20

333 4 4
                                    

Sophie

November 1 to November 7, nasa ospital ako. I am confined due to my asthma. Ang malas ko siguro talaga dahil malalang bronchial asthma pa ang nakuha ko. Bakit 'yung ibang may asthma, hindi naman naoospital?

Nakapapagod dahil kung ano-anong test ang ginawa. I know daddy paid a lot lalo na doon sa CT Scan ko. Kailangan daw iyon para makita pa nang mas malinaw ang hitsura ng lungs ko. Kapag tinatanong ko si daddy kung kamusta asthma ko, hindi pa raw niya alam dahil wala pang sinasabi ang doctor. Sa ospital nila kuya Dylan sa Manila pa ako na-confined.

Nakaiinis isiping kailangan ko ng oxygen tank para makahinga ng maayos, ganoon kagrabe ang asthma ko noong nasa ospital pa ako. Tapos paramg walang katapusan ang ubo ko. Sabi ni daddy, kailangan lang daw na huwag kong kakalimutan ang gamot ko para hindi na naninikip ang dibdib ko. Bakit ba kasi hindi nawala ang asthma ko noong 7 years old pa ako? Hindi tulad ni Aren. Malas lang siguro ako dahil mas sakitin ako.

Naiingit ako kay Aren kasi siya nakakapag-basketball pa, tapos wala na siyang hika! Eh ako, eto sakitin at bihirang makatagal sa physical activities.

Si Aren!

Nakalimutan ko'ng birthday niya noong November 3! Nag-text siya sa akin kung sasama ba ako sa gala nila pero hindi ko na-replyan! Tine-text ko, tinatawagan ko at nagme-message ako sa Facebook pero walang reply.

Hala! Baka galit siya sa akin.

"Sophie!" pagtingin ko sa pinto, may bitbit si daddy na paper bag ng McDo. Sa wakas! dumating na rin siya. Hindi kasi niya nabisita puntod ni mommy dahil nasa ospital ako simula November 1. Sabi ko, gusto kong sumama pero magpahinga nalang daw ako. My mom died noong bata pa ako, due to a car accident. Ako at si daddy nakaligtas pero si mommy, hindi.
"Bumili ako ng favorite mong cheese burger at fries!" naisipan kong humiga nalang dito sa sofa at dito mag-antay. Bumangon ako para harapin si daddy.
"Yehey! Kaya pala ang tagal mo eh!"

Nilapag ni daddy ang mga bitbit niya sa coffee table at nilapit niya sa sofa. Tapos, umupo siya sa sofa at tumabi sa akin. Pinatay ko naman ang nebulizer ko para makausap ng maayos si daddy.  Parang gusto ko ng oxygen tank sa tabi ko, pero I hate it when the tubes are hooked on my nose.
"Sophie, simula ngayon bawal ka nang magpagod ha," sabi ni daddy na seryosong nakatingin sa akin.
"Daddy, matagal naman na akong bawal magpagod eh!"
"Sophie," hinawakan ni daddy ang kamay ko. Naririnig ko lang ang paghinga naming dalawa.

Parang kinakabahan si daddy, may girlfriend na siguro siya, tapos ngayon lang niya sasabihin sa akin. Minsan lang naman ganito kaseryoso si daddy eh, o siguro nalulugi na t-shirt printing business namin at hindi na ako makakapag-aral!

Sophie, erase! Erase!

Kung saan-saan na naman napupuntahan  ng imahinasyon ko. O kaya baka naman isa na ako'ng bidang character sa isang istorya tapos may sakit daw ako.

At siyempre may prince charming ako! Gusto ko si Aren iyon.

Naloloka na naman yata ako. Natatawa ako sa mga pinag-iisip ko. Ang tagal naman kasi magsalita ni daddy eh.

Teka...

Luha?

Wala naman ako'ng cancer 'di ba?

Baka may namatay kami'ng kamag-anak kaya siya umiiiyak. Huwag naman sana!

"Ambisyosa! Hika lang sakit mo!" bulong ng isip ko sa sarili ko.

Ano ba, Sophie! Ano ba'ng mga pinag-iisip mo!?

Nakatitig lang ako kay daddy na tila naghahanda pa para sa mga sasabihin niya.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon