CHAPTER 14

32 5 1
                                    

"Papa, can we visit Costa Mesa?" lakas loob kong tanong kay papa.

Ibinaba niya ang dyaryong binabasa niya at tumingin sa akin, "Ano naman ang naisipan mo at pupunta ka roon? Isa pa ay marami akong ginagawa," paliwanag niya.

"Papasyal lang, nabalitaan kong maganda ang islanng Costa Mesa," paliwanag ko.

"Kung gusto mong magbakasyon isama mo si Clara at ang mga kaibigan mo," utos niya sa akin. "Wala naman ng paki ang mama mo, kaya hayaan mo nalang siya. Basta huwag kang gagawa ng ikasisira ng pangalan ng pamilya natin," dagdag niya pa.

Lihim naman akong napangiti, lumundag-lundag ako sa kama ko nang makabalik ako sa kwarto ko. Costa Mesa, ang lugar kung saan talaga nakatira si Arturo.

Sinabihan ko na si Aling Clara kaya naman nag-impake na siya. Ipinagamit sa amin ni papa ang yate kaya naman wala na kaming gagastusin sa pamasahe. Tinext ko na rin sila Chesca, sinabi ko sa kanila na sa daungan na lamang kami magkita-kita.

"Klare, isama mo si Arturo. Maraming alam na lugar si Arturo doon dahil taga-Costa Mesa siya," paliwanag ni papa. Mas lalong nagdiwang ang puso ko dahil sa sinabi ni papa.

Nang makarating kami nila Arturo at Aling Clara sa daungan ay naroon na sil Chesca, Mike, Randy, Loreen, at Trixie. Nang makalapit sila sa akin ay niyakap agad nila ako.

"Omg! Totoo ba ito? Pumayag ang papa mo? What about your mom?" tanong ni Chesca at umiling naman ako.

"Wala namang pakielam 'yon eh. Kaya enjoyin natin ang kalayaan na ibinigay sa akin ni papa!" masayang sabi ko.

Sumakay na kami sa yate at pansin ko parin ang pagiging tahimik ni Arturo. Nang wala namang nakakapansin sa amin ay nilapitan ko siya.

Malayo ang tanaw niya niya at hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Kung minsan, napaka-misteryoso niya.

"Okay ka lang?" tanong ko at nilingon niya ako.

"Oo naman. Ikaw ba? Mabuti naman at pumayag si Don Emmanuel," pilit na ngiting sabi niya. Pakiramdam ko ay may mali.

"Are you sure? Okay ka lang?" tanong ko at muli siyang tumango.

"Don't worry about me, I'm fine. Just enjoy this trip, okay?" sabi niya at masaya naman akong tumango. Enjoy talaga, lalo pa't kasama ko siya ngayon.

Naputol lang ang pag-uusap namin dahil tinawag ako nila Chesca. Mag-picture daw kaming anim. Dala niya ang camera niya at tuwang-tuwa naman kami dahil minsan lang kami magkakasama.

"Omg, na-miss ka talaga namin! Mabuti pumayag ang papa mo. Ano namang say ng mama mo?" tanong ni Loreen.

"Wala naman, wala na rin naman kasing pakialam sa sasabihin ni mama. Isa pa pumayag si papa dahil may gulo rin sa pamilya. Mabuti na rin para makahinga ako," paliwanag ko at niyakap nila ako.

"Kung may problema ka, narito lang kami palagi. Pwede mo kaming i-text kung hindi mo kami kasama," paliwanag ni Trixie.

Habang nag-uusap ay naligaw ang tingin ko kay Arturo. Nakapatong ang dalawang braso niya sa lifeline, nakatanaw sa dagat. Ang ganda talaga ng katawan niya, lumilitaw ang ganda ng katawan niya lalo na ngayong nakasuot lang siya ng fitted sando.

"Hoy! Nakatulala kana," pagsita sa akin ni Randy. "Type mo?" tanong niya pa.

Hindi ko parin malimutan ang ginawa niyang pag-amin sa akin. Lalo na yung ginawa naming paghalik sa isa't isa. "Oo?" tanong naman ni Mike. "Hindi ka makasagot eh," dagdag niya pa at natawa naman sila Chesca. Tawa ng nang-aasar.

"Pero baka magalit sila mama at papa," sagot ko.

"Kung mahal mo talaga, ipaglaban mo." simpleng sabi ni Loreen. Madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. Mahal ko rin sila papa, magulang ko sila. Ngunit mahal ko rin si Arturo.

When the Falls, Fell Into My ArmsМесто, где живут истории. Откройте их для себя