CHAPTER 23

5 0 0
                                    

Nakasandal lang ako sa pader habang malalim na ang gabi. Ang sakit na ng katawan ko pero hindi iyon ang iniinda ko kung hindi ang sakit ng nararamdaman ko.

Tinitigan ko si Arturo, nakayuko siya at walang imik. Mukhang natutulog siya, pero nagkamali ako nang i-angat niya ang ulo niya para tingnan ako.

"Gusto mo magpahinga?" tanong niya at tumango naman ako. Mas lumapit pa siya sa akin at tumuwid nang pagkaka-upo. "Hilig mo ulo mo sa balikat ko. Babantayan kita," bulong niya at ginawa ko ang sinabi niya.

Hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya at pinikit ko ang mga mata ko.

Kinabukasan ay maaga kaming ginising ng mga tauhan nila Gabriel, wala na sila. Iniisip ko baka bumalik na sa hacienda si Gabriel, at si Margaret naman ay sa bar. Ang mga walanghiyang iyon!

Bumyahe kami papunta sa isang abandonadong gusali, doon naisipan ni Gabriel dalhin kami para ihatid ni papa ang mga pera.

Bago pa sumikat ang araw ay naroon kami, ganoon din sila papa at ang mga tauhan niya, kasama niya rin sila mama at Aling Clara.

"Arturo! Ang kapal din naman ng mukha mong kunin ang anak ko para sa pera ko? Sinasabi ko na eh, pera lang ang gusto mo," sigaw ni papa.

"Huwag ka nang marami pang satsat! Ibigay mo na ang pera!" sigaw ni Arturo at nilingon ko siya. Pasimple siyang tumango sa akin at tumango rin ako sa kan'ya.

"Apurado ka! Kasabay ng pagbibigay ko ng pera ay ang pagbibigay mo sa aking anak," utos ni papa. Ipinakita niya muna ang laman ng brief case bago niya ibigay sa mga tauhan niya.

Hawak ni Arturo ang braso ko habang naglalakad kami, ganoon din ang isang tauhan ni papa na mayroong dalang dalawang brief case.

Nang maging magkatapat sila ay hinawakan ako ng tauhan ni papa kasabay ng pag-aabot niya ng brief case kay Arturo. Matapos noon ay lumapit ako kila mama at papa, ang dalawang brief case ay hinagis ni Arturo sa loob ng van.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang pagsarhan ng pinto ng van at kumaripas iyon ng takbo. Wala namang reaksyon si Arturo dahil siguro ay expect na niyang mangyayari iyon.

"Sakay na sa loob," utos ni papa nang may marinig kaming sirena ng sasakyan ng pulis. Umiling-iling ako. Balak ko sanang lapitan si Arturo pero umiling siya at hinudyatan ako na huwag lalapit sa kan'ya.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumakay sa loob ng sasakyan nila papa. Sa loob ay masama ang tingin sa akin ni mama.

"Talagang tumakas kapa para makipagkita sa hampas-lupang iyon? Tingnan mo ang ginawa mo, malaking pera ang sinayang mo," inis niyang sabi sa akin. Hindi naman ako naka-imik. Talagang pera lang ang mahalaga sa kan'ya.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong hinuli nila Kapitan Herrera si Arturo. Pinosasan nila siya at isinakay sa sasakyan nila. Sumakay na sa loob si papa ng kotse at tahimik lang siya. Palagay ko ay galit din siya sa akin dahil sa nasayang na pera.

Nang makauwi kami ay bumungad sa akin ang mapang-asar na ngiti ni Gabriel, "Papa," pagtawag ko kay papa. Nang muli kong lingunin si Gabriel at nakangising parin siya at umiling nang dahan-dahan.

"Sorry po," nakayukong sabi ko at lumapit siya sa akin. Ang akala ko ay sasaktan niya ako o sasabihan nang masasakit pero niyakap niya ako.

"Ang mahalaga ay nasa maayos ka nang kalagayan. Huwag kana muli tatakas pa," bulong niya at dahan-dahan akong tumango. Wala akong magawa, hindi ko magawa magsumbong. Dahil alam ko, may kasalanan din si papa, malaking kasalanan sa batas.

Umakyat na ako sa kwarto ko at sinundan ako ni Aling Clara. Buong araw lang siyang nasa loob ng kwarto ko para samahan ako.

"Huwag niyo pong hahayaan na makalapit sa akin si Gabriel," habilin ko at ngumiti naman si Aling Clara pero kita parin sa mga mata niya ang pag-aalala.

When the Falls, Fell Into My ArmsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ