Love.19 > His Husband [Kristen&JP]

4.8K 124 24
                                    

Page's Pov

Saturday na,parang hindi pa din ma absorb ng pagkatao ko yung nangyari kagabi,ang sakit sakit lang,sa harapan ng tropa,mga kaibigan nina kuya Argel at ng mga costumer nakipag break sa akin si Ian. Ang sakit,parang dinukot ang puso ko at dinikdik hanggang madurog.

Wala ako ginawa ng makauwi kundi ang umiyak,sina Koy,Pierre,Luwi at Kyme ang naghatid sa akin kagabi.

Ngayon wala ako ganang pumasok sa school at wala ako balak. Namamaga na mata ko kakaiyak.

Pero somehow alam kong hindi ako naniniwalang ginusto yon ni Ian, kita ko ang sakit sa mga mata nya,alam kong napilitan lang sya,ramdam ko kung gaano nya ako kamahal. Pero tulad ng sabi ni Barbz may mali sa pangyayari, at naghihinala na din ako na meron nga, I know Ian,hindi mo sya mapapasunod sa gusto mo,he is a boss,kaya talagang nakakapagduda ito.

Sa mga tulad kong labis na nagmamahal,at ang pagmamahal na ito ay binuro ng mahabang panahon,hindi agad ako susuko! Hindi ako makakapayag na tuluyang makuha sa akin si Ian, alam kong may magagawa ako.

Agad akong bumangon,sumandal sa headboard ng kama at kinuha ang phone,alam kong isang tao lang ang pwede ko kaladkadin at isama sama sa mga lakad at plano ko.

Agad akong nag dial,nakakadalawang ring pa lang ay nasagot na ito agad,walastik talaga!

"bakit Teh? Ang aga mo naman tumawag.?" bungad agad sakin nito. Nasa school na siguro tong bruhang to.

"Pwedeng Hello at goodmorning muna? Impakta ka talaga" agad kong sabi.

"Pasensya naman teh,akala ko boyfie ko na eh,kaw lang pala,oh anong atin? Absent ka daw sabi ni fafa Koy?" malandi nitong sagot. Naimagine ko tulay mukha ni Kooki ngayon haha ^o^V

"Oo eh,alam mo naman nangyari kagabi diba? Nag cry lang naman ako ng bongga pag uwi kaya ang ending namamaga mata ko" sagot ko habang inaayos ang bedsheet,lalabas na din kasi ako ng kwarto para mag breakfast,diba nga sanay ako na kumakain muna sa umaga.

"Oo nga teh! And speaking of that ha! Na imbey ako sa Bubbles na yan! Alam at ramdam kong may anumalyang nagaganap! I mean HELLO?! Sinong lalaki ang pumayag na tratuhin ng ganun ng babae? May naaamoy talaga ako eh,so fishy" direderetsong sabi ni Kooki,pati pala sya ganun din ang iniisip.

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Kooki regarding that,pwede mo ba ako tulungan?"

"Ako talaga teh? Sure gowra! Anes ba yen? Spill it out madam!"

"Ganun din ang hinala ko,kaya pwede mo ba akong sama-samahan sa pag matyag at imbistiga sa babaeng yon? Bukas tayo magsimula,tamang tama linggo,pareho tayong pwede" sabi ko naman, nandito na ako ngayon sa baba, mukhang naka alis na sina Mom and Dad, si Kuya Kymn lang nakikita ko sa dining area eh.

Agad namang sumang ayon si Kooki sa mga plano ko. Mabuti na lang at nandyan sya.

Buong araw ko lang silang katext lalo na si Koy. Ewan ko ba,naiilang pa din ako sa bestfriend ko simula talaga ng may nangyari saming dalawa.

5:30pm agad na akong naligo at nagbihis. Kinuha ang shades at isinuot ito, wala naman masama mag shades diba? Hindi lang naman pang araw ang shades.

6pm nakarating ako ng Chansu at kaka bukas pa lang,nagdadatingan pa lang mga empleyado,pero sina kuya Argel nandito na,nakita ko kasi ang kotse nya sa parking.

By 7pm nag start na, nakaka bigla man pero madami agad ang tao,mga regular costumer na siguro ang iba at sarap na sarap sa mga lutuin dito.

Nagdatingan na ang tropa, sina Kyoji at Barbz nagpunta na agad sa office ni kuya Argel at kuya Yuweh para mag report,ang tropa naman diretso sa dressing room.

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now