganda talaga ni ate Anne mapa-casual clothes o uniform. Ang ikli ng black skirt tapos white na blouse tapos may black coat na nakapatong. Ang ganda kasi ng uniform nila, mas gumaganda si ate Anne tingnan.

Dumaan ang lunch time. Hindi ko alam kung saang lupalop ng school nagpunta si Aren at tropa niya. Basta hindi siya pumunta ng canteen. Hinahanap-hanap ko siya noong lunch time palang. Hindi kasi ako makalapit sa kanya sa classroom. Super iniiwasan ba naman ako. Badtrip! Pachicks pa 'tong lalaking ito. Galit ba siya? Nakaka-stress naman.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now