𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟎

150 7 3
                                    

𝐊𝐞𝐧𝐬𝐥𝐞𝐲'𝐬 𝐏𝐎𝐕:

Damn it, late na ako, nagmamadali akong bumaba sa aking sasakyan at nagtungo sa elevator dito sa parking lot. Gosh ang tagal, inis kong usal habang nasa loob ng elavator.

Pagkalabas ko ng elevator, dalidali akong naglakad patungo sa aking classroom ng may mabangga akong babae. Kapag minamalas ka nga naman.

"Gosh/damn it." Sabay naming wikang dalawa, at laking gulat ko na lang ng tumingin ito sa akin and halata rin sa kanya ang pagkagulat. Yung inis niya ay napalitan ng saya, at agad akong niyakap, na tinugunan ko naman.

"I missed you, Ley." Napabitaw kami sa isa't isa nang may marinig kaming bumagsak. Paglingon ko naman, nakita ko si Ms. Kizzia na nasa lapag na ang kanyang laptop habang masama ang tingin sa amin.

Hindi ko na siya pinuntahan dahil tinulungan na rin siya ng isang babaeng estudyante na pulutin ang laptop niya sa sahig. Pagkaabot nito sa kanya ay umalis na rin sya without saying thank you to the girl.

Kawawang laptop, bulalas ko sa aking sarili, at ibinalik ko ang aking atensyon sa aking pinsan, na nagtataka kung bakit masama ang tingin sa kanya ni Ms. Kizzia.

"You know her, cous?" Curious niyang tanong sa akin, at tumango na lang ako.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko sa kanya while naglalakad kami ngayon patungo sa classroom ko, dahil doon din naman daw sya  pupunta.

"Yesterday, balak ko nga sanang puntahan ka sa condo mo, but I decided na huwag na lang, since magkikita naman tayo dito." Nakangiti niyang tugon sa akin, sus sabihin mo lang tinamad ka. Minsan kasi tamad 'tong pinsan ko e.

"Here na cous, yung kamay ko pakibitawan."Pagbibiro ko sa kanya, dahil wala yata siyang balak bitawan ang kamay ko. I understand her dahil bata pa lang kami, ganyan na talaga siya clingy, lalo na kung bago pa lang siya sa isang lugar.

"Sabay na tayong pumasok." Aya ko sa kanya, and she nodded her head.

Pagkapasok ko sa room, pumunta na rin ako sa upuan ko, at nakita ko naman yung tatlong tahimik lang, kaya hindi ko na lang sila inimikin.

"Good morning class, I'm your new professor in English literature. I'm Nathalia Alessandra M. Villaquer; you can call me Ms. Villaquer." My cousin introduced herself, and she smiled. Baka nagtataka kayo bakit hindi kami same surname, kasi her mom is my dad's sister, that's why my surname is her middle name only.

Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil bukod sa maganda siya, she has a charming voice and looks. And after she introduced herself, she just discussed her lesson.

"Leley, I'm sorry for what happened yesterday." Agaw-pansin sa akin ni Sam, kaya ngitian ko na lang siya.

"Me too, Kensley." Dagdag naman ni Astrid.

"Ako rin, Kensley, I'm really sorry kung sinisi ka namin sa naging attitude ni Ms. Kizzia." Paghingi naman ng paumanhin sa akin ni Mitch, kaya nginitian ko na lang sila.

"Anyway, Kensley, if you don't mind, ano mo si Ms. Nathalia bakit parang closed na closed kayo? I saw you guys holding hands kanina." May nakakalukong ngiti naman sa labi ni Astrid, and I rolled my eyes at her.

"Akala ko ba si Miss Kizzia lang? Joke." Si Mitch na sumisingit na lang bigla.

"But seriously, Kensley, what's between you and our new professor?" Ang kulit mo, Astrid. Tinatamad pa naman akong mag-talk ngayon. Pero kinalaunan, sinagot ko rin para manahimik na siya.

"We're cousins; she's my dad's niece." Napaawang naman ang bibig ng dalawa at tumango-tango na rin.

Habang si Sam ay busy sa harap ng book niya, naks, sipag mag-aral ng unggoy na 'to. Gusto yatang maka-perfect score mamaya sa quiz ni Ms. Elise. Nagpapalakas ang Sam-Sam namin.

THE GIRL IN THE BOOKSTORE Where stories live. Discover now