Love.5 > Revelation of the Past

5.5K 155 3
                                    

Page's Pov

Nakarating na agad din ako sa room para sa next class at infairness,nandun na din si Koy at ang sama ng tingin sa akin

Problema nito? Minsan iniisip ko na baka tong si Koy ang talagang ama ko eh haha!

As usual,nakaka antok ang klase na to,buti na lang hindi ko ito major,at ang prof pa namin eh parang nagnonovena,ang bagal magsalita. No wonder after this baka lahat na kami naghihilik.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya agad kong tiningnan

From: Yuweh-chan

Page, prepare yourself later after class, gala tayo at dinner tonight,wala naman kami ginagawa ni kuya Argel mo.

Then I replied.

Yes kuya! See you guys later! :)

Message sent!

Then may another text na naman,it was from Koy.

From: Koy best :)

Aga-aga txt ng txt! Mamaya na yan! èé.)

Hindi ko na nga lang nireplyan. Kausapin ko pala din sila mamaya regarding sa banda,para bago ako gumala with kuya Yuweh and kuya Argel ay wala na ako iisipin.

Alam nyo yung mukha kang limang daang pisong pera? Ganun itsura ko habang nakatulala sa prof naming nagdidiscuss ala novena style.

Jusme! Mas mabilis pa siguro sa kanya ang pagong kung nakakapag salita mga yon >_<

Finally! Break na din! Dito na kami sa canteen at sasabihin ko na napag desisyunan ko.

"Guys,nakapag desisyon na ako,sasali na ako sa banda at ituloy natin yon" sabi ko sa gitna ng pagkain. Halata namang nagulat pa ang apat at binigyan ako ng tinging hindi makapaniwala.

"Sigurado ka best?" naniniguradong tanong ni Koy.

"Oo naman,kelan tayo mag apply?" naka ngiti kong sagot.

"Pwede mamayang after class?" suhestiyon ni Kyme.

"Hindi pwede,may lakad kami nina Kuya Yuweh at kuya Argel." sagot ko.

"Ganon? Edi tom na lang" sabi pa ni Luwi.

"Basta,tom na yan,walang atrasan okay?" ani Pierre at tumango kami bilang pag sang ayon.

-----

Naging masaya ang buong grade 6 life ko. Ewan ko pero lalong tumindi ang pagmamahal ko kay Ian, hindi talaga ito puppy love.

Nasanay na ako na halos araw araw magkasama kami. I know ginagawa nya ang mga bagay na yon dahil gusto nga nya magkaroon ng batang lalaking kapatid diba? Pero para sa akin,iba ang dating ng mga ginagawa nya. Kumbaga para sa akin ay may malisya o meaning na ang lahat.

Isang beses,nalaman ko na pagka graduate ko ng Grade 6 ay sa America ako pag aaralin ng High School. Wala naman ako magagawa dahil yon ang gusto nina Mom at Dad. Sabi din ni kuya Venn mas mainam daw yon para mas advance ang mga matutunan ko.

Ibinalita ko yon sa barkada,syempre nalungkot sila pero masaya daw sila para sa akin. Anong masaya dun? Mahihiwalay ako sa kanila at mahihiwalay ako kay Ian! Hindi ko kaya.

Nung graduation masaya ang lahat,ako lang ata ang hindi. Kasi it means bukas na ang alis ko. Nagkaroon ng graduation party sa bahay. Lahat ng classmates ko ay invited.

"Hello Kuya Ian? Punta ka dito sa bahay,graduation party ko" masaya ko pang sabi ng tawagan sya. Gusto ko din kasi pormal na magpaalam kahit na napaka bigat sa dibdib gawin xon.

Love Takes Time (first half finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon