Love.1 > The Beginning!

10.5K 220 14
                                    

Page's POV

"Hoy! Tulala ka na naman dyan best!" pang gugulat sakin ni Koy,ang bestfriend ko, kaklase ko din sya, Francisco Roy Magallanes ang real name nya, gwapo sya pero hindi ko sya gusto na maging jowa,kumbaga walang talo talo,iisang tao lang naman ang nakapukaw ng atensyon at puso ko.

Si Ian Paul Montenegro, College Graduate na sya,gwapo,magaling kumanta,mabaet, all in all package, pero wala syang hilig sa bading. I mean,yup mabaet sya sa mga gaya ko,kay kuya Yuweh, pero hindi sya pumapatol,saka matanda sya sa akin ng anim na taon.

Grade 6 ako at first year college sya ng makilala ko sya,simula noon,minahal ko na sya ng palihim.

Ay,sya nga pala,ako si Page Riley Icban, first year college na sa isang kilalang university dito samin,Im taking up Nursing with Koy. Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan pangalan ko, ewan ko kay Mom and Dad, pero nung nag research ako eh pang Unisex naman pala ang name na page.

Hilig ko din ang kumanta, may mga kaibhgan din naman ako no? Sina Pierre,Kyme,Luwi at si Koy nga.

Ang mga parents ko eh bumalik sa pagiging workaholic mula nung mamatay ang kuya ko,si kuya Venn. Nakalimutan ata nila na may isa pa silang anak :/

Buti na lang talaga nakilala ko sina kuya Yuweh at kuya Argel.

"Hoy! Aba! Malala na yan" pukaw ulit sa akin ni Koy, ang layo na pala ng nilipad ng isip ko.

"Pasensya na best,ang dami ko lang talaga iniisip" pagkuway sagot ko, lunch break na kasi pero hindi kami bumaba sa canteen. Tinatamad kasi kami.

"Ayos lang yon,mukhang nililipad na naman ang isip mo papunta sa Ian na yon ah" sabi ni Koy,minsan talaga may pagka seloso tong bestfriend kong to,pero thankful ako na kahit ganito ako eh kinaibigan nya ako at naging bestfriend pa,nakilala ko sya grade 4 kami nun.

"Ang OA mo ah? Hindi lang din pa rin ako makapaniwala na ako yung kinuha nyang ka duet last week dun sa party" nakangiti kong sabi. Ang sarap kaya ng pakiramdam ko ng mga panahon na yon. Kung sino man ang dapat kaduet nya that time na nagkasakit,salamat sa kanya ^o^

"Haha lande mo! Maya ah? Tambay tayo" nasabi na lang ni Koy.

At dinala na naman ako sa nakaraan kung san una kaming nagkakilala ni Ian.

-----

6 Years Ago

-----

Nagmamadali na akong lumabas ng school, excited kasi ako, uuwi sina Mom at Dad galing sa bussiness trip,ayoko din malate baka mapagalitan ako ni kuya Venn.

Ang nakakainis lang,nagtatakbuhan ang ilang estudyante,mga walang paki sa paligid basta maka uwi lang?!

Sa sobrang takbuhan at tulakan nila ay tumalsik ako sa malaking kanal >_

At parang wala pa nakapansin sa akin! Hayst ang sakit ng balakang ko,ang baho ko na,ang dumi ko pa T.T

Nasan na ba si Koy? Ayoko maabutan ng driver namin na ganito itsura ko :/

"Okay ka lang boy?" napatingin ako sa nagsalita.

O_O

Lub.Dub.Lub.Dub.Lub.Dub

bumilis tibok ng puso ko. Shit!

"Ah eh,oo kuya,medyo masakit lang po balakang ko" nahihiya kong sagot. Shit lang teh,ang gwapo naman nito ni kuya at ang baet pa! My dreamboy ^_^

"Halika,tulungan na kita" at tinulungan na nga ako ni Kuya, at habang ginagawa nya yon ay mabilis kong pinapasadahan ng tingin ang kabuuan nya at nahagip ng matalas kong paningin ang kanyang ID.

Ian Paul Montenegro, first year college, Architecture.

"Salamat po kuya"

"No worries,kaso pano ka uuwi nyan? Ang dungis mo at amoy kanal ka na"

>_

ayos lang yon! Kasama naman kita hihi :'>

"uhm,hintayin ko na lang po driver ko" sabi ko na lang. Grabe,ang lakas ng impact nya sa akin. Pakiramdam ko parang bumabaliktad sikmura ko,nanginginig din ang kalamanan ko.

"Ganon ba? O sige pano,alis na ako, ingat" aniya at nagpaalam na saka umalis.

Hayst! Alam ko na ngayon! Tanggap ko na! Hindi na ako mahihiyang umamin sa gender ko.

Huwag ka mag alala Ian,magkikita pa tayo ^o^

"Hoy! Kanina ka pa best ah? Ngayon pangiti ngiti ka pa, tara na sa next subject" sabi ni Koy at parang dun lang ako bumalik sa kasalukuyan.

"Sige tara na" naka ngiti kong sabi at umalis na kami para pumunta sa next subject.

AN ~ HELLO Guys! Its Maundy Thursday! Musta kayo?

COMMENTS VOTES are very much Welcome :)))

PIC NGA PALA NI IAN OH :P

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now