Love.2 > The Band!

7.4K 179 11
                                    

dedic tong chapt na toh sa isa sa fav author ko dto,c Aizhey :)

--

Page's POV

Ang tambay na sinasabi ng bestfriend kong si Koy ay ang tumugtog. Diba nga hilig ko kumanta? Ganun din ang tropa. Balak nga nila gawing permanente ang banda.

"Page ikaw na lang kase at si Koy ang vocalist para masimulan na naten ang banda" ani Luwi. Gwapo din ito at sya ang bass guitarist, did I mention na puro lalake ang tropa ko? Ako lang ang bulaklak! ^o^

"Oo nga! Nalibang na tayo,nakapag pasaya na tayo,kikita pa tayo oh diba?" segunda ni Kyme,ang pinaka matinik sa chix, sya naman ang sa organ.

"Pag iisipan, ipapaalam ko pa kina Mom and Dad" sagot ko,at wish ko lang na makausap ko nga sila dahil sa hectic schedule nila.

"Nako,para namang lagi nandito sina Tito at tita,mula ng mawala si Kuya Venn para na silang nakalimot" sabi ni Koy. Napabuntong hininga na lang ako. Hanggat maaari sana ayaw ko magtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko. Sana lang talaga buhay pa si Kuya Venn :(

Alam ko namang dahil din sa pagiging bakla ko kaya parang aloof sakin ang parents ko,akala ko okay na sa kanila yun dahil sabi nila tanggap nila ako,pero bakit ganun? Si kuya Venn lang ba ang anak nila?

"Huwag nyo nga pinapalungkot yang si Page" singit ni Pierre sa usapan,sya naman ang drummer.

"Huwag na malungkot best,tara,kaen tayo icecream! My treat!" pambawi ni Koy, nga pala vocalist din at lead guitar sya.

"Hindi pa nga tayo tapos sa banda brad eh! Ang labo mo!" angal ni Luwi.

"Marami pang panahon para dyan mga ungas, napalungkot ko si best kaya babawi ako" nakangiting sabi ni Koy kaya napangiti din ako. Alam na alam talaga nya kung paano babawi.

"Sige na nga! Basta kasama kami ah?" ani Luwi.

"Nako lang talaga tong si Koy,parang babasagin kung alagaan si Page,kung hindi ka lang talaga babaero,isipin namin may gusto ka kay Page" komento ni Pierre,at binato sya ni Koy ng plastic ng chichirya.

"Gago! Bestfriend kame alam nyo yan" natatawang sabi nya at umakbay sakin "tara na best,iwanan natin mga ulupong na yan" baling nya sa akin.

"Sabagay,dyan nagsisimula ang lahat,grade 4 pa lang bestfriend na kayo, pahabain mo nga lang buhok ni Page ay babaeng babae na" buska naman ni Kyme. Napapailing na lang ako eh,ganyan sila,pero sanay ako at hindi kailanman naasar sa mga biruan nila dahil yung kabilang side nila eh maaalahanin,tinanggap at minahal din nila ako kung ano ako at nirerespeto, yun ang mahalaga sa akin.

-----

"Ano na naman yan bunso? Sino yan?" nagulat ako kaya hindi ko na close ang facebook ko,tinitingnan ko pa naman ang profile at mga pictures ni Ian,kung bakit kasi hindi ko nilock ang pinto.

"Ano kase kuya, uhm.. Kuwan.." nahihirapan kong sagot, nakakatakot kasi si kuya Venn lalo na pag nagalit.

"Bakit picture ng lalaki bunso?" ani kuya at umupo sa tabi ko,hindi agad ako nakasagot dahil nahihiya ako, dapat na ba akong umamin o huwag mo na?

"Bakla ka ba bunso?" seryosong tanong ni kuya,kumalabog ang dibdib ko, pinagpawisan ako ng malamig.

"Bunso, tanggap kita kung ano ka man, ang sa akin lang,huwag naman sana agad agad,kita mo grade 6 ka pa lang"

"Sorry po kuya" nakatungo kong sabi. Naramdaman kong niyakap ako ni kuya.

"Naiintindihan kita bunso,ang gusto lang ni kuya,huwag ka muna mag boyfriend, grade 6 ka palang lumalandi ka na,ayoko maaga ka mabuntis!"

"Kuya naman eh!" maktol ko saka sya tumawa ng malakas. Ang lakas kasi talaga mang alaska ni Kuya,minsan yon ang dahilan ng pag aaway namin,pero hindi matatapos ang araw ng hindi nya ako sinusuyo.

"Joke lang! Dalaginding ka na talaga hahaha! Joke ulit, tara,nakahanda na ang dinner" at sabay pa kaming tumawa.

Isang beses dahil sa hindi na ako makuntento sa patingin tingin lang sa pictures ni Ian sa facebook ay tinakasan ko si Koy nung uwian. Gusto ko kasi puntahan si Ian sa school nya at gusto ko din malaman ang bahay nya. Ganun na ako ka praning sa kanya!

Obssessed? Stalker? Bahala na kayo mag label,basta ang alam ko,sa mura kong edad ay nagmamahal na ako. At si Ian iyon! ^___^

Hindi ko ininda ang byahe,nagtext pa nga ako sa driver namin na huwag na ako sunduin. Nakarating ako sa school ni Ian.

Starville University.

Sa tapat ng gate ng University ay may coffee shop pumasok ako dun pero hindi ako umorder,wala akong balak magkape sa ganitong kainit na panahon.

Pumwesto ako sa agad ko syang makikita. Ang problema ko lang, pano kung naka kotse sya? Edi plakda lang yung effort ko?

Maya maya pa ay nakita ko syang palabas ng campus. Yes! Wala syang dalang kotse! Napapalakpak talaga ang tenga ko at nagtatalon ang puso ko, sobra akong kinikilig,lalabas na sana ako pero napaurong ako ng makita kong papunta sya sa direksyon ko.

O_O

Gulp. Gulp. Gulp

Sunod sunod ang paglunok ko ng laway. Nataranta ako. Hala! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko kung bakit ako nandito? Lord help me!

-----

"As I was saying, dun nga tayo mag start, subukan natin mag apply,baka nandun ang swerte natin" boses ni Pierre na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan, nandito na kami sa Icecream Parlor.

"Ha? Ano na nga yon?" singit ko sa usapan.

"Nasan ba ang kaluluwa mo Page? Ayoko na ulitin yong mga sinabi ko,aksaya sa laway" reklamo ni Pierre.

"Haha! Sorry na kase, ano nga yon?" sabi ko pa.

"Pero alam nyo napaisip ako baka mawala din kase pag nagtagal, lalo na sa kurso natin ang bigat, madami tayo mga thesis at kung anu-ano pa,its hard to find time para maisingit yan" sabi ni Koy.

"May punto sya dre" sang ayon ni Luwi.

"Kaya nga may tinatawag na time management mga brad" ani Pierre saka tumingin sakin "at sis" dagdag nya. Sinipa ko nga paa nya sa ilalim ng lamesa.

"Nagsisimula ka na naman Pierre ah! Titiklupin na kita sa syamnaput walo!" sabi kong ganyan at nagtawanan sila.

"haha! So eto na nga,kung okay satin ang sched ng pag aapplayan natin ay go na agad tayo, pero pag hindi, saka na tayo magbanda o humanap ng ibang bar" ani Pierre.

"Eh san bang Bar naisip mo mag apply?" tanong ko.

"Sa Lafamilia Bar" sagot nilang apat.

AN ~ Magandang hapon! Pasensya na kung maikli pa muna, marami pa namang bakanteng Chapters ang dadating eh :)

PIC NI KOY --> kng pc user ka.

|

|

v

kung mobile user ka.

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now