Love.18 > The Break Up!

4.1K 126 16
                                    

Page's Pov

Matapos may mangyari sa amin ni Koy ay saka dun lang nag sink in sa akin ang lahat.

God! What have I done? Nababaliw na ba ako? Siguro nga,dahil ang mga ginawa ko ay hindi gawain ng may normal na pag iisip.

Tiningnan ko ang oras, its already 5:30pm, kailangan pa namin pumunta sa Chansu. Maingat akong umalis sa kama at nagbihis.

"Aalis ka na best?" bahagya pa akong nagulat sa nagsalita. Pinilit kong maging normal at casual,yun bang parang walang nangyari.

"Oo,maliligo pa ako ulit then pupunta na sa Chansu, ikaw wala ka ba balak? Anong oras na oh?" sagot ko at inayos na ang sarili.

Gusto ko maligo,gusto ko malinis ako pag nagkita kami ni Ian. Sobrang mali ang ginawa ko. Napaka bobo ko talaga.

Bago ako lumabas ng kwarto ni Koy ay tinawag nya ako.

"Best,yung tungkol sa nangyari--" ngunit agad ko itong pinutol.

"Im sorry best,pero ayoko muna yan pag usapan" sabi ko, bumuntong hininga sya ng malalim at saka ako lumabas.

Alam kong nasasaktan ko ang bestfriend ko at kasalanan ko ito,ano ba kasi ang nangyayari sa akin?

Ng makarating sa bahay ay agad din akong naligo at nagbihis,nagpahatid na ako sa driver namin. Nagtataka lang ako at wala din si kuya Kymn sa bahay, baka nasa mga barkada siguro nila nina kuya Argel at kuya Yuweh.

6:47 sakto ng dumating ako sa Chansu, tulad dati madami na agad mga tao.,agad na akong dumiretso sa dressing room,nandun na ang tropa at naghahanda,ako naman pagkatapos ilapag ang gamit sa isang upuan ay muling lumabas,ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Koy.

Pagkalabas ko sa dressing room ay sakto nakasalubong ko si Kyoji,bitbit ang mga pinagkainan ng costumer.

"Kyoji! Yung favorite ko ah? Pakidala sa dressing room" agad kong sabi. Kumukulo na kasi ang tyan ko, hindi nga pala ako nakakain kanina.

"Owyes Page! Coming up" naka ngiti pang sagot ng impakto saka tumalikod.

Muli ko na naman naalala ang nangyari samin ni Koy,kung gaano kami ka wild at ka aggressive,agad kong ipinilig ang aking ulo na para bang sa pamamagitan nun ay mawala ang iniisip ko. Pumasok na ako sa dressing room at inayos ang lamesa.

"Ngayon ka pa lang kakain?" puna ni Luwi at tumabi pa talaga sa akin.

"Oo eh,nakalimutan ko kasi kanina" pagdadahilan ko.

"Kahit broken hearted ka,dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom Page" singit naman ni Kyme.

"I know,at salamat,sadyang nakalimutan ko lang talaga" sagot ko naman,ang sarap lang isipin na concern sila sa akin.

Bigla ko naman naalala si Ian, miss na miss ko na sya,halos isang linggo ko na syang hindi nakikita at nakakasama. Nakita ko nga sa facebook,may kasama namang babae. Hindi ko na alam ang iisipin ko.

"Bro paabot kay Page itong set ng kanta" boses ni Koy na nagpabalik sa akin sa realidad. Agad naman iyong kinuha ni Pierre at iniabot sa akin.

Nagpalitan pa ang tatlo ng nagtatanong na tingin,nakakahalata siguro sila na may kakaibang nangyayari,lalo na at hindi pa ako tinawag ni Koy ng Page,laging Best. Nahihiya tuloy ako sa kanya,alam kong ako rason kung bakit sya umaakto ng ganyan.

"The order is here!" biglang pasok ni Kooki dala ang isang tray,kasunod sina Yume at Chai.

Ang order ko! Agad itong inilapag ni Kooki sa harap ko. At para hindi na sila mag usyoso kung anung nangyari nung umalis kami ni Koy ay nilantakan ko na ang pagkain.

"Nakakaloka si Barbz! Utos sa kanya ni Kyoji,inutos sa akin? Mga baklang yon, waiter na ba nag uutos ngayon? Kaloka teh! Pero dalhin friend kita,dinala ko na,nakakahiya naman sa nag utos sa akin eh" direderetsong sabi ni Kooki. Nginitian ko lang sya habang ngumunguya. Sina Yume at Chai umupo na sa mga upuan nila at nag ayos, ang tatlo naman nagpaalam na aayusin na ang band set sa stage. Kaming dalawa ni Kooki ang naiwan sa mesa.

"Ano yun teh? Ganon lang yon? Magchika ka naman! Huwag kang pangit ngiti dyan! Sisirain ko ganda mo!" maya maya ay sabi ni Kooki pagkatapos nya ako titigan.

Buti na lang tapos na ako kumain,tumayo na ako at binitbit ang pinagkainan ko na nilagay ko ulit sa tray.

"Wala ako dapat ichika,hindi pa ako nakaka get over" sabi ko at lumabas na.

"Tingnan mo tong baklang to! Bruha ka talaga teh!" dinig ko pang sabi ni Kooki na ikinatawa ko na lang.

-----

Sakto katatapos lang ng last set namin ng may mapansin akong pamilyar na taong pumasok sa Chansu.

Si Ian.

Parang may hinahanap sya,at sure akong ako yun,nang makita nya ako ay agad nya akong nilapitan,niyakap then hinila,lumundag ang puso ko at bumilis ang pagtibok,lahat ng mga masama kong hniisip lahat ay naglaho,napatingin ako sa paligid,nandun pa naman ang tropa nina kuya Argel.

"Pie,sandali,san tayo pupunta?" nagtataka kong tanong,pero hindi pa kami nakakalabas,at hindi pa nakakasagot si Ian ng may makasalubong kami.

Yung babae,halatang galit sya.

"Sabi ko na nga ba dito ka pupunta eh" mataray na sabi nito,kinabahan ako ngunit hindi binibitawan ni Ian ang kamay ko.

"Bubbles,huwag dito,mag uusap lang kami please" hinging paki usap ni Ian dito.

Mag uusap lang? Yun lang ba ang pinunta nya?

"Hindi nyo na kailangan mag usap! At ikaw bakla! Tantanan mo ang fiance ko,huwag ka mangarap ng gising!" sabi pa nito.

Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig. Parang nablangko ang utak ko.

"f-fiance?" ulit ko pa para maka sigurado lang,tiningnan ko si Ian pero ang tingin nya sa akin ang nagsasabi ng totoo. Dun na tumulo luha ko.

"Oh damn,napaka iyakin pala ng baklang to" sabi pa ni Bubbles. Wala ako masabi. Talo na ako eh,ano bang laban ko sa babae? Wala diba?

"Bubbles please..." pagmamakaawa ni Ian. Dun lalo sumikip dibdib ko,bakit kailangan nya magmaka awa kung pwede naman nya ako ipagtanggol dito?

"May problema ba dito?" napalingon kami sa nagsalita,si Koy, pati ang tropa.

"Wala naman Mister,now bhie pwede bilisan mo ng tapusin?" mataray pa ding sabi nung bubbles,pakiwari ko talagang hindi ko sya kakayanin.

Humugot muna ng malalim na paghinga si Koy,tumingin sa itaas,at parang hirap na hirap magsalita.

"Im breaking up with you Page,tapos na tayo,kaya sana tigilan mo na ako if ever" sabi ni Ian at tumalikod, ngunit bago pa sya tumalikod nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi ko kinaya,para akong pipi na iyak lang ng iyak. Niyakap ako ni Koy.

"Goodjob! Oh well! Ayaw na kitang makitang lalapit kay Ian dahil may kalalagyan ka" sabi ni Bubbles at umalis na din

"That bitch,sabi na nga ba" nadinig ko pang sabi ni Barbz bago ako inilayo dun ni Koy at dinala sa dressing room. Naka agaw kasi kami ng pansin sa mga costumer.

AN ~ Musta? Sakit ng ulo ko, VOTES and COMMENTS po :)

Love Takes Time (first half finished)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora