Love.12 > KOY : The other side

5K 138 5
                                    

KOY's Point of view

(by Popular demand)

I died last night :(

Joke! Seriously, hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman kagabi ng malaman kong si Page na at kuya Ian wala ako ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.

Kung hindi lang siguro ako naging duwag matagal ng naging akin ang bestfriend ko, but you cant blame me,mas iniisip ko ang pagkakaibigan namin at kung san kami magiging masaya kesa sa sarili kong kaligayahan.

Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Page,siguro nag start nung high school kami. At first akala ko pagmamahal bilang isang bestfriend lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, pero as time goes by,nag iba at lumalim.

Natakot ako dahil noon lang ako nakaranas ng ganon,ang magkagusto sa kapwa lalake.

Pero eventually tinanggap ko ang katotohanan at tinago ko ang nararamdaman ko sa kanya, I'd try to divert it sa pagkakaroon ng girlfriend,paiba iba. Kasi that time naisip ko na kontento na ako kung anong meron kami as long as andyan lang sya at hindi mawawala sa akin.

Im very much aware kung gano nya kamahal si Kuya Ian kahit grade six pa lang kami noon,noon pa lang din naman tanggap ko na sya kung ano sya.

Pero ang kagabe talaga ang parang dumurog sa puso ko at nagpira piraso sa pangarap ko.

At bilang isang kaibigan at bestfriend,dapat ko syang suportahan kung san sya masaya kahit gaano pa kasakit :(

Mas mainam na to kesa wala diba?

At ngayon wala pa din sya,malapit na magsimula ang first subject namin. Lagi naman syang ganyan,late o kaya naman nagmamadaling pumasok sa room makikipag unahan sa prof,mga gawain nya na mapapangiti ka talaga.

"Goodmorning Sir!" dinig kong boses. Tama nga ako,si Page na. Buti na lang dalawa lang subject namin pag saturday.

"As always Mr.Icban" naka ngising balik bati ni Sir Pagulayan,prof namin sa Filipino1.

"Ganun talaga sir! Atleast sabay tayo" maligalig pang sagot ni Page ng maka upo sa tabi ko, naghagikgikan naman mga classmates namin at nakangiting napapailing na lang si sir.

"Best,usap tayo maya ah?" baling nya sa akin,his eyes are glowing,halatang masaya ang bestfriend ko. Ngiti at tango lang ang sinagot ko at itinuon na ang atensyon sa paglelecture ni sir, pasensya na, grade consious din kasi ako.

Ng matapos ang first subject namin ay may 3hours vacant pa kame ni Page para sa next subject,pareho kami kase ng schedules and units,sinadya ko talaga yon para lagi ko sya makasama,dapat nga hindi nursing ang kukunin ko kundi Engineering din,pero dahil nursing sya at alam kong wala sya kasama,yun na din ang kinuha ko.

Dito kami sa icecream parlor,favorite nya to eh,buti nga hindi masyado naaapektuhan ang boses nya. Dito namin buburuhin ang 3hours vacant naming dalawa,mamaya pa kasi vacant nung tatlong ulupong (Kyme,Luwi,Pierre).

"Ang sarap talaga ng icecream best no?" masayang sabi ni Page sa akin habang dinidilaan ito.

Napakurap ako ng ilang beses. Shit! Im having a boner! Ano ba naiisip ko? Putakte naman! Agad kong ipinilig ang ulo ko. Bakit ngayon pa? Kasi naman iba yung paraan nya ng pagdila sa icecream,nakaka akit >_

"May problema ba best? Natulala at namumula ka na dyan"

"Ha? Namumula?" tanga kong sabi. Shit talaga! Ngayon lang nangyari to ah? Kailangan ko ng distraction para mawala tong kakaiba kong nararamdaman.

"Ah,ano kasi best mainit,tara mag mall na lang?" palusot ko.

"Mainit ba? Oh eto para malamigan ka" sabay pahid ng kaunting icecream sa ilong ko gamit ang daliri nya saka sya humagalpak ng tawa.

O_O

"Ang lamig sa ilong!!" bulalas ko at pinahidan din sya, hanggang sa nagpahiran na kami,panay kami halakhakan,yung ibang costumer nagtitinginan pa. But I dont mind, masaya ako eh,kontento na ako sa ganito.

"Ayan?! Ang lagkit na ng mga mukha natin!" reklamo nya at nag pout pa. Haha! Ang cute nya! Kaya siguro ako nahulog sa kanya.

Hoy! Kumag may boyfriend na yan!

For the first time kumontra ang kabilang bahagi ng aking isipan. Napabuntong hininga na lang ako ng hindi nya napapansin.

"Tara at maghilamos,ikaw naman kasi nauna best eh" natatawa kong sabi at tumayo na para tunguhin ang CR,sumunod naman sya.

Ng matapos makapag hilamos ay napag desisyunan naming sa campus na lang tumambay at ubusin ang natitira pa naming vacant time. Niyaya nya ako sa garden,sa likod ng school.

Maganda ang ambiance,nakaka relax, pareho kaming umupo sa damuhan at humarap sa ilog.

"Best..." tawag nya.

"Ano yon?" sagot ko ng hindi lumilingon sa kanya, nararamdaman kong may sasabihin sya,kaya biglang bumilis ang pagtahip ng puso ko.

"Sorry kung hindi ko matugunan ang pagmamahal mo ah? Sorry talaga naging insensitive ako,alam mo namang isang tao lang ang mahal ko" mahina nyang sabi pero sapat na para madinig ko,hindi ako lumingon,pero sa aking peripheral vision kita kong nagpapahid sya ng luha.

Dun hindi na ako nakatiis at niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.

"Huwag kang mag sorry at huwag kang umiyak best,wala ka kasalanan,diba nga hindi mo alam? Saka wag ka mag alala,ayos lang ako hanggat nakikita at nakakasama kita ayos na ako dun" sabi ko habang hinahagod ko ang likuran nya. Ang sarap sa pakiramdam na yakap mo at nasa kamay mo ang taong mahal mo. Kahit panandalian man lang madama ko ang yakap nya.

Nakayakap din sya sa akin habang patuloy na humihikbi.

"Sorry best ah? Basta bestfriend pa din tayo,kahit anong mangyari, wag mo ako iiwanan ah?" parang batang sabi nya. Napangiti na lang ako,napaka fragile nya talaga.

"Sshh! I wont,promise yan,tumigil ka na,napaka cry baby mo! Sige ka magagalit si kuya Venn! Mumultuhin ka nun,hihilahin nun paa mo" sabi ko pa.

O_O

At bigla nya ako kinurugan.

"Aray!"

"Tarantado ka! Umiiyak na nga yung tao mananakot ka pa!" singhal nya sa akin,tumawa na lang ako. Atleast now,malinaw na sa aming dalawa ang lahat, wala na akong iisipin at dadalhing mabigat sa dibdib.

"Tara na! Malapit na pala mag start second subject natin" aya ko sa kanya at sabay na kaming tumayo at nilisan ang garden.

AN ~ Mustasa kalabasa? Haha! Sinubukan ko to pahabain pero hindi kinaya ng utak ko haha! Pagtyagaan nyo na :)

VOTES/COMMENTS?! Gowra na teh! XD

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now