Love.4 > At The Garden!

5.9K 155 3
                                    

dedic ko naman toh kay Jen na fav author ko dn dto :]

Page's Pov

Ng makarating sa school ay sobrang late na din ako. Okay lang,babawi na lang ako next meeting, huwag lang talaga ako tatarayan ni Maam kung hindi tuturukan ko sya ng injection na may 3 inches na kahabang karayom! Haha Joke lang. Ganito lang ako, kailangan ko libangin ang sarili ko, almost 2hours din kase ang klase na yon,for sure pikit na mata ng mga kaklase ko lalo na si Koy! Haha :D

At alam ko din sa ganitong oras ay may klase pa sina Luwi,Pierre at Kyme. So san ako pupunta?

Alam ko na,sa may garden na lang, yung garden kasi dito sa campus eh sa likod pa at may ilog dun,kaya masarap din tumambay at magpahinga dun.

Ng nasa garden na ako ay abot tenga ang ngiti ko,ang gaganda ng mga bulaklak. Magaling mag alaga ang hardinero ng school ah? How I wish ganun din ako,pero wala akong swerte sa pag aalaga ng halaman,Im not gifted,hindi green ang thumb ko >_

Agad ako umupo sa may lilim ng puno at humarap sa ilog at sumandal sa katawan ng puno,banayad ang agos ng tubig sa ilog,kumikinang kinang pa na parang mga crystals yung nasisinagan ng araw.

Hindi ko alam ah? Pero nakaramdam ako ng antok..

-----

Araw ng sabado,nandito sa bahay si Koy kasama mga tropa nya, if Im not mistaken ang pangalan nila ay Luwi,Pierre,Kyme, infairness cute sila pero hindi nila malalampasan ang Ian ko no? ^_^V

Masaya kaming nagkekwentuhan,kwela din naman pala sila at madali silang makapalagayan ng loob.

"Oy Koy! Huwag kayong aalis dito sa bahay ah? May pupuntahan lang ako" biglang sabi ni kuya Venn na bihis na bihis.

"Opo kuya! Ako bahala ke Page" at sumaludo pa ang gago,close sila ni kuya,ewan bakit sila nagkasundo,total oppossitte pa naman sila haha!

"Kuya san punta mo?" tanong ko,ang unfair naman,sya pwede na mag gala,ako hindi.

"Dyan lang sa mga kaibigan ko, Koy ah? Hanggat wala sina Mom at Dad wag kayong aalis! Dito na din kayong apat mag dinner,sinabihan ko na si Manang" sabi pa ni Kuya.

"Sige po kuya!" sagot ng apat. Hay! Wala na,naka alis na si kuya,stuck up ako dito sa bahay kasama ang apat na kumag =__=

"Oy! Balita ko may Music room daw kayo tol sabi ni Koy?" sabi nung Luwi. Tol? Umbagan kita eh haha!

"Yup! Gusto nyo makita?" nakangiti kong sagot.

"Sige sige! Mahilig kasi kami tumugtog eh!" segunda nung Kyme at nag pa kyut pa. Alam na kaya nyang isa akong diwata? Sa bagay,hindi ko naman tinago sa kilos at pananalita.

Agad ko silang sinamahan sa music room at manghang mangha ang tatlo.

"Sabi sa inyo eh!" nakangiting pagmamayabang ni Koy saka umakbay sa akin.

"Makapag mayabang ka parang sayo to, Page pwede itry tumugtog?" sabi naman nung Pierre.Tumango ako bilang pag payag.

Aliw na aliw naman sila,may mga potensyal ah? Konting ensayo pa siguro hihi..

Nakangiti akong pinapanood sila ng mag ring ang phone ko,pagtingin ko,hindi ko mapigilang ngumiti ng abot tenga.

Ian Love

calling . . .

Agad akong nagpaalam sa kanila at lumabas ng music room.

"Hello kuya? Napatawag ka?" sagot ko agad.

"May gagawin ka ba ngayon Page?" tanong nya.

"Wala naman kuya,kaya lang hindi ako pwedeng umalis eh?" sagot ko naman. Napaisip tuloy ako kung anong kailangan nya. Eehhhh! Kinikilig ako.

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now