Love.6 > The Barrier is broken!

5.4K 155 9
                                    

Page's Point of view

Napabuntong hininga na lang ako ng tuluyan silang makalapit sa kotse, parang nagulat pa nga si Ian ng pagbukas nya ng pinto sa back seat ay nandun ako. Hindi ako kumibo,agad akong nag iwas ng tingin at sya naman ay tahimik na pumasok at tumabi sa akin.

Nako Kuya Yuweh at Kuya Argel! Planado nyo to! Pinagkita nyo kami ng hindi namin malalaman! >_<

"O guys,san nyo gusto mamasyal? Mukhang mas maganda kung mag EK tayo" nakangisi pang sabi ni Kuya Argel,nako.Kung hindi lang sya mas matanda sa akin baka nabatukan ko na sya.

"Tama hubby! Doon na lang tayo! Diba Page at Ian,? Enjoy pa!" magiliw na sabi ni kuya Yuweh.

Tahimik kaming dalawa ni Ian sa byahe,hindi ko alam kung anong iniisip nya,pero ako ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa simpleng pagkakatabi lang namin, pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga.

Kita ko pang nakangising tumitingin samin si kuya Argel sa pamamagitan ng rearview mirror, hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o magpapasalamat sa mag asawang to eh,ang lakas lang maka baliw >_<

Ng dumating kami sa Enchanted Kingdom ay nakaramdam ako ng excitement,ito ang first time kong pumunta dito,idagdag pa na kasama si Ian XD

"Oh Bro Ian at Page.Magkita na lang tayo dito mayang 8pm okay? Magsosolo muna kami ni wifey" nakakalokong sabi ni Kuya Argel.

"Humanda ka sa akin mamaya,ungas ka" sabi ni Ian. Nalungkot tuloy ako,pakiramdam ko talagang ayaw na nya akong makita at makasama.

"Haha! Sige na! Kita kits mamaya" at yun na nga,umalis na ang mag asawang magaling. Buti nakatiis sa kanila si Kuya Venn noon?

Nagpalinga linga ako sa paligid,nakaramdam kasi ako ng gutom. Gusto ko kumain. Sakto may nakita akong hotdog stand. Lalapit na sana ako ng magsalita si Ian.

"Hindi ka mabubusog dyan,tara" pasuplado pa nitong sabi at hinila ako. Pagdikit pa lang ng balat nya sa balat ko nakaramdam na ako ng kuryente,tulad dati nung bata pa ako.

Lihim akong napangiti at nagpahila na lang sa kanya. After four years ngayon lang ulit kami magkakasama ng ganito katagal. Kaya dapat sulitin ko na.

Dinala nya ako sa isang parang foodcourt na katabi ng isang ride. Madami na din ang kumakain.

"Anong gusto mo?" tanong nya na ng hindi tumitingin sa akin. Pangit ba ako?

"Uhm.. Gusto ko may kanin" nahihiya kong sagot.

"Okay,wait me here,umupo ka na baka maunahan pa tayo" sabi nya saka tumalikod. Parang batang sumunod ako at inoccupy yung pwesto.

Hindi pa umiinit ang pwet ko sa pagkaka upo ng mag ring cellphone ko,pagtingin ko si Koy ang tumatawag,agad kong sinagot.

"Oh best bakit?" bungad ko.

"Nasan ka?"

"Sa Enchanted Kingdom, ay! Nga pala,wag na tayo sa Lafamilia bar mag apply,nakahanap na ako ng a-applyan natin,so be ready tom" sabi ko.

"Kasama mo si Ian no? Psh! Anyways tumawag lang ako para alamin kung okay ka lang. At sige sabihan ko yung tatlo."

"How did you know?" taka kong tanong,ang galing naman nito,lakas ng pakiramdam.

"Sa tunog ng boses mo, O sige bye" agad nitong in-end ang call hindi pa man ako nakakapag salita. Tsk,habang tumatagal lalo nagiging moody si best.

Sakto naman dumating si Ian dala ang pagkaen namin,sya pa talaga ang naglagay at ayos ng pagkain ko sa harap ko. Kinilig ako at napangiti.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" sita nito. Hayst ang sungit talaga.

Love Takes Time (first half finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon