Love.21 > Untitled

4.1K 128 13
                                    

Page's Pov

"Ano ba? Iiwanan ko kayo dito" mataray na sabi pa nito kaya nagmadali kami ni Kooki na sumakay sa back seat.

"Im Eiko Bermudez" sabi nito ng tuluyan kaming makasakay.

"ah eh,salamat sa pagpapasakay" kinakabahan kong sabi. Halatang mataray ang beki na to,nakakatakot! >_

"Oo nga teh,thank you ah?" magiliw na segunda ni Kooki. Ngunit deretso pa din sa pag drive ang beki na nagpakilalang Eiko. Hmn unique name.

"It was nothing,ginawa ko to dahil may gusto akong ipaalam sa inyo" strikta nitong sabi,nagtinginan kame ni Kooki at napalunok.

"Alam kong minamatyagan nyo si Bubbles Villamor,at ayoko na kayo ulit makita,magiging sagabal kayo sa mga plano ko" diretso nitong sabi.

Plano? Plano ba yon laban sa mga Villamor?

"Uhm,p-pero,mahalagang may mapatunayan kami Eiko,nakasalalay dun ang relasyon namin ng boyfriend ko na inagaw nya" mapagkumbaba kong sabi,hindi naman kasi pwede ang sinasabi nya eh.

"At saka teh,masama ugali nun,alam naming blinak mail nya si fafa Ian ni Page, ramdam na ramdam namin" dagdag ni Kooki.

"That witch! Ganid at sagad sa buto talaga ang kasamaan ng mga Villamor na yan" gigil na sabi ni Eiko habang nagdadrive pa din.

"Kaya sana maintindihan mo kami,handa kong harapin ang lahat ng pagsubok maibalik ko lang sa akin si Ian.Alam kong hawak sya sa leeg ni Bubbles,kaya sana Eiko hayaan mo na ako,kita mo nga kakasimula pa lang namin pero nababoy na kami,kaya wala ng atrasan to,hindi ko isusuko ang pag ibig ko.Sana maintindihan mo" mahaba kong sabi, I know at ramdam kong mabaet sya at pwede naman siguro kaming magtulungan diba?

"At saka teh,baka pwede tayong magjoin force?" singit ni Kooki. Sandaling inihinto ni Eiko ang kotse sa gilid ng kalsada.

"Ano pangalan nyo?" tanong nya at humarap sa amin.

"Page"

"Kooki"

"Page,naiintindihan kita,hanga ako sa tindi at wagas na pagmamahal mo sa Ian na tinutukoy mo,nakakainggit ka pala,pero sana maintindihan mo na hindi pang bata ang laban na to." ani Eiko.

"Kahit anong sabihin mo,desidido na ako Eiko" matatag kong sabi.

Bumuntong hininga si Eiko bago muling magsalita.

"O sige,dahil matigas ang ulo mo ganito na lang,papabayaan ko kayong gawin ang misyon nyo kung sa tingin nyo ay yan ang makakatulong sa inyo, pero ayaw kong haharang harang kayo,ayoko may makasagabal sa akin. Mag iingat kayo sa gagawin nyo" sabi nya.

"Pero baka naman pwede nga tayo magtulungan para mas madali natin maresolba mga problema nyo,team work diba?" giit ni Kooki. Talagang isinuot na nya ang sarili nya sa sitwasyong ito.

"Hindi maaari Kooki,mas mabigat ang plano at misyon ko, now san kayo nakatira para maihatid ko na kayo?" final na sabi nito.

Wala kaming nagawa ni Kooki kundi ang sumang ayon at magpasalamat ng lubos.

-----

Wednesday na,kasalukuyang dinadama naming dalawa ni Koy yung 2hours vacant namin dito sa garden ng school.

"Best,nasabi sakin ni Kooki na nag imbistiga daw kayo dun sa Bubbles nung sunday?" biglang tanong nito habang abala akong nilalantakan yung kwek kwek na binili namin sa labas at patago naming pinasok dito sa school.

"daldal talaga ng isang yon" sabi ko na kunwari ay hindi ako na bothered sa tanong nya.

"Itigil nyo na yan best,mapapahamak lang kayo,sabi ni Kooki maimpluwensya daw ang pamilya ng Bubbles na yon,at saka dont you think youre being unfair to yourself? Panay ka exert ng effort,panay ka habol,sya ba may ginawa? Ni magtext at tawag wala,nakipag break pa nga sayo diba? Pabayaan mo lang sya,lalo ka lang masasaktan" mahabang sabi ni Koy. Napatigil ako sa pagkain,nawalan ako ng gana,tinamaan ako sa lahat ng sinabi nya,hindi ko madedepensahan ang sarili ko,kasi lahat ng sinabi ni Koy ay totoo.

Bumuntong hininga ako,

"Ayos lang yon,ganun ko kamahal si Ian kaya lahat kaya kong gawin, bibitawan ko lamang sya pag mismong sa bibig nya nanggaling na hindi na nya ako mahal,saka best,tama naman ang hinala namin,may mali nga nangyayari,kilala ko si Ian,matatag syang tao,at kahit kailan hindi sya nagpa manipulate kahit kanino.Alam kong may matinding pinanghahawakan ang Bubbles na yan para mapasunod nya si Ian" mahaba ko namang sagot.

"Ang tigas ng ulo mo best! Hindi mo ba iniisip ang kapakanan mo? Kung ano pwedeng mangyari sayo? Nag aalala ako best!" napalakas na ang boses ni Koy,ngayon lang sya nagkaganyan.

Nagpapasalamat na lang ako at hindi dinaldal ni Kooki ang pangbababoy samin,dahil talagang puputulin ko ang dila nya!

"Best sana maintindihan mo ako,buo na ang desisyon ko,kung hindi mo matanggap,sana man lang pabayaan mo ako,nagmahal lang ako best,at hindi ako papayag na matatapos kami ni Ian sa ganon lang kung alam ko namang may magagawa pa ako,sana suportahan mo na lang ako" mahaba ko ulit na sabi,alam ko na mahihirapan ako pero hindi ako basta susuko,kahit sinung tumutol at pumigil ay wala na sila magagawa.

Sandaling nanahimik si Koy,tinitigan ako ng matagal,muli nailang ako kaya una ulit ako nagbawi ng tingin.

"Ano pa nga ba magagawa ko? Mana ka talaga kay kuya Venn,matigas din ulo mo,ang tangi ko na lang magagawa ay suportahan.Gabayan at bantayan ka,lagi lang ako nandito best alam mo yan,if all else fails,I would still be here for you,at pag nabigo ka sa misyon mo,bumalik ka agad at buong puso kitang sasaluhin at itatayo mula sa kabiguan mo" seryosong sabi ni Koy,bawat salitang binitawan nya ay mabibigat at talagang tumatatak sa aking puso at isip,namalayan ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko at,at agad ko naramdaman ang mahigpit at puno ng pagmamahal na yakap ng bestfriend ko.

Ng matapos na ang aming mga kaklase sabay sabay na ulit kami nagpunta sa Chansu,pagbaba ko pa lang sa kotse ni Koy ay nilapitan na ako ni Kooki.

"Teh,ano na next step natin?" bulong nito sakin.

"Haharapin na natin si Bubbles,ayaw ko na din patagalin to at ayaw ko makasagabal kay Eiko,remember?" pabulong ko namang sagot.

"Sigurado ka na ba dyan? Sige sasamahan pa din kita,para pagbayarin din sya sa ginawa nya satin" ani Kooki.

"Anong pinag uusapan nyo?" biglang lapit ni Koy. Buti na lang tapos na kami mag usap.

"Wala naman best,tara na" sagot at aya ko at nauna ng pumasok sa Chansu.

Haharapin na kita Bubbles,kung ano man ang mangyari ay handa ako. Matagal na panahon kong minahal si Ian at sa isang iglap lang ay aagawin mo? Hindi ako papayag na mabalewala ang lahat sa amin.

Ian,pie ko,hintayin mo lang ako.

AN ~ MUSTA? Bitin ba? Iniisip ko kung POV na ni Ian ang isusunod ko para maliwanagan kayo sa naging desisyon nya :)

Mukhang hindi ko na mapapahaba pa ang kwentong ito,pero I'll try my very best po para sa inyo.

VOTES and COMMENTS are welcome and appreciated ^_^

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now