Love.11 > The wait is Over!

5K 161 12
                                    

Page's Point of view

Gulat,pagtataka at pagkabigla.

Yan nararamdaman ko ngayon habang yakap ako ni Ian.

"kuya?"

"Page,I said please be mine forever" ulit nya sa sinabi nya kanina,pero ngayon iniharap na nya ako sa kanya.

"Kuya?" naguguluhan kong tugon, I know nakatingin sila samin, sina Luwi,Pierre,Kyme at si Koy na blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Lets talk privately" ani Ian,hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at inintertwined nya sa kanan nyang kamay at hinila ako palabas sa resto bar,ang bilis ng kabog ng dibdib ko,ng mapadaan kami sa bar counter nag thumbs up pa sina Kuya Argel at Kuya Yuweh >_

Finally nasa labas na kami at muli nya akong hinarap,ang mga mata nangungusap. Ewan pero parang ang saya ko bigla.

"Page mahal kita, hindi ko alam pano at kailan nagsimula basta mahal kita,wala na ako pakialam sa sasabihin ng mga tao regarding my gender,wala na din ako paki alam kung mas matanda ako sayo ng anim na taon,basta ang tanging alam ko lang mahal kita,mahal na mahal at handa ko itong panindigan at ipaglaban. Sana pwede pa.. Page.. Mahal mo pa din ba ako?" ani Ian.

Tears started falling down from my eyes. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Ang taong mahal ko at minahal ko ng ilang taon ay mahal na din ako? This is so much. Parang sasabog ang puso ko sa sayang nararamdaman but I cant help but cry, tears of joy.

"Please dont cry" ani Ian while gently whiping my tears.

"Oo" sagot ko sa pagitan ng pag hikbi. Im such a cry baby.

"Anong Oo? You mean? Mahal mo pa din ako?"

Tango lang ang sagot ko. Nagliwanag ang gwapo nyang mukha at nagningning ang magaganda nyang mata then he hugged me.

"Maraming salamat, Does this mean na akin kana?" sabi ni Ian sa pagitan ng mahigpit nyang pagkakayakap. Ramdam ko ang pagmamahal sa yakap nya and so I hugged him back.

"Oo kuya" nahihiya kong sabi.

Kumalas sya sa pagkakayakap at salubong ang kilay na hinarap ako.

"Anong kuya? Mag on na tayo,akin ka na,so please wag mo na ako tawaging ganyan!" maktol nya. Napatawa ako,ngayon ko lang sya nakitang umakto ng ganun,parang pakiramdam ko tuloy ka edad ko lang sya.

"Eh ano ba dapat?" nakangiti kong tugon. Im sorry,I cant help but smile,ang saya saya ko eh, after how many years of waiting,finally,mahal na din ako ng taong mahal ko, what more can I wish for?

"Hmmmn... Edi 'Pie' na lang tawagan natin, short for Honeypie" parang bata pa nyang sabi. Ang kyuuutt nya! ^_^

"Pie?" sabi ko na kunwari ay pinag iisipan kung sasang ayon at hindi.

"Oo pie!" desidido nyang sabi. At dahil gusto ko nakikita ang ganyan nyang side,hindi naman siguro masamang inisin sya kahit konti.

"Parang ano eh... Hmmn..Parang.." pabitin ko pang sabi,kita ko namang nagsalubong na ang makakapal nyang kilay.

"Aish! Huwag na kumontra! Mas matanda ako sayo kaya bawal ka sumalungat! Lika na nga sa loob!" parang batang inis na sabi nya at hinila na ulit ako papasok sa loob. Hindi na ako nakapagpigil at humagalpak na ako ng tawa.

Bigla sya tumigil sa paglakad kaya napatigil din ako sa pagtawa.

"bakit?" taka kong tanong.

"Ang lakas mo mang inis na bata ka!" sabi nya at bigla ako hinalikan sa labi. Sa ikalawang pagkakataon ngayong gabi nagulat ako at hindi nakakibo. He was kissing me aggressively,hindi ako marunong kaya ginaya ko na lang ang bawat pag galaw ng labi at dila nya. Mula sa halik na agresibo ay naging malumanay at mapagmahal ang halik

para akong may mga naririnig na bell na tumutunog kasabay ng pag tibok ng puso ko.

Ito ang ikalawang halik mula sa kanya pero ito ang pinakamasarap,parang binubuhat ako at dinadala sa mga ulap.Kakaiba pala talaga pag mahal mo ang kahalikan mo. We were kissing for about How long I dont know how.

At ng maghiwalay ang aming mga labi kapwa kami habol ang hininga, I think it was the best 2 to 3 minutes of my life. Tinitigan ko si Ian, nakatingin sya sa akin at nakangisi.

"That was intense Pie! Halik lang pala makakapag patahimik sayo? Pwede isa pa?" aniya.

O_O

What the?? Lakas mang inis ng isang to ah?! Alam kong agad ako namula nung sinabi nya yon kaya tinalikuran ko sya at agad pumasok sa loob,ramdam ko namang sumunod sya na tumatawa tawa pa.

Pag pasok namin sa loob ay naabutan naming nagsasalita sa stage si Kuya Yuweh.

"We need waiter's and waitress here guys,kahit mga sampu lang, para sa mga nangangailangan at gusto lang ng experience at walang magawa sa buhay, 17 to 25 years old and you can submit your biodata or resume tomorrow 3pm to 5pm" nakangiting sabi ni kuya Yuweh.

Wow! Mukhang mas sasaya ang resto bar na ito ah?

"And May I add,bukod sa dalawang nag gagalingan at nag gagwapuhan nating bandang X-Appeal at Xtream,kailangan din po namin ng Comedien, ! Boy, ! Girl, at 1 Beki, if you think you have the guts, you can submit your application form tomorrow at the same time 3pm to 5pm,thats all and be ready for the 2nd set of X-appeal band" dagdag ni Kuya Argel at bumaba na sila sa stage.

What a bright idea! Pihido mas dudumugin itong resto bar dahil dun.

Pinag intertwined ulit ni Ian ang mga kamay namin at sinalubong ang mag asawa. Hinanap naman ng mata ko ang tropa. There they are, kausap ang banda ni Ian at mga nagtatawanan pa. Its a great thing na makaka buo kami ng magandang bond dito,pero napansin kong parang lutang si Koy?

Ayaw ko man aminin pero parang alam ko na ang dahilan, I really need to talk to him na talaga.

"Define holding hands?" bati ni kuya Yuweh,hindi pa din ako sanay na makipag biruan sa mga ka edad nya.

"Kasi kami na" maangas pang sabi ni Ian at itinaas sa ere ang magkahawak naming mga kamay. Nahihiya ako! Hindi ako sanay sa mga ganito. =__=

"Yabang dude! Pero congrats! Buti natauhan ka agad bago ka maunahan" natatawang sabi ni kuya Argel at nag apir pa ang dalawa.

"Ganon talaga,ang galing nyo mangonsensya eh!" sabi pa ni Ian at tumawa silang tatlo.

Maybe kailangan ko ng masanay sa mga ganito,lalo na at ramdam kong desidido ang mokong na to.

"So, I think this calls for a celebration then" sabi pa ni kuya Yuweh.

"Tama! Saglit tawagin ko mga banda Wifey" ani kuya Argel at umalis.

This is it. Its official,kami na ni Ian,ang lalaking minahal at pinangarap ko mula Grade6. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa mga bagay na maaaring maganap sa hinaharap. But for the meantime,dadamhin ko muna ang saya at kaligayahang dulot nito sa akin.

AN ~ TENENEN! Musta? Pasensya,late ang posting,alam nyo naman nagkasakit panandalian at ngaun,may nangyari pang hndi maganda :/

Maraming salamat po sa mga votes and comments pati sa mga nagpopost sa message board ko ^^,)

COMMENTS and VOTES are highly appreciated =)

Love Takes Time (first half finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon