Love.20 > Saved by Eiko!

4.3K 127 14
                                    

Page's Pov

Sunday na,ngayon na namin gagawin ang pag iimbistiga sa bubbles na yan! Dali dali kong tinawagan si Kooki kung okay na ba sya,at nandun na nga daw sya sa meeting place namin.

Habang bumibyahe ay naalala ko pa yung kagabi hanggang sa makauwi,pag uwi ko pa nga tinext ko agad si Ian at nagbakasakaling magreply sya,dalawang oras ko din hinintay ang reply nya pero wala talaga, kaya nag desisyon akong tawagan sya pero wala,cannot be reached na, dissapointed akong natulog.

"Ano teh? San tayo magsisimula?" salubong sa akin ni Kooki ng makarating ako sa meeting place namin.

"Sa bahay nila, sa isang subdivision nakatira ang mga Villamor" sagot ko sa kanya.

"OMGOSH! Villamor ba? Shit ka teh! Sobrang yaman ng mga yan! At ang panganay nilang anak na si Brayden ay isa sa pinaka gwapong bachelor dito sa atin! Lumalabas sya sa mga magazines! Crush ko nga yon eh!" dirediretso nitong sabi kaya kinurugan ko nga.

"ouch! Bakit ba?"

"ang lakas mo mag adik eh! Wala ako paki alam sa kapatid nya teh,ang prospect natin ay si Bubbles at kung anong baho ang itinatago nya,kaya tayo na!" sagot ko at hinila sya,pumara agad ako ng taxi at sinabi kung saan ang destinasyon namin.

Medyo malayo sa mansyon ng villamor kami nagpapark,hinintay namin na may lumabas,hindi nga nagtagal ay may lumabas na pink na kotse.

"Taray ng kotse! Pink! Malamang ang mangkukulam na si Bubbles na yan teh" sabi ni Kooki.

"Siguro nga, manong paki sundan ang pink na kotse na yon pero huwag kayong magpapahalata ah?"

"Sige po" sagot ng pobreng taxi driver. At sinundan nga namin ang kotse nito. Ng lumiko ito sa isang kanto ay bigla nawala sa paningin namin.

"Sir pasensya na po pero nawala sila bigla" kamot ulong paumanhin ng driver.

"Shit! San nagpunta yon?" frustrated ko pang sabi.

"Teh baka nakahalata?" nag aalalang sabi ni Kooki.

"Hindi pwede to.Manong salamat po,eto bayad,keep the change" agad kong iniabot ang 1 thousand dito at bumaba na kami ng taxi.

"Paano na to teh? Mautak talaga ang bruhilda na yon ah?" ani Kooki at nagpalingon lingon sa paligid.

"Kailangan may mapang laban ako sa kanya, uhm Kooki pasensya na at kailangan pa kita kaladkarin sa ganitong sitwasyon ah?" sagot ko naman sa kanya.

"Ano ka ba! Wala yon no? Gusto ko din naman to,kaibigan kita at handa ako tumulong" sagot nito. Napangiti naman ako, kahit kailan talaga napaka baet ng Diyos at binigyan ako ng mga tunay na kaibigan.

Nasa gitna kami ng pag uusap ni Kooki kung ano na susunod naming hakbang ngayong hindi na namin alam kung san nagpunta si Bubbles ng may tumigil na itim na Van sa amin,bumukas at may mga goons na lumabas.

"Shit!" halos sabay naming sabi ni Kooki,hinawakan ko kamay ni Kooki para hilahin sya pagtakbo pero masyadong mabilis kumilos ang mga goons at nahawakan agad kaming dalawa.

"Pakawalan nyo kami! Wala kaming kasalanan senyo!" sigaw ni Kooki habang pinapasok kami sa loob ng Van.

"Ang ingay mo bakla!" sagot ng isa at sinikmuraan si Kooki na namilipit ng ganap kaming maipasok sa loob.

"Mga walangya kayo! Anong kasalanan namin sa inyo?!" sigaw ko naman.

"Isa ka pa!" at ako naman ang sinikmuraan,nanigas ang tyan ko,para akong kinapos ng hangin.

Nagtawanan pa sila. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari,nilingon ko ang katabi kong si Kooki na pilit pumapalag dahil tinatalian kaming dalawa. Pagkatapos kaming talian ay piniringan kami.

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now