29

322 6 1
                                    

Last week of February 2012

Sophie

"Sophie, zero na ang pressure ng oxygen mo," sabi ni Aren. Pinapabukas ko kasi iyong oxygen ko. Grabe, baka mamatay ako ng wala sa oras kapag naputol ang oxygen ko.

Pina-confine ako simula noong unang lung collapse ko. Akalain mo, buhay padin ako!

Chest drains, isa pa iyang hindi ko puwedeng takasan. Kinakabitan nila ang gilid ng dibdib ko ng isang tube at doon pinapadaan sa tube ang air leakage sa lungs ko. Nangyayari iyon kapag sumabog ang cyst sa lungs ko at ang tawag daw doon ay pneumothorax, their term for collapsed lung(nakakadugo ng ilong ang terms). Hindi ko ma-imagine ang nangyayari sa katawan ko. Akala ko, epal lang sa paghinga ang cysts, 'yun pala puwede rin silang sumabog, ala fireworks na may dalang air at fluid na kumakalat sa part na kinalalagyan ng lungs ko.

Nakakabit ang tubes ng chest drain sa mga canister, tapos nagma-maintan daw ng pressure ang mga container na 'yun para hindi na bumalik sa loob ng lungs ko ang air leakage at kung ano mang bagay na dala ng lung cysts ko na sumabog. This chest drain makes my lungs re-expland at the same time kapag kinakabitan daw ng suction.

In short, chest drains are saving my collapsed lungs. Gising ako noong ginagawa iyon. They make a small cut in my skin at doon pinapasok ang tube. May local anaestesia pero masakit padin minsan. I'm loaded with painkillers whenever I feel tha pain of the tube slowly pushed inside my body. Buti nalang, katatapos lang ng isang bangungot na iyon and my shortest time na nakakabit sa Chest drain ay one week. Nagbabantang mag-collapse ang lungs ko every time na may period ako. What can I do? That is LAM disease.

Pindot ako ng pindot sa beeper pero wala parin ang attending nurse ko.

"A...ren...Ox..,"

"Sophie, 'wag ka nang magsalita, tatawag na ako ng nurse!" tumakbo palabas si Aren.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at napahawak ng mahigpit sa beeper na binigay sa akin. Para siyang cellphone na maliit na may kaunting buttons. Ito ang paraan ko para makatawag ng tulong in case of emergency.

Kung mamatay ako today, sana ingatan ni God ang mga taong mahal ko.

Teka? Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko? Artista ang peg?

Hindi! Hindi! Wala ka lang oxygen!

Ramdam na ramdam ko ang sakit nang mawalan ng oxygen. I am really breathless. I am contantly praying for strength as I can feel my whole body in pain. Hinihingal na naman ako at naninikip dibdib ko dahil hindi ako makahinga.

So, this how it feels like dying... and loosing oxygen all through out your body.

I am shouting for help in my mind.

Dear God, help me!

May narinig akong mga taong nagtatakbuhan papunta dito sa kuwarto ko. I can here them saying "Bilis! Bilis!" hanggang sa naramdaman kong may nasal tube na kinabit ulit sa ilong ko.

"Okay na Aren, salamat at tinawag mo kami agad."

Narinig ko ang isang pamilyar na boses at pagtingin ko, head nurse nila iyon. Medyo may katandaan na siya at maikli ang buhok niya pero napakabait niya. Dahil babae siya, hindi ako nahihiyang sabihin sa kanya kapag mayroon ako.

Kapag may menstruation ako, mas nahihirapan ako. The mere fact that my hormones have effect on my lungs sucks. Nakadalawang lung collapse na ako, left noong January and right ngayong month of February, at ang suwerte-suwerte ko dahil buhay padin ako. It all happened during the time of my menstruation.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora