33

247 2 1
                                    

Aren

Buti na lang pinalabas na si Sophie sa ospital. Ang problema nga lang, hindi siya puwedeng mawalan ng oxygen kaya wala rin siya dito sa SCA (Saint Claire Academy) at MDD (Montesorri De Dasmariñas) meetup.

Ginawa ang program na ito para mag-meet ang students ng dalawang magkaibang school. Sister schools na kasi ang mga school namin, dahil iisa na ang may-ari.

Nandito na ang MDD students at SCA students sa gym namin at tapos na rin ang mga performance nga mga estudyante ng parehong school.

Ang naging huling part ng program ay noong pinahawak ang MDD students ng isang mahabang-mahabang green ribbon at ang SCA students ng mahabang-mahabang blue ribbon. Tinali ng principal ng MDD at ng bagong principal ng SCA ang magkaibang kulay na ribbon sa stage. Iyon daw ang magse-seal sa brotherhood ng MDD at SCA students. Hawak-hawak padin naming ang mga ribbon at tinaas namin ito noong magkasunod na kinanta ang hymn ng mga school namin. Pagkatapos ng program, tinabi na ang mga upuan at nagsimula ang disco.

Nagsasayawan na ang mga tao kaya umupo nalang ako dito sa tabi. Namimiss ko na si Sophie.

"Aren!" boses ni Colleen? Paglingon ko tulak-tulak niya si Sophie sa wheel chair.

"Sophie!" bati kong hindi maitago ang excitement. Lumuhod ako sa harap niya, may jacket na nakapatong sa hita niya at naka-sweater din siya.

"Miss na miss na kita," kinuha ko ang kamay niya at tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Ako rin, Aren. Ang saya naman dito!" sabi niya at tumingin sa paligid. Humigpit din hawak niya sa kamay ko. Nakakabit na naman siya sa oxygen.

"Buti pinayagan ka," sabi ko.

"Basta ba, hindi mawawala ang oxygen sa ilong ko eh," sabi niya at ngumiti siya sa akin. Lumapit ang mga kaklase namin sa kanya at kinamusta siya. Ngayon lang ulit nila nakita si Sophie sa labas ng ospital.

Nasa gilid lang kami noong naramdaman kong kinakalabit ako ni Sophie.

"Sayaw tayo, Aren." pagyayaya niya.

"Baka mapagod ka,"

"Hindi 'yan! Kaya ko naman tumayo eh, basta hindi mapuputol oxygen ko," pagpapaliwanag niya. Nag-away pa kami pero hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Tinulak ko ang wheel chair niya sa loob ng dance floor at inalalayan ko siya patayo. Buti nalang, tama lang ang haba tube ng oxygen niya para makatayo siya. Dahan-dahan kaming sumasabay sa mabagal na tugtog na "Miss You Like Crazy."

Bagay pa talaga sa amin ang tugtog, kasi miss na miss ko na si Sophie.

"Exchange! Exchange!" paglingon ko, si Arvin. Kasayaw niya si Colleen at nakapaligid naman sa amin ang ibang F6 na may partners din.

Umikot nga ang partners kaya ka-partner ko na si Colleen, at dahan-dahang sinasayaw ni Arvin si Sophie. Hindi naman sila makaalis sa puwesto nila dahil sa oxygen ni Sophie.

"Mabuti naman okay na siya," sabi ni Colleen habang nakatitig kay Sophie.

"Kaya nga eh, wala yatang araw na hindi ko siya naiisip," nasabi ko bigla.

"Ang suwerte ni Sophie sa 'yo 'no? Tsaka suwerte ka kay Sophie,"

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi, Sophie is a very bright and brave girl, tingnan mo oh, parang hindi nangaling sa ospital ngumiti." sabi niya.

"Exchange!" sigaw ni kuya Dan. Ngayon, si Colleen naman ang ka-partner ni kuya Dan. Si Evelyn naman partner ko.

Sophie Can't Breathe (COMPLETED)Where stories live. Discover now