CHAPTER 12

80 7 3
                                    

Sinasabi ko na nga ba, dalawang araw matapos manalo ni Arturo ay hindi ko na siya nakita sa rancho.

Wala namang nababanggit si papa sa akin, ayoko rin magtanong dahil baka kung ano pa ang isipin nila.

Kasama ko si Peter ngayon sa rancho, nagpapaligo kami ng mga kabayo nang biglang dumating ang asungot sa lahat. Si Gabriel.

Bakas parin ang pasa sa mukha niya dahil sa ginawang pambubugbog sa kan'ya ni Arturo. Tinanguan niya si Peter, hudyat na iwan niya kami.

Wala namang nagawa si Peter, iniwan niya kaming dalawa. Lakas loob ko namang tiningnan si Gabriel. Ngumisi siya na mas lalo kong kinainis.

"Wala taga-pagtanggol mo ah?" ngising sabi niya. Nangunot naman ang noo ko, ano naman ang ibig sabihin niya?

"Oh ano naman ngayon?" tanong ko, naiinis man ay hindi ko iyon ipinahalata sa aking tono.

"May gusto ka sa kan'ya?" biglang tanong niya at hindi naman ako nagsalita. Karapatan ko ang hindi sumagot sa walang kwentang tanong galing sa kan'ya.

Nang hindi ko siya pansinin ay bahagya niyang hinila ang kamay ko. Hinawakan niya nang mahigpit ang pulsuhan ko.

"Malaman laman ko lang, hindi mo na makikita kahit kailan ang Arturo na iyan. Kaya kong gawin ang lahat, Klare. Hindi mo alam ang kaya kong gawin," pagbabanta niya sa akin.

Tinulak ko siya at binitawan niya ang kamay ko, ngumisi siyang muli. Nakakatawang isipin na muntik na siyang mapatay ni Arturo sa bugbog tapos heto siya, nagbabanta sa buhay ni Arturo.

Hindi ko nalang siya pinansin. Ipinatawag kong muli si Peter para maipagpatuloy na ang ginagawa naming pagpapaligo sa mga kabayo.

Nang matapos kami ay iginala ni Peter sa rancho si Apollo. Ibang kabayo ang sinakyan ko, si Sol. Bago lang siya sa rancho, medyo bata pa, at kulay brown.

Mukhang mabait naman si Sol, dahil mahigit trenta minutos na akong nakasakay sa kan'ya. Nang bigla siyang sumpungin, bigla siyang nagwala.

"TULONG!" sigaw ko dahil sa kaba. Mahigpit akong humawak sa tali niya ngunit patuloy parin siya sa pagpupumiglas. "PETER!" sigaw kong muli.

Ngunit walang saklolo ang dumating. Nakabitaw ako sa tali at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Hindi ko maipaliwanag ang sakit, huling naalala ko... May isang lalaki ang lumapit sa akin. Malabo ang kan'yang hitsura. Doon na nagdilim ang buong paligid ko.

Nagising ako na, nakahiga na sa isang malambot na kama. Nakita ko si Aling Clara, alalang-ala ang kan'yang mga mata na tumititig sa akin.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" tanong niya sa akin. Inalalayan niya akong maupo at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Medyo masakit lang po ang katawan," sabi ko.

"Mabuti na lamang at dumating si Arturo. Nasa meeting kasi sila Peter kanina kaya naiwan kang mag-isa sa rancho," paliwanag ni Aling Clara.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Narito si Arturo?

"Si Arturo? Nasaan po siya?" tanong ko. Hindi naman maiwasan sa boses ko ang tuwa dahil bumalik siya rito sa hacienda.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now