Love.7 >At P2 Restaurant!

5K 156 11
                                    

Ewan anu nangyari kay watty at nawala ung unang chapter7, eto na lang po,iREPOST ko =)

---

Page's Point of view

Laking pasalamat namin at hindi traffic nung pauwi na kami. Dapat sa Resto bar nila kuya Argel kami pupunta pero closed daw sila ngayon para advanced rest day ng mga employee, may ganun ba? O_O

Dahil mas mauuna daw namin daanan yung resto ng kakilala nila eh doon na lang daw kami,hindi na ako nagbigay ng kumento kasi nagugutom na talaga din ako =__=

Ng tumigil kami sa tapat ng isang restaurant ay namangha naman ako,binasa ako ang pangalan.

P2 RESTAURANT

Taraay!! Mukhang susyalin dito ah? Pasensya na kayo,kahit naman kase may kaya kami ay hindi pa ako nakakapunta sa mga ganito,diba nga I have a busy parents,at kung kakain kami sa labas eh sa mga KFC,Jollibee or Mcdo lang dahil nga yun ang gusto namin ni kuya Venn.

Ng pumasok kami ay agad kaming sinalubong ng isang lalaki,hindi sya mukhang waiter. Pero gwapo at pamilyar sa akin.

"Yuwe,Argel at Ian akala ko hindi kayo sisipot. Kung bakit kasi hindi pa kayo nagpareserve nung tumawag kayo?" anito.

"May sinigurado lang kami kanino bro" sagot ni kuya Argel.

"May bakante pa ba Enzo?" sabi naman ni Kuya Yuweh. Ayun! Tanda ko na,sya yung nasa party din!

"Oo meron,this way" sagot nito at iginiya kami sa isang magandang table for four at maganda din ang pwesto.

"Maiwan ko muna kayo at kukunin ko yung order nyo" anito at umalis na.

"Mautak din talaga kayong mag asawa ano?" pagkuway sabi ni Ian ng makaupo kami.

"Ganun talaga bro,ayaw namin ni Wifey na ma anticipate mo ang magaganap" nakakalokong sagot ni kuya Argel. So it really means planado talaga nilang ibalik kung ano kami ni Ian noon? Eh wala pa nga ako sinasabi sa kanila. Mga mind reader ata mga to.

Tahimik lang akong nakikinig sa asaran nilang tatlo,diba nga bawal makisali sa usapan ng matatanda, Im just 17 at sila naman nasa 21 to 23 na haha!

"Uy day!" napatingin ako sa nagsalita,kilala ko yun pag ganun magsalita.

O_O

"Uy kyojie at Barbie!" nakangiti kong bati.

"Nice seeing you here" nakangiting sabi ni Kyojie.

"Hehe oo,dito kami magdinner,ay sya nga pala, Kyojie,Barbie, sila nga pala sina Kuya Ian,kuya Yuweh at kuya Argel" nakipagkamay naman sila sa bawat isa.

"Kagwapa nimong bayot day" giliw na sabi ni Barbie kay Kuya Yuweh, haha! Kung ano man yon wala ako alam, lakas trip din to eh pwede naman mag english.

"Ha?"

"Sabi ni Barbz magandang gay ka daw" sabi ni Kyojie ang dakilang translator.

"Syempre! Asawa ko eh" pagmamayabang ni kuya Argel

"Wow! Bana nimo?! Cute!" sabi ni Barbie.

"Wow! Youre a couple? Thats great!" sabi pa ni Kyojie.

"Teka Kyojie ah,japanese ka?" biglang tanong ni kuya Yuweh.

"Yup half,and my girlfriend is a cebuana" sagot nito.

"Maganda sya,mukhang maniquin" sabi ni kuya Yuweh,on which I agree,ang ganda nga ni Barbie parang buhay na manequin!

"Salamat"ani kyojie tapos bumaling sakin "Boyfriend mo Page?" anito na ang tinutukoy ay si Ian. Namula agad ako alam ko! Si Ian naman parang nasamid na ewan.

"Hindi pa! Pero malapit na" nakangising sagot ni Kuya Argel. Bakit ba hindi ako pagsalitain nila? >_

"Nice! O sige,nice meeting you po and nice seeing you again Page,kita kits na lang sa school" ani Kyojie at magalang silang umalis.

Ramdam ko pa din ang pamumula ko,pakiramdam ko uminit ang buong paligid kahit centralized ang aircon dito.

Maya maya pa ay dumating na ang order namin. Masaya kaming kumain at nagkwentuhan na para bang matagal na talagang magkakatropa. Hindi ko alam ang kwento kung bakit naging kaclose ni Ian sina kuya Argel pero pinagpapasalamat ko at nangyari yon.

"Page can I ask you a question?" maya maya ay tanong ni kuya Yuweh sa gitna ng pagkain namin.

"Sure! Ano po yon?" masigla ko pang sagot.

"This guy Koy,is he courting you?"

Nabilaukan ako! Aaaarrrkkk! >_

"Oh tubig" salubong ang kilay ni Ian ng mag abot ng baso ng tubig.

"Po? Hindi po, tropa yon,bestfriend ko at ka bandmate if ever" sagot ko ng makabawi sa pagka bigla.

"Ah wala naman,nagulat lang kami ni Hubby tumawag saken,dapat hindi ko sasagutin dahil unregistered number lang, grabe sya mag alala ah?" sagot ni kuya Yuweh.

Panong nakuha ni Koy number ni kuya Yuweh?

"Ganon po talaga yon kahit noon pa,pero wala po yon gusto sa akin,pa iba iba nga girlfriend nun eh" sabi ko pa para mas maniwala sila. Bakit naman kasi inisip nila na manliligaw ko ang bestfriend ko? Eh ako nga hindi ko yon naiisip?.

"Hindi sya pwedeng manligaw kay Page,wala pa si Page sa tamang edad at kay Page na nanggaling na paiba iba girlfriend nun kaya lalong hindi sya pwede manligaw kay Page" seryosong sabi ni Ian. Lumakas kabog ng dibdib ko dahil dun. May iba akong naramdaman.

"Ah..Thats why, so hindi mo din pwede ligawan si Page if ever?" si kuya Argel ang nagsalita na naka ngisi. Grabe! Sana man lang kinonsider nilang kasama nila ako diba?

"What? Are you crazy? Hindi ko gagawin yon, kapatid ang turing ko kay Page mula noon hanggang ngayon" iritang sagot ni Ian.

ARAY! T.T =(

Alam ko naman yon eh,pero sana huwag na ipamukha,yung kaninang saya ko naglaho,biglang na drain,kaya tumungo ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Parang malalaglag na kasi ang luha ko.

Ang sakit naman manampal ng katotohanan! :(

"Okay bro,sabi mo eh"

Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain. Ako naman todo pigil na mapaiyak. Ayoko ipakita sa kanila na naapektuhan ako at ang higit pa dun, na nasaktan ako.

Napaka ganda naman ng araw na to,masaya biglang masakit. Dapat hindi na ako nag assume na okay na talaga ang lahat eh.

AN ~ Musta ang lahat? COMMENTS and VOTES po sa may gusto :)

Love Takes Time (first half finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon