Love.23 > Little Angel

4.2K 121 10
                                    

Page's POV

"Ano na teh? Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Kooki habang hinihintay ulit namin si Bubbles na lumabas sa mansyon nila,this time hindi na kami magpapahala pa. Mahirap na baka maulit yung nangyari dati.

"Oo naman,kailangan na natin masundan ang babaeng yan,ayaw ko na din tumagal ang lahat" sagot ko. Maya maya may pumaradang taxi sa tapat ng gate at ilang saglit pa lumabas na nga mula sa gate ng mansyon ang si Bubbles at sumakay sa taxi.

Aba? Bago to ah? Hindi nya gamit ang sasakyan nya,himala!

Pinasunod namin ang Taxi driver dito sa paraang hindi mahahalata. And salamat nga dahil mukhang hindi nakahalata si Bubbles. Ilang saglit pa tumigil ito sa parking lot ng isang kilalang Mall,agad kaming bumaba at nagbayad kay Manong Taxi driver at palihim na sinundan ang pagpasok ni Bubbles sa Mall.

Nakakapagod din sundan ang babaeng yon, shopping monster! Lahat ata ng makitang botique ay pinapasok at tuwing lalabas eh may nabili na sya.

Napaka arte at gastadora pala nito? Tss! Ng siguro matapos at mapagod ito ay sinundan pa din naman sya hanggang ground floor,sa may fountain at mukhang may kausap.

"Teh tara! Sugurin na natin para makaganti na tayo sa demonyitang yan!" nanggigil na sabi ni Kooki at hinila ako palapit kay Bubbles.

"Excuse me" kalabit ni Kooki sa nakatalikod na si Bubbles,medyo kinabahan ako. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito. At ng humarap sa amin si Bubbles ay saglit itong nagulat ngunit nagtaas din agad ng kilay.

"Ikaw si Bubbles Villamor diba? May tanong lang sana kami nitong kaibigan ko na inagawan mo ng boyfriend" parang kalmado pang sabi ni Kooki,hindi ako maka imik,napalunok ako ng sariling laway ng ismiran ako ni Bubbles.

"Silence means Yes,so ikaw yung nag utos sa mga lalaking yon na babuyin kami?" medyo nag iba na ang timbre ng boses ni Kooki,hinawakan ko braso nya at hinila sya pero nagmatigas lang sya.

Tulad kanina parang nagulat si Bubbles pero saglit lang yon dahil ngumisi ito ng ngising demonyo. Lalo lumakas kabog ng dibdib ko. Gusto ko sya komprontahin pero hindi sa ganitong paraan at sa ganitong lugar.

"Bakit? Hindi nyo ba nagustuhan? Aba palay na nga lumapit sa manok, nagpasalamat man lang kayo sana" nang uuyam na sabi nito.

"Napaka sama mo!" hindi ko mapigilang ibulyaw,nagtinginan na ang mga tao.

"I know,huwag mo akong masyadong pinupuri,may tendency kasi na lumaki ulo ko" sabi pa nito.

"Wow! How thoughtful of you?thank you ha?" ani Kooki sabay hila sa braso ni Bubbles at buong lakas na tinulak ito sa fountain.

Napahiga talaga ito at parang nakainom pa ng tubig at uubo ubong bumangon,basang basa ang bruha.

"Kooki!" nabigla ko ding sabi.

"Kulang pa yan!" sabi ni Kooki.

"Anong ginawa nyo?" napatingin kami ni Kooki sa nagsalita.

Si Ian,humahangos,agad nitong tinulungan si Bubbles.

"Masasama ugali ng mga baklang yan! Ikaw bakla pagsisisihan mo to! Lalo ka na Page! Sinagad mo na ang pasensya ko!" galit na galit na sabi ni Bubbles

"Lumaban ka ng patas! Huwag kang gumamit ng pera at tauhan! Hindi kita aatrasan" sabi ko. Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yon. Basta hindi pwedeng hindi ako lalaban.

"Hoy Bubbles! Para sabihin ko sayo,mayaman din kami,kayang kaya ka namin kasuhan at ipakulong,may mga ebidensya kami at ikinanta ka ng isa mong tauhan! Ubusan na lang ng pera at tingnan natin kung hindi ka din pilahan sa kulungan!" dagdag pa ni Kooki,medyo napangiti ako sa pananakot nya kahit gawa gawa lang nya,at mukha namang effective dahil mukhang namutla si Bubbles.

Love Takes Time (first half finished)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu