Love.25 > The End of first half

3.9K 119 7
                                    

Page's Point of View

Ng maakyat ko ang rooftop ay sinalubong ako ng malakas at malamig na hangin.

Inilibot ko ang paningin ko.

Nasaan si Ian? Na late ba ako? Nainip ba sya?

"Ive been waiting for you" sabi ng isang pamilyar na boses sa aking likuran. Nilingon ko ito.

Si Bubbles.

Saglit akong nagulat,bumilis ang tahip ng dibdib ko,ang malamig na hangin ang nagpadagdag sa nginig ng aking tuhod. Ngunit hindi ito ang panahon para matakot.

So planado pala nya ito. I shouldve known it,masyado ako nabulagan sa idea na makikipag kita si Ian.

This time lalaban na ako,kailangan ng matapos ang lahat ng ito. Im sorry Eiko,pero tataluhin na kita,papatulan ko na si Bubbles,hindi ko na mahihintay ang paghihiganti mo.

Tinigasan ko ang aking dibdib,binigyan ko sya ng isang ngiti. Ngiting nang uuyam.

"Well,the wait is over" sagot ko,kita ko pa kung paano tumaas ang kanan nyang kilay.

"Haha! Matapang ka na? Akala mo masisindak ako? Sorry to say pero pinaghandaan ko ang lahat ng to,and I bet,hindi ka pa nakaka ahon sa kahihiyang natamo mo sa sex video, I have to congratulate you,trending sya until now" sabi ni Bubbles at dinugtungan pa ng nakakakilabot na tawa,medyo nagtayuan ang mga balahibo ko dahil don.

"Witch! Napaka sama mo! Ano ba talagang motibo mo?!" gigil kong sabi.

"Alam mo,noon pa man ay mahal na mahal ko na si Ian,baliw na baliw ako sa kanya,until after 1 year nakipag break sya, I almost killed my self but when I realized na madami pa namang magmamahal sa akin, I tried to move on, but then nakita ko kayo! Napaka sweet nyo! I cant imagine na pinagpalit ako ni Ian at sa isa pang bakla! Nasira ang selfesteem at ego ko dahil sayo! At dahil dun gusto din kita masira! Mawala! Mamatay!" sigaw nya sabay bunot ng kung ano sa likuran nya.

Isang baril

Nakaramdam ako ng matinding takot,kung hindi ako lalaban,mamamatay ako ng walang hustisya at walang nakakaalam. Ngunit ang hindi ko lang alam ay nagagalit sya sa akin dahil lang sa ako ang mas minahal ni Ian? Ganon na ba sya kadesperada?

"Isa ka ngang baliw!" singhal ko sa kanya. Nagpaputok sya ngunit hindi ko ito naiwasan,tumama ito sa aking tagiliran, napaluhod ako.

"Matagal na akong baliw,at ang baliw na ito ay hindi mangingiming patayin ka" aniya na naka ngising demonyo,lumapit sya sa akin at itinutok ang baril

Nag isip ako ng paraan,malaking babae si Bubbles mga 5'7 samantalang ako ay 5'3 lamang. Paano ko sya malalabanan?

Sinipa ko ang paa nya,natumba si Bubbles at tumalsik ang baril sa di kalayuan. Kahit nanghihina na ako sa dami ng dugong nawala sa akin ay pinilit kong tumayo at puntahan ang baril ngunit maagap si Bubbles,buong lakas nyang hinila ang aking dalawang paa dahilan para bumagsak ako at mauntog sa lapag. Ramdam ko ang sobrang sakit,nahilo ako,naramdaman ko na lang ang mainit na likido na tumulo galing sa aking ulo papunta sa aking mukha.

"Ha! Akala mo makaka isa ka?! Hindi mo na mababawi si Ian! Hindi mo na kami magugulo!" singhal sa akin ni Bubbles at kinaladkad ako papunta sa railings ng rooftop.

Gusto ko pumalag pero nahihilo at nanghihina na talaga ako.

"Dito na matatapos ang lahat lahat sayo!" itinayo nya ako. Wala na talaga akong laban,mamamatay na ako.

Iniuntog nya ako ng ubod lakas sa railings,tatlong beses iyon. Humalakhak pa sya.

Tinanggap ko na sa sarili kong talo ako,nabigo ako. At ngayon,humantong na ako sa katapusan.

Buong lakas akong ipinatong ni Bubbles sa railings. Gusto nya ako ihulog! Apat na palapag lamang ang building na ito,pero siguradong walang buhay akong pupulutin sa ibaba pag nagkataon.

Sa sobrang panghihina at panglalambot ko ay pumikit na ako.

Sorry Mom,Dad at ipinahiya ko kayo patawarin nyo ako. Sorry Ian,hindi kita nakuha pabalik,ginawa ko naman ang lahat pero mukhang hindi sapat.

Kuya Venn,magkikita na tayo,magkakasama na tayo,hintayin mo ako kuya,nandyan na ako.

Nauupos na ako,tanging pintig ng puso ko at malakas na ihip ng hangin ang naririnig ko. Naramdaman kong unti unti akong dumadausdos pababa. Ito na,ito na ang katapusan ko.

"Bye Page!" at tinulak ako ni Bubbles kasabay nun ang dalawang putok ng baril at parang may humawak sa akin.

"Bakit Eiko? Traydor ka!" si Bubbles.

"Sorry Bubbles,the game is over" boses yon ni Eiko.

"God! Tulungan nyo ako dito! Masyado ng bumibigat si Page! Malalaglag sya ng tuluyan!" boses iyon ni Ian. Salamat at dumating sya,salamat po Diyos ko at pinasaya nyo ako.

Naramdaman kong may ilang pares pa ng kamay ang humila sa akin.

"Best! Huwag kang bibitaw! Shit! Ang dami ng dugong nawala! May sugat pa sya sa ulo" si Koy yon ah? Ang bestfriend ko talaga,ang hilig mag freak out.

Sa palagay ko nandito ang lahat. Pumikit ako. Nagdasal at nagpasalamat sa Diyos.

AN / MUSTA? Dito ko muna tatapusin to :3 ito ang ending ng First half ng Love Takes Time.

Abangan po ninyo ang Second half. Dont wori hindi ako gagawa ng bagong page para dito. Dito ko din mismo ipopost yon.

Marami pong salamat sa pagbabasa! Basta abangan ang second half kung ano mangyayari :)

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now