Love.13 > She's Back!

4.9K 141 14
                                    

Page's Pov

After class dumeretso muna ako sa bahay, sa Chansu bar na lang kami magkikita ni Ian pati ng tropa. Excited ako makilala mga bagong empleyado,sabi kase ni kuya Argel,mostly daw baka mga teens ang kunin nila.

Anyway,magaan na ngayon ang pakiramdam ko after namin mag face to face ni Koy,Im wishing na makahanap sya ng taong mamahalin nya ng higit sa akin. Yung kayang tugunan ang pagmamahal nya ng walang pag aalinlangan.

Pagdating sa tapat ng bahay namin ay nagtaka pa ako dahil sa pamilyar na sasakyang naka park sa garahe.

Nagmadali akong pumasok sa loob,at pagbukas ko ng main door,naglakad ako ng kaunti at nakita ko sila sa living room.

It was Mom and Dad, I dont know pero diba dapat makaramdam ako ng excitement? Pero bakit ganun? Parang normal lang ang pakiramdam ko ng makita sila.

"Riley anak" bati ni Mom,lumapit ako sa kanila para mag mano at mag hug sa kanila.

"Kelan po kayo dumating?" tanong ko at umupo na din sa sofa.

"kanina lang anak,mga 10am,nasa school ka na daw sabi ni Manang at ng Driver mo" si Dad ang sumagot.

"Ah ganun po ba? Uhm maiwan ko po muna kayo,bawi na lang ako tom Mom and Dad,sige po magbibihis muna ako" paalam ko at tumayo na.

"Bakit anak?" si Mom na nagtataka.

"May work po kase ako Mom and Dad, yung banda namin nina Koy eh regular performer sa resto bar nina kuya Yuweh at kuya Argel" paliwanag ko.

"Yan ba ang reason kung bakit madaling araw ka na umuuwi?" seryosong sabi ni Dad. Kinabahan ako pero tumango pa din ako bilang sagot. "I hope son hindi mo mapapabayaan ang pag aaral mo" dagdag ni Dad.

"Promise ko po hindi" sagot ko at nagbigay ako ng tipid na ngiti.

"Halika nga dito,bigyan mo kami ng Mom mo ng masarap mong hug anak" naka ngiting sabi ni Dad.,napangiti ako,pakiramdam ko lahat ng tampo ko sa kanila ay natunaw at naglaho.

Agad akong lumapit at niyakap silang dalawa ng mahigpit,hindi ko mapigilang maiyak. Finally,bumalik na sila sa dati.

"Anak pasensya na kung masyado kami naging busy ng Dad mo,naging insensitive kami mula ng mawala ang kuya mo,pero promise namin,babawi kami ng Dad mo,sorry talaga anak" umiiyak na sabi ni Mom,lalo tuloy ako naiyak.

"Were staying here for good son para lagi ka na namin makasama, pinahawak ko na sa mga Uncles mo ang company natin sa states para makapag focus kami sayo at sa company natin dito" sabi naman ni Dad.

"Im speechless Mom,Dad,thanks po" at mas lalo ko pa hinigpitan ang pagkakayakap sa kanila.

God! Ang sarap sa pakiramdam, buo na ang pagkatao ko.

"Kainggit naman" sabi ng isang pamilyar na boses kaya napalingon kami lahat.

"Mark?" Mom and Dad.

"Kuya Kymn?" ako.

"Hahaha ako nga! Tito at Tita,pwedeng makitira muna? Pinagbakasyon kami ni Grand Master eh, kaso yung bahay ko naibenta ko na three months ago" sagot ni Kuya Kymn, at don ko nga lang napansin,dalawang maleta ang hawak nya kabilaan at naka backpack pa sya.

"No prob ijo,kumain ka na ba?" ani Mom,lumapit si kuya Kymn at nagmano at hug din kina Mom and Dad.

"Hindi pa nga Tita,gutom na ako" sagot nya. Then bumaling sakin "Uy Page, ang laki mo na ah? Buti hindi ka naging kamukha ni Venn?" aniya at ginulo buhok ko.

"Hala ka kuya! Multuhin ka ni Kuya sige ka" sabi ko. Natawa silang tatlo.

"Tara sa dining ijo, at ikaw Riley magbihis ka na para maka gayak ka na" ani Dad at nagpatiuna sila ni Mom sa dining hall. I looked at my phone's time, 5:30pm, medyo maaga pa naman pala.

Love Takes Time (first half finished)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora