28

311 5 2
                                    

Last week of January 2012

Aren

"Yes! Editing na tayo!" sigaw ni Sophie. I will be staying overnight dito sa bahay nila, para sa pag-e-edit ng documentary namin. Sinimulan ko nang pagdugtong-dugtongin ang video clips gamit ang Vegas Pro, samantalang si Sophie ginagawan ako ng homework sa Geometry at ibang subjects. Pagkapasok ng January, simula na ng last quarter at sobrang hectic ng schedule namin dahil sa school works. Ako, may training at gig pa.

Sinabihan ko rin siya na mag-install ng Vegas Pro sa computer nila para may back-up kami kung sakaling sumablay ang laptop ko. Hindi namin magamit net book niya kasi masyadong mababa configurations n'un tsaka hindi iyon tatagal sa video editing.

Nandito lang kami sa kuwarto niya at dinadalhan-dalhan ng papa niya ng pagkain. Minsan sumisilip siya para kamustahin kami.  Naka-indian sit ako sa kama niya at nakapatong sa lap ko ang isang unan at ang laptop ko. Limitado lang ang galaw ko dahil nakasaksak padin ang charger ng laptop ko.

Nakita ko si Sophie na nakatulog na sa desk niya. Hay, baliw talaga itong babaeng ito. Gusto ko sanang gisingin siya para palipatin dito  sa kama, pero napatitig nalang ako sa kanya at ang "Daddy Oxy" niya na nasa sahig. Sanayan lang siguro na nakikita siyang palaging may oxygen na nakabit sa ilong niya.

Tumayo ako para silipin ang homeworks namin, tapos na nga niya lahat. Hindi kaya magtaka ang teachers kung bakit maganda ang sulat sa papel ko? 2:43 AM na. Wew, bukas na pasahan ng pesteng documentary na ito. Nakaka-miss ang kama.

"Kamusta?" sabi niya pagkamulat niya ng mga mata niya. Ang gamit niya ngayon, isang electric oxygen generator, si Daddy Oxy raw niya iyan at iyong portable na mas maliit, si Baby Oxy naman daw iyon. Sira talaga si Sophie minsan, pati ba naman mga oxygen generators niya, may pangalan. Parang nebulizer lang din ang dating pero powered ng kuryente ang gamit niya ngayon. Iyong isa pa niya na portable, iyon naman bitbit niya kahit saan. Dala-dala niya iyon sa school araw-araw. Simula noong nalaman ng buong klase ang sakit ni Sophie, mas naging maalaga ang buong classroom sa kanya, kahit nga mga seniors eh. 24/7 na rin siyang naka-oxygen, at labas-masok siya sa osppital.

"Bakit hindi mo gamitin 'yung tangke mo?" tanong ko. May oxygen tank din kasi siya dito sa kuwarto niya.

Addict lang sa oxygen?

"Ubos na, alam mo namang hindi ako nabubuhay nang walang oxygen eh. Hindi pa 'yan nare-refillan," sagot niya.

"Nagre-render na, malapit na tayo matapos. Makakatulog na ako!" pag-a-announce ko. Excited na akong humiga at matulog. Ilang araw na rin akong puyat dahil ang dami-daming pinapagawa. Epal pa iyang video na iyan, puro pa aberya noong nag-e-edit ako kanina.

"YES!" sigaw niyang mahina. Napahikab ako at tinititigan lang niya ko.

Anak ng, inuubo na naman siya.

"Tulog ka muna, Aren. Ako nalang ang mag-aantay ng pag-render niyan," sabi niya pagkatapos ng long session ng ubo niya. Nilagay ko nga ang laptop ko sa desk niya at lumipat na siya sa kama.

"Ikaw nalang. Ang sarap mong panuoring matulog eh." sabi ko.

"Baliw!" sabi niya kahit nanghihina siya. Mataas na naman ang mga unan niya, tipong para siyang nakaupo. Pumipikit siya pero alam kong gising padin siya.

"Tulog na insomniac," biro ko.

"Hindi na ulit ako makatulog. Insomnia attacks," sabi niya sabay mulat. Sana ako nalang ang may insomnia para mahintay ko itong video namin. 96% na, malapit na naming mapanuod. Napapikit ako tapos biglang nagdilim.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now