Love.14 > A Night To Remember!

4.9K 136 5
                                    

Page's Pov

GIRLFRIEND?! Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig na may kasamang yelo sa nadinig ko. But ofcourse dapat ipakita kong hindi ako apektado kahit pa parang kinukurot kurot na ang puso ko, I dont want to jump into conclusion din muna hanggat hindi ko mismo nadidinig mula kay Ian.

"Ganun ba Maam? Hintayin nyo na lang po matapos ang first set nila" buong pagtitimpi ko pang sabi,tinaasan na naman ako nito ng kilay.

Aba't impakta to?!

"Empleyado ka dito diba? Hindi ba pwedeng lapitan mo sya? At sabihing hinahanap ko sya?" sabi pa nito. Nako! Kung hindi lang masamang pumatol sa nakatatanda tinadyakan ko na ang mangkukulam na to palabas ng Chansu! Urgh! Lakas maka inis eh!

"Nako Maam,hintayin na lng po natin sya" mapag pasensya kong sabi. Konti na lang papatulan ko na yan. I cant believe na natiis ni Ian ang ganyang pag-uugali kung totoo mang naging GIRLFRIEND nya yan.

Maya maya pa dumating na sina kuya Yuweh at kuya Argel kasama si Kuya Kymn pati yung cashier at barista mula sa office,at ako umeskapo na,hindi ko na tinapunan ng tingin yung babae baka masakal ko lang sya, sakto naman na katatapos lang ng first set ng X-appeal kaya agad akong lumapit kay Ian.

"Pie! Namiss agad kita" salubong ni Ian sakin pagkababa nila ng stage,akmang hahalikan nya ako pero pinigilan ko.

"Bakit?" buong pagtataka nyang tanong. Gusto ko lang linawin din na hindi ako galit sa kanya, nadamay lang sya sa inis ko dun sa babae.

"wala naman,hinahanap ka ng girlfriend mo" malamig kong sabi sa kanya. Automatic na nagsalubong ang makakapal nyang kilay.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" hindi ko sya sinagot,bagkus tumingin ako sa bar counter na ikinatingin din nya. Ganun na lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nya.

Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at dumeretso na ako sa dressing room. Nakasalubong ko pa sina kuya Jawen,Marric,Phen at Stan,tinanguan at nginitian ko sila bilang pagbati at ganun din sila.

Pagpasok ko sa dressing room ay nagpeprepare na ang tropa.

"Anong nangyari best? Hindi maipinta mukha mo ah?" salubong sa akin ni Koy at umakbay. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi? Sa bandang huli ay pinili ko na lang manahimik.

"Wala naman best,bigla lang sumakit ang ulo ko" pagdadahilan ko at naupo,pinanood ko silang maghanda.

"may gamot ako dito para dyan" sabi ni Kyme habang hinahalungkat ang bag nya.

"Huwag na,mamaya mawawala na din ito" sabi ko pa. Ayaw ko uminum ng gamot noh? Hindi naman totoong masakit ang ulo ko. Baka pag ininum ko yon magkatotoong sumakit ang ulo ko.

"Okay" sabi ni Kyme.

"Ay sya nga pala,sino yung kausap mo sa bar counter" usisa pa ni Pierre.

"Wala yon,naliligaw,nagtanong lang" sabi ko na lang, napangiti na lang ako sa sinabi ko,sana nga maligaw sya! Hmp!

"Maganda sya ah?" - Luwi

"At sexy" - Pierre at Kyme.

"Ewan" sagot ko. Ayoko nga sumang ayon. Psh!

"Kayo talaga! Basta babae! Para kayong mga nababaliw" komento ni Koy.

"Sus! Parang sya hindi?" bara ni Pierre.

"Kaya nga! Kesa naman mabaliw kami sa lalaki" dagdag pa ni Kyme.

"Mga ulol! Tara na nga,para makapag simula na tayo" sabi na lang ni Koy at nagpatiuna ng lumabas sa dressing room.

Love Takes Time (first half finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon