Love.3 > The Dream

5.9K 170 3
                                    

Page's Pov

Pagka uwi ko sa bahay ay agad ako sinalubong ni Manang Fely. Tumawag daw sina Dad at nagpadala ng pera sa bank account ko. Kung sa iba pa yun ay matutuwa,pero ako,hindi. Mas gusto ko ang presensya nila kesa sa kung anong bagay na iniaabot nila. Diba sabi ko nga ayoko magtanim ng tampo o galit sa kanila,pero sa mga ginagawa nila hindi ko maiwasan eh.

"Manang,akyat na po ako,napagod ako eh"

"Hindi ka na ba kakain ijo?" nag aalalang tanong ni Manang.

"Hindi na po" sagot ko at agad pumunta sa kwarto ko. Napakalaki ng bahay na ito,pero para sa akin,wala itong silbi, kung nandito lang talaga si kuya,kahit wala sina Mom at Dad ay ayos lang dahil may nakakausap ako.

Pag higa ko sa aking kama ay agad kong naisip ang mga pinag usapan namin kanina.

Kung itutuloy namin ang banda,malaki nga ang posibilidad na malibang ako at makalimot sa problema. Nagpapasalamat na lang talaga ako at nandyan ang tropa. Siguro kung hindi sila dumating sa buhay ko eh All by myself ang peg ko? =__=

Tama nga! Ipupush ko yon! Kaya ko naman siguro pag sabayin ang pag aaral at pagbabanda diba? Bakit ba kasi Nursing ang kinuha ko? Nakigaya pa si Koy >_<

Sina Luwe,Pierre at Kyme naman mga EE at Architecture.

Bukas kausapin ko sila,pero sa ngayon,kailangan ko muna mag beauty rest ^_^

Sana mapanaginipan ko si Ian,kahit doon man lang makasama ko sya.

-----

Patay! Palapit na sya ng palapit! Ano gagawin ko? >_<

"Oh,kamusta? Anong ginagawa mo dito?" naka ngiting tanong sakin ni Ian.

Lalo bumilis tibok ng puso ko sa ngiting yon.

"Ah..Eh..Ano kase,nabilataan ko na masarap daw ang kape dito kaya dinayo ko talaga" palusot ko,sana kagatin nya.

Lalo ako kinabahan ng kumunot ang noo nya. Sheeeett! Hindi bumenta T.T

"Pumunta ka dito para magkape?" takang tanong nya.

"Oo sana,tapos na nga ako,palabas na ako nung makita mo hehe"

"Ilang taon ka na ba at anong pangalan mo?" tanong nya. Gawd! Interesado kaya sya sa akin kaya nagtatanong sya? Thank you Lord! ^o^

"P-Page Riley,pero Page tawag sa akin,uhm 13years old po" sagot ko pang ganyan.

"Alam mo Page,dont you think youre too young para ka adikan ang kape? Sige ka,magiging nerbyusin ka nyan" pagkuway sabi nya.

"Ayos lang,basta ikaw dahilan ng ikaka nerbyos ko" magiliw ko pang sabi.

"Ha? Anong sabi mo?" taka nyang tanong. At dun ko lang narealize kung anong nasabi ko.

Im dead! >_<

"Ha? Wala,sabi ko mukhang ndi naman totoo ang nerbyos nerbyos na yan dahil sa kape" sabi ko na lang,please Ian kagatin mo na lang! Kung ayaw mong ikaw kagatin ko hihi! :'>

Ngumiti sya at saka nagsalita.

"You really amazed me Page,sa ganyang edad eh matured ka ng mag isip, sana may kapatid din akong gaya mo,wala kasi ako kapatid na lalaki" sabi pa nya.

Ganun? Kapatid na lalaki lang? Ang sakit teh! Ang sakit! XD

"Hehe,ganun po ba? Sige po,uuwi na ako,salamat sa time" sabi ko at nilampasan na sya,sapat na sa akin ang makita at makausap sya kahit saglit lang.

"Teka Page!" tawag nya sa akin kaya lumingon ako.

"Bakit kuya?"

"Tara,pasyal muna tayo, samahan mo ako,maaga pa naman eh" nakangiti nyang sabi.

Syempre ako,marupok ay agad namang pumayag,tatanggihan ko pa ba ang mga ganitong pagkakataon? Lightning strikes once! Kaya dapat grab the opportunity! Break a leg! ^___^

Dun na nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Ian.

♪when youre almost there and youre almost home♪

♪just open up your eyes and go,go,when youre almost there,almost home♪

Kahit nakapikit ay kinapa ko sa gilid ng unan ko ang phone kong nag riring. Aga aga bumibirit si Mariah >_<

♪You know youre not alone,youre almost home, almost home♪

Agad ko itong sinagot ng hindi tinitingnan ang tumatawag.

"Hello?" bungad ko,at saka aandap andap na tiningnan ang oras sa wall clock

O_O

"Hello best? Late ka na--" sabi ni Koy pero hindi ko na pinatapos pa.

"I know! See you later!" at in-end call ko na at dali daling pumasok sa banyo.

Nako,terror pa naman ang prof sa first subject! >.<

Napasarap kasi ang tulog ko eh,hanggang panaginip dinadalaw pa din ako ng masayang nakaraan namin ni Ian

Napangiti ako ng bahagya sa naisip pero agad ding napawi,noon yon,pero ngayon iba na. Kung bakit kase sinabi ko pa eh.

Ng matapos maligo ay dali dali ko ng tinawag ang driver at sinabihang idaan din sa drive thru ng Mcdo. Kumukulo na din kasi ang tyan ko, hindi ako sanay na hindi kakain ng breakfast.

Matapos maka order sa drive thru ng Mcdo ay nilantakan ko na agad ito, patingin tingin din ako sa paligid habang kumakaen,burger na tatlo,dalawang fries at large coke lang naman, for sure eh satisfied ang tummy ko nito ^_^

Tiningnan ko oras sa phone ko,useless din, halos kalahating oras na akong late :|

Nasa isang inter section na kami papunta sa school ng mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na tao.

Kahit ganon na katagal,hanggang ngayon,sya pa din ang mahal ko,hindi nakatulong ang apat na taon kong pagkawala para kalimutan sya.

AN ~ Musta? Grabe,sobrang init,nakakatamad kumilos, pasensya na kung maikli pa din toh,tulad ng sabi ko,madami pa namang chapters ang dadating :)

COMMENTS,VOTES, Gowra lang! =))

Love Takes Time (first half finished)Where stories live. Discover now