17

250 1 0
                                    

Sophie

"Porn! Porn! Porn!" sigaw ni kuya Dylan habang bitbit ni kuya Dan ang laptop niya at nilapag niya sa coffee table ng entertainment hall. That's the part of television set and couches. Iyong may instruments daw ay ang music hall niya. Well, that's how kuya Dan named his room.

Kasama ko si kuya Anthony na busy dito sa long table ni kuya Dan. Two people can sit here and do their work kaya kasama ko siya dito sa table.

"Pagpasensiyahan mo na 'yang mga ugok na 'yan ha. Ganyan talaga sila pagmagkakasama," sabi ni kuya Anthony. Bakit parang ang bait-bait niya?

"Ayos lang po kuya. I know how boys can go crazy." sabi ko. Well, boy lang pala, si Aren. I know how crazy he is. I miss Aren na. Hindi ko pa siya nakakasama ng matagal ulit dahil puro siya practice. Nakaiinis kasi ang hina talaga niya mag-pick up ng signs. Hindi niya nahalata na kaya ako nagsusungit sa kanya for the past week ay para lang magpapansin.

"'Di ba taga-SCA ka?" tanong n'ya bigla.

"Opo, bakit po?"

"Wala lang. Kayo kasi kalaban ng school namin sa next game. Manonood ka?" tanong n'ya. Hmmm. Oo nga pala! Kaya busy si Aren! Babawian daw niya ang mga hambog(sabi ulit ni Aren) na taga-MDD.

"Ahhh, ewan ko po eh. Bakit po?"

"Wala lang, mukhka kasing pinaghahandaan ng school n'yo school namin. Champion pa naman kami last year," sabi n'ya. Well, do I care? Sa bagay, alam ko iyon dahil nakita kong nilamon kahambugan ni Aren last year.

"Pero hindi namin kayo matalo sa quiz bees," sabi niya. Quiz bees? Ay, yeah, he's part of the intelligent team.

"Wala po kayong mapapala sa third year, 'yung ibang level lang. Sabog level namin eh," pagkukuwento ko.

"Oo nga, lalo na 'yung seniors n'yo. Arvin palang taob na kami, eh may Colleen pa, 'di ba nanalo si Collen sa nationals?" tanong niyang parang curious. Wew, pati ibang school kilala silang dalawa! Taray!

"Opo, third siya. Ang galing nga eh." Sabi ko. Napatahimik siya at napatingin kay kuya Dan. Ang liit ng mundo 'no? Si kuya Dan ay ex ni ate Colleen, kilala ni kuya Anthony si kuya Arvin at si kuya Arvin ay rumored na nililigawan na si ate Colleen.

"Don't you feel intimidated? Around us?" tanong bigla ni kuya Anthony na hindi makapaniwala.

"Hindi, bakit naman po?"

"Wala lang, kapag kasi nalalaman ng ibang tao kung sino-sino kami, it's either they will stick to us like glue or ma-i-insecure silang lumapit." sabi niya.

K, rich kids blues.

I asked him why and he explained "Dylan's family own the most prestigious hospitals here in our country, their hospitals are totally state of the art. He's fil-am, her mom is an American doctor and his dad is a Filipino, but a doctor too. Si Cheng Ye, they own the famous Cheng Ye bakery. Cheng Ye means success in English kaya 'yun siguro pinangalan sa kanya.Si Mitchel naman, they own famous chains of restaurants. Errol's family are always in partnership with Dan's family. They own several commercial buildings, some malls here in Cavite, Manila and Laguna and some establishments, just like Dan's family."

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin